Lumipas ang buwan
Malapit ng manganak ang mahal na reyna. Labis na kasihayan ang kanilang nararamdaman. Lingid sa kaalaaman nila ang nagbabadyang panganib.
Pulang matay nakamasid. Pulang sisimbolo ng katapusan.
Naghihintay , nagbabadya ... may manganganib ang buhay ng nakatakdang mabuhay.
Napamulat ang mata ng Ermitanyong Alap sa pangitaing kanyang nasilayan
"Pulang mata nagmamasid,simbolo ng katapusan. Nanganganib ang buhay ng nakatakdang mabuhay." Sambit niya
Napabalikwas siya " Ang mahal na reyna. Nanganganib ang supling na dinadala ng mahal na reyna" tumayo ito at naglakbay patungong palasyo.
IVA VALERIANA
Kasalukuyan akong nakaupo malapit sa sa bintana ng aking silid. Pinagmamasdan ang ibat ibang uri ng bulaklak na pinipitas ng mga paslit. Kaysayang panoorin para bang pinapakalma nito ang buong sistema ko. Ginamit ko ang kapangyarihan ng hangin upang kumuha ng isang tangkay ng bulaklak.
"Anak malapit kanang maisilang. Ano kaya ang iyong kasarian. Kamukha mo kaya ako o ang iyong Ama. " sambit ko at yumakap sa kanya.
"Narito pala ang aking reyna. Kamusta ang mga mahal ko?" Sambit ni kades at yumakap sa kanya. Yumakap siya pabalik at hinalikan ako sa noo
"Maayos naman mahal ko. Saan ka galing?"
Umupo siya sa may kama at pinaupo niya ako sa kandungan niya. Hinihimas nito ang impis ng tiyan ko."Nagsanay lamang mahal ko. At nangabayo nagikot ikot kami sa palasyo. "
Hinalikan nito ang aking leeg"Ahh. Kamusta naman ang mga mamamayan?"
"Mabuti. Masaya sila para sa kanilang reyna at sa kanilang magiging tagapagmana. " sambit nito
Pangiti ako habang pinapanood kung paano niya hawakan ang impis ng tiyan ko
"kamusta ka mahal kong tagapagmana? Maayos ka lang ba diyan anak?" Hinalikan nito ang tiyan ko. Tiniganan niya ko sa mata bago siniil ng halik. Halik na nagbibigay ng lakas sa akin. Napahiwalay kame sa halikang yon ng biglang bumukas ang pwerta.
"Mahal na Ivo , Mahal na Iva " yumuko ito ng bahagya upang magbigay galang. Tumango lamang kami.
"Narito po sa palasyo ang ermitanyong si alap hinahanap kayo" patuloy nito
"Asan siya?" Tanong ko
"Nasalabas po kamahalan" sagot nito
"Sige hintayin niyo kame sa labas"
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kandungan ni kades. Inalalayan niya akong lumabas ng silid.Agad na bumunugad sa akin ang nag aalalang mukha ng Ermitanyong Alap na napalitan ng isang masayang mukha ng makita niya ako.
"Ano ang iyong kailangan Ermitanyong alap mukhang napakaimportante ng iyong sadya at naglakbay ka pa para makita kame?" Tanong ni kades
"Napakaimportante mahal na Ivo lalo na sa mahal na Iva. Nanganganib ang buhay ng kanyang dinadala."
Nagulat ako sa kanyang tinuran. Para akong pinapatay sa loob ko.
"Ano ang ibig mong sabihin Ermitanyo?""Nagkaroon ako ng pangitain. Kaya ako naglakbay patungo rito mahal na Iva. Pangitaing maaaring matupad o di kaya'y hindi. Pangitaing babago sa lahat.
Pulang matay nakamasid. Pulang sisimbolo ng katapusan.
Naghihintay , nagbabadya at may nanganganib ang buhay ng nakatakdang mabuhay. "