Uhmm.. Grade 6 nung nakilala kita. We were bestfriends.. super close pa naten. May mga pagsubok man ang dumating.. Binabantayan ng teachers para hindi makapag usap.. pinapabantay ren ang mga kaibigan para di tayo makausap.. Pero sa lahat ng pagsubok na yun? Hinarap mo.. Kahit bawal nandyaan ka padin, gumagawa ng paraan para makapag pansinan tayo.. Then nung nag highschool tayo. Ok na ang lahat.. Kaso lang, Lagi nga lang tayo nag aaway. Nagseselos, inisan mas lalo na't sagutan. Pero kahit ganun nagbabati agad tayo. Nagpapasalanat ako dahil sa pagmamahal mo na pinaramdam at ibinigay mo saaken, sa pagiging caring, at sa pag respeto saken. Pero dumating sa punto na, Naging cold kana saken. Di ka na nag rereply.. At nafeel kona na ayaw mona. Di ko alam gagawin ko eh. Naalala ko lagi sinasabi mo marunong ka tumupad ng pangako.. Pangako mo pa nga na di moko iiwan. Na kahit anong mangyari di moko papagpalit at lalo na sa lahat di ka magsasawa. Pero.. wala eh.. Tama nga ako na napapako ang pangako. Sana di ako naniwala agad sa mga pangako mo. Kase masasaktan ren pala ako. Gusto ko mag sorry at mag thank you sayo ng marami. Pero.. gusto ko ng sabihin na.. Ayoko na, suko nako.. na di ko na kaya.
BINABASA MO ANG
Mahal kita,pero nasasaktan lang ako.
RandomThis is just a message na gusto kong sabihin sakanya... na hindi ko masabi dahil parang di pako handa.