"Eunice! Bilisan mo nga. Mamaya hindi na naman natin maaabutan 'yong bus."
#HeavySigh. For almost nine years of being together, nakakairita na 'tong kaaapura sa'kin ni Irish. No. Not together as in "in a relationship" but together as in magkasama... araw-araw.
Sabi kasi ng mga nanay namin dati, mas mabuti na raw na may kasama papunta at pauwi galing sa eskwelahan.
Bagong salta lang sila Irish sa lugar namin noong nasa junior high school ako. Ayon naging magkaklase kami simula no'n. Tahimik, mahiyain, at totoy pa 'yan dati kaya hindi pa mahirap ang buhay ko. Pero ilang buwan lang din ang lumipas at naging baliktad na ang bituka niya. Makulit, maingay, maalaska, at nakakairita. 'Yon pala ang totoong Irish. Hindi nakokompleto ang araw niya kapag hindi siya nakakapaghasik ng lagim sa klase.
"Shoot!" Biglang sigaw ko ng kaladkarin niya ang handbag kong dala. "Bitawan mo nga ang bag ko! Kung hindi, tatadyakan kita," banta ko pa sa kanya.
"Para namang aabot 'yang tadyak mo," napairap na lang ako sa tinuran niyang katotohanang hindi ko nga siya maaabot ng simpleng tadyak. Ang tangkad kasi ng kapre kaya mahaba din ang kamay, samantalang hanggang kili-kili niya lang ako. Madalas tuloy akong mapagdiskitahan at gawing tungkod.
"Bilisan mo kasing maglakad," pagmamaktol pa niya sabay hila ng bag ko na hinila ko naman pabalik pero hinila din niya. Pinandilatan ko pa siya ng mata at hinila ulit ang bag ko pero pinandilatan lang din niya ako ng mata at hinila din ang bag ko.
Ayaw patalo, tsk.
Binitawan ko na lang ang bag ko kaya't napunta ito sa kanya. Nginisihan lang niya ako't isinukbit and handbag sa kanyang balikat.
Pagdating sa bus terminal, binitin naman niya ang manggas ko ng dumating ang bus na palagi naming sinasakyan. Halos kaladkarin pa niya ako pasakay ng bus. Nagmamadali, hindi naman mapupuno 'tong bus, ang aga-aga pa. Wala pang masyadong tao sa terminal.
Sa pinakalikuran ng bus kami umupo, ako sa tabi ng bintana at sa tabi ko siya pumwesto. Wala kasing umuupo dito pag ganitong oras. Masyadong malamig ang aircon. Hindi naman araw-araw, pero sinisikap naming mauna sa pwesto na 'to.
Air-conditioned ang bus at mas mahaba kaysa sa pangkaraniwang airconed buses. Dalawang unit pa lang nito ang bumabyahe sa terminal rito sa'min. Dito na rin kami sumasakay sa halos araw-araw. Maaga pa kasi ang byahe nito at komportable ring sakyan. May kamahalan nga lang pero di bale na. Nakasanayan ding magtipid para sa pamasahe e.
Isang oras ang byahe papuntang university kaya minsan nakakatulog na rin. Hindi ko nga alam kina mama kung bakit di pa ako ni-transfer. Mahal ng pamasahe! Ang taas pa naman ng inflation rate sa Pilipinas ngayon.
"Hoy! Iligpit mo nga yung ticket mo. Ipit ka ng ipit d'yan. Huwag mong gawing basurahan ang upuan," saway ko sa kanya sabay kurot ng kamay niyang makasalanan. Araw-araw na lang iniiwan ang ticket sa bus. Nakaipit palagi sa upuan ng bus.
"Tss. Ticket lang e," pagsagot pa nito habang kinakamot yung kamay niyang kinurot ko.
Ano pa nga bang bago? Ako naman 'tong si ligpit ng ligpit ng mga inipit niyang ticket. Nakakahiya sa konsensya ko kapag hindi ko niligpit ang kalat ng kapre. Tulong na rin sa kalikasan. "Isang ticket. E araw-araw mong ginagawa," litanya ko naman dito habang kinukuha ang ticket niyang inipit sa gilid ng upuan.
Anong anime naman kaya 'to ngayon? Isip ko habang hawak-hawak ang ticket na nakuha ko. Hmm.. pwede ng pang artist.
"Sino naman 'to?" kunot-noong tanong ko sa kanya habang hawak-hawak ang bus ticket.
"Si Light 'yan. Antagonist ng Death Note," pag-iexplain niya sa iginuhit niyang mukha.
Napatango-tango na lang ako at saka ibinulsa ang ticket na may drawing nung si Light. Itatago ko sa bahay. Ang gwapo kasi ni Light para sa antagonist. Ang gwapo ng pagkakadrawing haha.

BINABASA MO ANG
The Bus Ticket
Short StoryBus tickets. Illustrations. Statements. Feelings. Friends. ...or not.