Ang Leon at ang Usa

467 0 0
                                    

Sa isang malawak at mapayapa na gubat nakatira ang mga pamilya ng usa. Sa hindi inaasahan, ang Panginoon ay lumikha ng mga leon upang madagdagan ang mga uri ng hayop sa gubat na iyon. Bago pa man silang ilapag sa lupa, binigyan ito ng payo ng Panginoon.

"Maghanap ka ng laman, doon ka mabubuhay."

Nagambala ang mga pamilyang usa sa pagkarinig ng balita.  Alam nilang mabangis ang mga leon. Kaya naman ang ibang mga usa ay umalis sa gubat matapos marinig ang tungkol sa mga leon.

Kinabukasan, nagkaroon na ng mga leon sa gubat at nananatili pang mapayapa ang gubat.

Naghanap ng pagkain ang mga leon at una nilang kinain ang mga dahon ngunit hindi nila lasap at tila 'di nakuntento sa lasa nito.

"Gusto ko ng laman! Dugo! Wala na bang makakain dito?!"

Reklamo ng mga leyon at natakot lalo ang mga usa habang kumakain ng mga halaman. Unti unti silang natanaw ng mga leon at dahan dahan itong lumapit sa mga usa.

Ang isa sa mga usa ay tumakbo sa takot dahilan para habulin siya ng mga leon at pinaslang ng walang awa. Hindi na alam ang mga gagawin ng ibang mga usa kaya't nag isip sila ng plano buong gabi kung papaano silang hindi makain ng mababangis na leyon.

"Mamamatay na tayong lahat."

Malungkot na pananalita ng pinuno ng mga usa.

"Hindi."

Tugon ng asawa nito na nagiwan sa mga usa ng nagtataka.

"Hindi tayo pababayaan ng Panginoon."

Sumang-ayon ang iba sa pahayag ng babaeng usa kaya naman hinayaan nalang muna itong palipasin.

Mag daan ang ilang mga araw, lalo na ng nabawasan at nabawasan ang bilang ng mga usa. Halos sasampung usa na lamang silang natitira sa gubat at sila ay takot na takot na sa mga nangyayari.

Puno ng dugo at mga usa na nakahimlay ang makikita kahit saan.

"Akala ko ba hindi tayo papabayaan ng Panginoon?! Bakit ganito ang trato niya sa atin? Tuluyan na ba tayong mawawala sa gubat na to?"

Reklamo ng isang usa. Sumang- ayon ang lahat sa sinabi ng usa kaya naman napa isip ang pinuno nila. Bumuntong hininga ito at pumikit. Marahang sinabi na:

"Tanggapin nalang natin ang katotohanan, magpasalamat nalang tayo na ang Panginoon ay binigyan tayo ng tyansa na mabuhay at makita ang ganda ng kanyang paggawa ng mundo."

Wala na silang magawa kung hindi tanggapin ang kanilang kamatayan kinabukasan.

Pagsikat ng araw, nagising sa liwanag ang mga leyon at muling naghanap ng makakain.

Naaninag nila ang mga usa na talagang natatakot na sa kanila dahil sila'y sasampu nalang.

"Bakit kayo takot na takot? Hahaha! Nabuhay lang naman kayo para kainin namin!"

"At paano mo naman nasabi iyan?"

Matapang na tugon ng kanilang pinuno. Nag alala na ang ibang mga usa sa tugon ng kanilang pinuno. Ngayon lang siya naging matapang sa harap ng mga leyon. mukhang handa na talaga siyang harapin ang kamatayan.

"Iyon ang utos ng panginoon sa amin! Wala na kayong magagawa. Ha Ha Ha!"

Pangungutya pa ng mga leyon at nangingibabaw ang kanilang tawanan sa buong kagubatan.

"Imposible! Hinding hindi iyon magagawa ng Panginoon sa aming may malasakit na usa!"

"Talagang makukulit kayo, ano? Tara na nga't kainin natin itong mga ito! Ako'y nagugutom na!"

Pagalit na tugon ng pinuno ng mga leyon. Tumakbo ang mga usa sa karimlan ng kanilang buhay habol-habol ng mga mababangis na leyon.

Siyam.. walo.. pito.. anim.. lima.. apat.. tatlo.. dalwa.. isa.

Naubos ang mga usa at busog na busog ang mga leyon sa kanilang agahan.

Paglipas ng ilang sandali ay sila'y nagutom muli. Ngunit wala nang natitirang mga usa na pwede nilang makain.

Lumubog na ang araw at nagtitiis na lamang sa mga sanga at dahon ang mga leon. Sa nakakasilaw na liwanag, nagpakita sa kanilang harapan ang Panginoon. Dali-daling lumapit ang mga leon, at tila nagmamaka-makaawa sa Panginoon na sila'y naubusan na ng kanilang mga kakainin.

"Kayo ay nakagawa ng matinding kasalanan mula sa akin."

Nabigla ang mga leon sa sinabi ng Panginoon.

"Ngunit Panginoon, ang sinabi mo ay maghanap kami ng laman! Sinunod namin ang iyong utos!"

"Ang laman ng usa ay hindi kailanman kinakain, kundi pinapahalagahan."

Malumanay na tugon ng Panginoon na nag iwan ng matinding pagtataka ng mga leon.

"At dahil sinuway niyo ang aking utos, hindi na kayo magtatagal dito. Kapag kayo ay namatay, ang mga usa ay bubuhayin kong muli."

Ang mga leon ay lubhang nalungkot sa nalaman nilang pagkakamali. Lumipas ang maraming linggo at sila'y nangayayat. Nagtitiis sa mga halaman at unti-unti nang nawawalan ng pag-asa  pang mabuhay.

Lumipas pang muli ang mga ilang araw, tahimik na sa wakas ang buong kagubatan. Ngayon at ubos na ang mga leon, nagkaroon na ulit ng mga usa. Sila na ngayon ang tinaguriang tunay na mga hari at reyna ng kagubatan.

Salamat sa pagbabasa.

Ang Leon at ang Usa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon