Math Book ( One Shot )

43 1 0
                                    

- At School -

Hay grabe, Ang tagal naman dumating ng Crush ko. Badterp. Halos isang oras at bente kwatrong minutos at trenta isang segundo nako nagiintay ah ! E kasi naman, Kahapon e inasar ba naman ako ! Kinuha yung libro ko na kailangan kong sagutan. Ayan tuloy wala akong Homework. Peste ! 

"Oy Faye ! Kanina ka pa inis na inis dyan. Baka naman uso ngumiti.''

Sabi ng bestfriend ko habang kumakain ng Ice candy.

''Tss, Ang aga aga Ice candy ang kinakain mo. Magkasakit ka sana.'' At syempre I don't mean those words.

"Ansama ah." Sabay tapon ng plastic na puro laway nya. Ew. "Bakit ka ba naiinis ?" Tanong nya sabay pamewang.

"Nakakaloka kasi. Si Red kasi kinuha yung libro ko sa Math ! Pakners ! Pano di ako maiinis e may Homework tayo don." Pinadyak ko yung paa ko sa inis pero deep inside, OMG I'M SO KILIG LIKE THERE'S NO TOMORROW ! YAH KNOW ?! LIKE, YAH. OMYGOSH. 

Pero nako patay ako kay Maam Chaves  *frowns*. Hay basta ! May Advantage padin kahit wala akong homework. ReReypin ko yung libro ko pag nakuha ko na ! bwahahahhaha.

-Beeeelllllll Ringggssss-

"Ay posanggala ! Time na Tine ! Changgala talaga yang Red na yan ! Kung di ko lang yan Crush ayy naku ! Baka pinutulan ko na yan ng ulo ! Yung ulo nya sa baba *Grins*." Inis kong sabi sa kanya sabay Hila sa kamay nya papuntang classroom.

"Wala na ! First subject pa naman yung Math. Di ka na makaka kopya sakin. Awww, Kawawang bata." Weh, Dinilaan ba naman ako. Langya to. Kudkurin ko ng hollow blocks yang ngalangala mo e.

"Gusto mong hilahin ko yang dila mo at ipulupot ko sa leeg mo !? ha !? Gusto mo !? Gusto mo !?" Gagawin ko yon talaga !

"Kung kaya mo ! *laughs*" Abay, Makakatikim na talag-

"Ms. Tine Kampepe ! Ang ingay nyo dyan ni Ms. Faye Betlogo ! The Class will start in a Few minutes so can the two of you would please quiet ? What kind of --------"

Blah Blah Blah! Daming chuchu ! 4th year HS na kami ganyan parin si Maam Veloso kaloka! Walang improvement. Simula 2nd year HS e Class Adviser ko na yan. Pero minsan may onting kulit moves din naman sya, Konti lang.

"Ms. Betlogo ! Are you listening !?" Kinagulat ko ng mapunta ko sa Reality.

"Hindi po Maam, Bastusan lang!? Nag D day dream ako tapos mambubulabog ka ?" At syempre sa utak ko lang yun sinabi noh!

"Um, Sorry po Maam." Sabi ko sabay tungo nang mapansin ko sa gilid ng mata ko ang pinaka gwapong lalaki sa buong mundo !! Syempre sa paningin ko lang yun. Grabe, Ang tangkad nya, Moreno, Matalino pero hindi sya Hearthrob *smiles*. Oks lang yun ! Basta para sakin sya ang pinaka gwapo. Tatlong taon ko nang crush tong mokong na to, At buong schoolyear na to, Wala syang ginawa kundi pakiligin ako kahit na ang alam nya ay naiinis ako. Nako noh ! Kilig pepe kaya ako kahit na tingnan nya lang ako. Ayieeee. 

Hayyy. *Smiles*

"Mr. Garcia ! 4 minutes late ka na ! Where's your excuse slip?" Sigaw ni Maam Veloso sa kanya habang papalakad papunta kay Baby. Asos ! Baby daw oh. Omg.

" Um, Maam. Eto ho oh." Inabot nya ang Excuse slip at inayos ang Backpack nya. Tumingin sya sa akin at kumindat. SYET NAHULOG YUNG PANTY KO ! Wait kunin ko lang ah.

Aba aba ! Teka nga, YUNG LIBRO KO ! Naku. 

"Get inside." Sabi ni Maam. "Okay Class." Huminto si Maam na parang pinatunog pa yung Heels nya. "Male Late daw si Maam Chaves, and that means, You can read some books about my subject before Maam Chaves enters the classroom, Is that clear?" Sabay taas ng kilay. 

Umalis na si Maam at nagsimula nang dumaldal ang buong klase. Well, Di kami masunurin noh! Like DUHHHH. Ay teka, Yung Homework ko nga pala, Pwede pa ko gumawa ! 

Hinanap ng mata ko si Red, Nasa first row kasi sya at Nasa likod kami ni Tine. Ayun ! Nakuha pa nyang magbasa samantalang ako wala akong nagawang Homework dahil sa kanya ! Mabatukan nga tong lalaking to.

"Hoy! yung libro ko !" Nagulat sya sa ginawa ko. haha ! Bahala sya noh ! Sya naman may kasalanan. Ang cute nya parin talaga kahit naka simangot.

"Ayoko nga ! " Sabi nya sabay tayo at naglakad papalayo.

"Aba! Ang kapal ah! AKIN NA WALA AKONG HOMEWORK !" Sigaw ko, Ang ingay naman dito sa Classroom. Hayaan na nga! Di rin naman ako mapapansin e. 

"Ayoko!" Sigaw nya pero di sya nakatingin sakin. 

Hinanap ko yung bag nya, Hahaha ! Ang tanga! Andito lang siguro yung libro ko. 

Hinalungkat ko yung bag nya nang hindi nya alam. Teka ba't wala? San na yun?! 

"Red!" Tumingin ako sa kanya, Nakaharap na sya sakin at naka Smirk. Hawak nya yung libro ko ! Inagaw ko yung libro ko habang sya naman tumatawa. takteng yan ! Kinikilig ako e !

"AKIN NA YAN RED !" Sigaw ko habang tumatalon pa para maabot sa kamay nya.

" Hahahaha! Ang liit mo kasi e ! Patangkad ka muna." Asar nya sakin habang tumatawa.

"Nakaka bwi----" Natigilan ako nang may biglang humablot ng libro ko sa kamay nya. Pag angat ko ng ulo ko, Patay ! Si Maam Chaves !

"At anong ka harutan ang ginagawa nyong dalawa?" Syet ! 

"I'll confiscate this thing, okay? What's with the two of you?" Naglakad sya papuntang teacher's desk at umupo. Binuklat nya yung libro.

"Tsk, Epal kasi e." Bulong ko kay Red.

"Ang kulit mo kasi e." Sabi nya sakin.

"At ako pa?!" Inirapan ko sya.

"Oo." Pang inis nya. Nu ba yan ! Kahit anong gawin ko kinikilig parin ako !

" Oh, May secret pala si Ms. Betlogo ah. Alam na kaya ni Mr. Garcia to? Ehem." Bigla akong nagulat ! Hala ! Ano yun? Teka !!!

*Flashback*

"Hahhahaha! Omg ka Faye ! Crush na crush mo talaga si Red." Tawa ng tawa tong bestfriend ko habang tinitignan yung Math book ko. E kasalanan ko bang Mag doodle dun sa page 356 ng puso puso hart hart at yung pangalan ni Baby. Wala kasi akong magawa e. Tss, Normal lang naman yen eee.

"Tss, Ingay ! Wag ka nga !" Sita ko sa kanya sabay agaw ng libro.

*End of Flashback*

OMYGOSH !!! Wag mong sabihin na.....

Grabe !!!! Nanlaki yung mata ko at inagaw yung libro kay Maam Chaves, Sana di nakita ni Red. Nakakahiya ! Ngayon ko lang naalala ! As in grabe ayoko na ! HOY LUPA ! KAININ MO NA KO !

"What's the matter Ms. Betlogo?" Tanong ni Maam Chaves habang nakangiti at kinindatan ako.

What?! ANONG WHAT?! DON'T WHAT ME !!

Lumingon ako sa mga kaklase ko, Tawa ng tawa ang mga loko ! Naku anobayan ! Nakakatawa ata talaga yung muka ko kapag nag papanic. Tapos si.... Si.... SI RED ! NAKA NGITI ANG GWAPO SYET AYOKO NA !

Tumayo sya ng Diretso at nilagay yung dalawa nyang kamay sa bulsa nya. Lumapit sya sakin sabay sabi ng 

" Wag kang mag alala, Gusto rin kita. " 

Math Book ( One Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon