HIDE AND SEEK [2]

15 4 0
                                    

Rhea's Pov

"Guys ! Kumalma lang kayo! Kumapit kayo ng mabuti !"

Sigaw ni Ma'am Stephanie habang kita ko sa kanyang mukha ang takot at kaba.

Mamatay na ba ako? Kami? No, way ! Alam ko'ng maliligtas pa kami.

Takot na takot ako dahil ang sinasakyan namin ay nawalan ng preno at ngayon ay malapit na itong mahulog sa bangin..

"Rhea, kung may mangyayari man sa akin. Remember na mahal na mahal kita"

Sabi sa akin ni Russel at niyakap ako ng mahigpit..

Napalingon ako sa bintana at nakita ko na malapit na ang aming wakas.

"Russel, malalaglag na tayo-AaaaaAaahhhh!!"

Sigaw ko sabay pikit at bigla na lang tumahimik.. maya-maya lang may tumatapik sa aking pisnge-wait ! Buhay ako ! Kaya naman agad akong napa-upo at dumilat.

"Binabangungot ka"

Agad akong napalingon sa pinanggalingan nang boses at nakita ko si Kuya Rafael.

"Panaginip lang pala"

Sabi ko at napahawak ako sa aking dibdib at naramdaman ko ang mabilis na tibok ng aking puso.

"Anong napanaginipan mo?"

Curious na tanong ni kuya..

"W-wala. Uh- kuya may fieldtrip pala kami"

"Ahhh, ganon ba? Kailan?"

"Sa Saturday"

Tumango sya.

"Ahm, mag-ayos ka na. Male-late ka na"

Sabi nya sabay tingin sa wall clock na nasa aking kaliwa kaya naman napatingin din ako dito.

6:21am.

My eyes wide open when i saw the time.

What?! Ilang oras na lang ! Naku !

Kaya naman dali-dali na akong napatayo at inayos ang aking higaan..

"Sige kuya, maliligo na ako"

Paalam ko kay kuya.

"Sige"

Tanging sagot nya at saka lumabas na nang aking kwarto..

Teka-yung panaginip ko, ano nga ulit yun?

Ilang minuto pa akong nagpaikot-ikot dito sa aking kwarto para lang alalahanin ang aking panaginip pero, hindi ko na talaga maalala ! Ay ewan ! Basta, wierd yung panaginip ko.

Napatingin ako sa orasan.

6:29am.

Napailing ako. Psh,maka-ligo na nga.

---------

*Ting!ting!ting!*

Pagka-tunog ng bell ay sakto naman ang pagpasok nang aming guro sa Filipino na si Mr. Zapanta.

"Magandang umaga"

Bati nya, kaya naman sabay sabay kaming nagsitayuan at, sabay sabay rin na bumati sa kanya pabalik.

"Magandang umaga rin po, Ginoong Zapanta"

Pagkatapos ay nagsiupo na kami.

Nagtuloy-tuloy lang ang discussion hanggang sa tumunong na ang bell na ang pahiwatig ay lunchbreak na.

Naglalakad na kaming magkakaibigan sa Corridor para mag lunch ng biglang ipinatawag ako at si Steven ng aming guro na si Ms. Salvidar.

"Sige, mauna na kayo sa baba"

Hide and SeekWhere stories live. Discover now