CHAPTER 1
"Alis na ako, ma." paalam ko sa mama ko.
Hinalikan ko siya sa pisngi at yinakap ng mahigpit.
"Ingat ka. Good luck."
First day of school ngayon, at first day ko din bilang isang 4th year high school student. Di ako makapaniwala na last year ko na nga sa high school, parang ang bilis ng panahon, naalala ko pa yung first day ko nung mag 1st year ako, tapos heto na graduating na ako.
Napabuntong hininga ako, at napangiti.
Graduating na ako. Parang ang hirap paniwalaan.
7:30 ang klase ko, kaya nagising ako ng 5:30, pero nakalimutan ko na first day nga pala ngayon, kaya matraffic.
Humihingal akong tumakbo sa room ko, umakyat na lang ako sa hagdanan, kahit sa 4th floor pa yung room ko.
Bahala na.
Karating ko sa room, pinagtinginan lahat ako ng mga classmates ko. Nagstay ako sa door, lumapit yung adviser namin na si Mrs. Savedra.
"Good morning ma'am." bati ko ng makalapit siya.
"Good morning. What's your name?" tanong niya, habang tinitignan ang listahan niya.
"Ielle Enriquez."
Tinignan niya ulit yung class record niya, tapos nginitian niya ako, at pinaupo na.
Maraming pamilyar sa mga classmates ko, yung iba kakilala ko, yung iba sikat sa school, at yung iba nakita ko lang sa fb kaya pamilyar.
Nasa bandang likod ako, nung nakita ko yung kaibigan kong si Bree.
Nagwave siya saakin at nagsmile. Kaya ganon din yung ginawa ko.
"That would be your permanent seats. So kung may mga malabo yung mata o hindi niyo makita sa lugar niyo yung blackboard sabihin niyo na." sabi ni Mrs. Saavedra.
Nagtinginan kami ni Bree, tumango siya saakin. Kaya nagtaas ako ng kamay.
Nasa bandang harap si Bree, kaya sinabi ko na malabo yung mata ko, at linipat ako sa tabi niya.
"Buti na lang classmate kita, akala ko wala akong kakilala dito." sabi ko.
"Ako nga rin e, akala ko magiging loner ako." natatawa niyang sabi.
Nagkwentuhan kami, kasi wala namang ginagawa. Iniwan kami nung Mrs. Savedra, para daw makilala namin ang isa't-isa.
First day ngayon, kaya half day lang, tapos si Mrs. Savedra lang buong araw ang teacher namen, para makilala niya kami, at makilatis.
Malaki yung school namen, kaya maraming estudyante. Sikat ang school namen sa loob at labas ng bansa. Maganda naman dito, yung nga lang ibang estudyante dito ay parang nakalabas sa kulungan nila kung makaasta. Tsaka dito, bihira lang maulit yung mga classmates mo, kaya expect mo every year ibang classmates.
Nagpaalam na kami sa isa't-isa ni Bree ng mag recess, iba kasi yung kasama namen.
Kasama ko sila Ana, Nicole, at Rose. Classmates ko sila last year, at sobrang miss na ko sila. Kaya rinape ko sila kaagad ng yakap at halik.
"Ihh no. Rapist ka talaga." reklamo ni Rose na tumatawa.
Si Rose yung pinaka kaclose ko, dahil kami yung unang naging magkaibigan.
"Mahal niyo naman ako." Nakangiti kong sabi.
Umiling sila at tumawa. "Tara na nga, baba na tayo." sabi ni Nicole.
"Tara, gutom na ako."
Nasa room kami ni Ana nung time na yun, sa tabi ng room ni Rose.
Kaya kalabas namin, bumungad kaagad si Lance. Napatigil ako sa paglakad, kaya tumigil din sila. Tinignan nila kung saan ako nakatingin, at bilang butihing kaibigan sila, tinawag nila si Lance.
Nagtinginan kami ni Lance, at di niya inalis yung tingin niya saakin hanggang sa makalapit siya saamin.
"Hi Lance!" Bati nila.
Nag 'Hi' lang siya, tapos umalis na hindi ako pinapansin at linilingon.
Sabay-sabay nila akong tinignan at tinawanan.
Napailing ako, at natatawa din, kahit feeling ko sasabog ako sa sakit.
"Sweet niyo kahit kailan."
Hinakbayan nila ako, at tinawanan.
Tawa lang...
Ayos ka lang Cath. Move on na..Di ba?
Oo. Move on.
BINABASA MO ANG
Crazy Deeply In LOVE
JugendliteraturI said I love you. You avoided me. I cried. And cried. I tried to talked to you. You ignored me. I tried texting you. You ignored me. I cried. And cried. I tried moving on. You came back. Then I was hoping again. And you fuck everything up again. I...