1. Jasmine Lee Trinidad

13 0 0
                                    

Chapter 1 *

 

Masaya kapag may nagmamahal sayo.

 

Masaya  din kapag may mahal ka ring tao.

 

Mas masaya kung kayong dalawa ang nagmamahalan.

 

Paano kung isang araw,pag gising mo,Ikaw na lang yung nagmamahal sa inyong dalawa.

 

Ikaw na lang yung nakakaramdam ng saya kapag magkasama kayong dalawa.

 

Ikaw na lang din yung nangangarap na may FOREVER pa sa inyo.

 

Anong gagawin mo?

 

Maghihintay ka pa ba na bumalik siya sayo O hahayaan mo na lang siyang hanapin yung kasiyahan niya sa iba??

 

 

 

Chapter  1*

 

Jasmine Lee  Trinidad POV***

 

Paano ko nga ba to sisimulan?? In a typical way ba?? Nakakasawa naman yun. Mamaya niyo na lang alamin kasabay ng pag-kukwento ko sa aking oh-so-sweet-nilalanggam-love story ^__^v. Im Jasmine Lee Trinidad. They call me Jas or Jas Lee. Katatapos ko lang mag highschool last March at wala akong planong pumasok ngayong june dahil napaka-bait kong bata. ^__^ hehehe. Joke lang yun. Sa totoo niyan, kahit naman mag-plano akong mag-aral sa college, Eh wala akong pag-asa. Bakit?? Mahirap lang kami eh. Wala na akong papa. Mama meron pero nag-asawa na siya ulit at malayo ako sa kanya. Ayoko rin namang umasa sa kanya para makapag-aral sa college. Tama na yung nagsumikap si mama para maka-graduate ako sa high school. Malaki na ako,i-aasa ko pa ba sa kanya yung pang tustos ko sa college?tsaka may sarili na siyang pamilya, oo pamilya niya din ako pero ayoko maging pabigat kay mama. Ang bait ko ba??haha. ang ganda ko kasi ehh :)

 

**1 messaged received**

 

From : Partx Reeyan

 

 Partx asan ka na?? Nandito na ako sa shop!

 

 

Si Reeyan,bestfriend ko nung 4th year high school lang. Nung 4th year ko lang yan naging close kasi kaibigan siya nung mortal enemy ko nung high school. Di rin nagtagal, naging magkaibigan kami kasi nalaman na nila yung totoong kulay ng mortal enemy ko. Ayun,naging close na kami. Nireplyan ko muna si Reeyan.

To: Partx Reeyan

 

 Oo na. Papunta na ako diyan. Ang aga mo ata ngayon??

 

 

Kung nagtataka kayo kung saan lakad namin ngayon,well, MAY TRABAHO NA AKO!!!! *fireworks**saboy confetti*

Oo,trabaho. At the age of 16 yrs old,opo may trabaho na po ako. Gaya ng sinabi ko sa inyo kanina, ayokong umasa sa mama ko. Gusto kong mabuhay ng mag-isa without depending to others. (sige lang Jas,trying hard mo pa yang english mo XD)

Ito na,papunta na ako sa aking trabaho. Its my 2nd week na sa trabaho ko. Ok naman siya syempre nakakapagod rin pero ok lang kasi may pera na ako..oh diba??

 

**CAR SHOP**

 

Nandito na ako ngayon sa shop. Isa siyang car shop. Kung ano yung trabaho namin ni Reeyan,syempre gawaing pang babae,naglilinis ng front desk ng shop tapos yung main office na rin ng manager. Di lang yan,dahil daw may sex appeal at charm at ganda daw kami ni Reeyan,eh promoted agad kami ni Bossing. Kung dati, taga-linis lang kami ng front desk at office,ngayon eh kami na mismo ang nasa front desk at main office. ^__^ diba?? Level up ang kagandahan namin. Sabi ni Bossing, Monday to Friday eh sa front desk ako tapos si Reeyan sa office. Kapag naman Saturday, sa office ako tapos si Reeyan ang nasa front desk. Yung Sunday is day off namin at tsaka-------SWELDO DAY!!!YAHOOO!! ^__^

 

Nag-log in muna ako sa log book. Sa back door na ako pumasok kasi sarado pa yung main door kasi maaga pa naman eh. 7:30 am pa. 8:00 am pa yung opening ng shop.

 

Kitang-kita ko na si Reeyan dun sa kitchen/tambayan room kapag break time or lunch time namin.

 

“ sabi ni bossing, dadating na daw dito yung iba pang trabahante ng shop kasama daw yung anak niya.”

Sabi ni Reeyan habang kumakain ng chips. Naku,ang aga-aga eh chips agad ang kinakain?? -_-

 

“ talaga?? Yung anak ba ni Bossing yung papalit sa kanya??”

 

“oo.meaning may bago tayong bossing.kaya work hard na tayo. Lalo na ang gwapo daw ng anak ni Bossing”

 

“ oh tapos?? Anong connect nunh magtatrbaho tayo maigi kasi gwapo yung anak ni Bossing?? Kagwapuhan ba niya magpapsweldo satin??”

 

Habang nagsasalita ako,biglang may bumukas ng pinto.

 

O.O

 

“ e-ehh???”

 

 

 

 Hey!! First Ud ko to!!! Mehehe!!!! See sa next ud!! Busy na ako.. i need to prepare na para sa aking work!! Love you guys!! ^__^ see you in next chapter :))

#THE LiiNK BETWEEN YOU AND ME <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon