Riri
"Kim Namjoon! Kim Seokjin! Min Yoongi! Jung Hoseok! Park Jimin! Kim Taehyung! Jeon Jungkook! BTS!!!"
Grabe. Sobrang sikat na talaga si Genie. Di na siya ma-reach.. natupad niya na yung pangarap niya at ngayon ini-interview sila sa isang sikat na show sa America.
Nandito ako sa bahay nila. Kasama ang nanay niya na tutok na tutok sa 370 inches nilang t.v. na pundar din ni Genie.
"Do you have anything.. I mean a special someone in your life right now Jin?"
tanong nung host.Pinakita niya na naman sa buong mundo ang priceless niyang ngiti.
Nag-cross finger ako.
'Sana wala.'
'Sana wala.
'Sana wala.'
Tahimik akong nanalangin na Wala pang nakikitang magandang Koreana si Genie na maaaring magustuhan sa Korea.
'Please Lord.. wag niyo pong hayaan na may magustuhan siyang iba sa Korea... Alam ko pong kutis labanos ang mga nandun at babaeng-babae kumilos pero-'
"I actually have someone special.."
Napatayo ako.
Sabay sigaw nang-
"Wala na. Finish na."
Nakakainis naman. Kakadasal ko lang eh. Tch.
"Anyare sayo Riri?"
Nagtatakang tanong ni Mama Jin (future nanay- in- law.. pero mukhang tagilid ang laban.)
Napahiya nang konti. Ngiti na Lang isinagot ko.
"Mukha pong magkakamanugang kayo nang laba-"
"Actually there is someone I really want to see, my first fan.."
tas tumingin siya sa camera bago nagsalita.
"Riri."
OH SHOOKKT.
Napatili si Mama Jin.
Halos mamilipit na parang pretzel sa kilig.Habang ako:
KIM SEOKJIN.........!!!!!!!!!!!!!!!!!!
"Ri? Okay ka lang?"
Napadilat ako.
Nakahiga ako sa kwarto ni Genie..!!!!
Uwahhhhhh!!!!!!!!!!!