My Pretend Girlfriend

414 12 1
                                    

Mary Anne is Ms.Nobody. Hindi siya kilala sa unibersidad nila, while Jayson is Mr.Somebody

 Heartthrob kung tawagin.

 Wala siyang balak maging Popular sa unibersidad nila kung hindi lang dumating sa mundo niya si Jayson.

 Hiniling nito na maging "Pretend Girlfriend" siya dahil sa pagtataksil ng Nobya nito.

Habang umaakto silang mag "Kasintahan" ay hindi niya napigilang ma in-love dito. Kahit binalaan na siya ni Jayson na bawal siyang ma-inlove ay sumige pa rin siya.

Ngunit nagising siya sa katotohanan dahil nahuli niya itong nakikipaghalikan sa dati nitong Nobya...

---

Nasa huling taon na si Mary Anne sa kursong Journalism sa Saint Benedict University. Kasalukuyan siyang nagbabasa ng libro sa kanilang bench kasama ang kalog niyang Bestfriend na si Sarah. Natigilan siya sa pagbabasa ng bigla itong sumigaw.

“Bes!  Nakakahiya ka, ano ba? Ba’t ka sumigaw?” sabi niya sa kaniyang bestfriend.

“Break na si Jayson at Chantelle the flirt!” kinikilig na wika nito.

“Bakit naman?” wala sa loob na tanong niya.

“Nahuli ni fafa Jay si Chantelle na nakikipaghalikan kay Fonzie sa likod ng gym” sagot nito.

“Ah.”  Pagtatapos niya sa usapan.

Ang tinutukoy nitong Fonzie ay ang Mortal Enemy ni Jayson Cabacis. Alam niya na ang tungkol sa pagtataksil ni Chantelle kay Jayson dahil minsan na niya itong nahuli na may ginagawang milagro. Nasa party siya ng kanyang kaklase ng araw na iyon. Pumunta siya ng garden upang magpahangin ng may narinig siyang boses ng dalawang tao sa likod ng mga halaman. Nagulat siya ng sambitin ng mga ito ang pangalan ng isa’t isa. Hindi siya tanga para hindi malaman ang ang ginagawa ng mga ito. Sa paraan ng pagsambit ng mga ito sa pangalan ng isa’t isa ay alam na alam niya na ang ginagawa ng mga ito. Napa iling na lang siya sa ginawang kataksilan ng dalawa.

“Dapat isa satin ang mag comfort kay fafa Jay!” ani sarah.

Ngalingaling batukan niya ito.

“Hoy Sarah Jean Garcia! Kung trip mo siyang i-comfort, huwag mo kong idamay! Hindi pa ko nasisiraan ng bait para pag tsismisan no!” saway niya sa kanyang kaibigan.

“OA mo naman bes, ayaw mo nun? Sisikat ka!” Sarah winked.

“Ayoko” pinandilatan niya ito ng mata.

“Sabi ko nga, tara sa cafeteria. Nagugutom na ko” yaya nito sa kaniya.

Naiinis si Jayson habang naglalakad papunta sa kanilang gym kasama ang mga kaibigan niyang si Carlo at Michael. Nang makarating sa gym ay umupo silang tatlo sa sahig. Mahigit isang lingo na ang nakakalipas mula nang mag break sila ni Chantelle pero sa kaniya pa rin nakatutok ang tsismis. Nahuli niya itong nakikipaghalikan sa Mortal Enemy niya na si Fonzie sa likod ng gym nila. Hindi siya nasasaktan sa pangloloko ng mga ito, Ang pride niya ang nasasaktan dahil ang tingin sa kaniya ng mga tao sa University nila ay kaawa-awa siya. Iyon ang ipinagsisintir niya ng bongga. Napabuntong hininga na lang siya.

“Bad breath ka naman pare!” nakangising baling sa kaniya ni Carlo.

“Shut up Carl, hindi ito ang oras para makipagbiruan” saway niya dito.

“Kasi naman Jay, huwag mo ng isipin ang flirt na iyon, mabuti nga at wala na kayo. Mapagbibigyan mo na yung mga ibang babae diyan. Make it easy dude.” Ani michael.

My Pretend GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon