One shot

461 16 7
                                    

A/N: Sana po walang manggaya nitong ginagawa ko kasi talagang nirelate ko yung karamihan jan saakin atsaka talagang may pinanghuhugutan talaga ako kaya nagawa ko 'to! choss XD 1st time ko gumawa ng one shot kaya push ko na talaga 'to. hahaha! :D


RAIN AT SUNSHINE (ONE SHOT)

BY: EUBELIBELIBELLS.

Rain at Sunshine? Kung magsasabay ba ang ulan habang umaaraw o di kaya umaaraw habang umuulan? Masasabi mo bang maganda ang kinalabasan nito? Eh paano kapag natapos na ang sabay na ulan at pag-araw. Masasabi mo pa din bang maganda ito habang si Araw ay malungkot na nag-iisa at si Ulan ay nasa ibang lupalot na at walang kasigaraduhan na magbabalik pa ito?


"Tatlong kanto pa, Sana'y marinig ko ulit ang boses niya!"


Sabi ko sa sarili ko habang pilit na pinipigilan ang tulo ng aking mga luha sa gilid ng aking mga mata kasunod nito ay nagsimula na ulit akong maglakad hanggang sa marating ko na ang tapat ng bahay nila at automatic naman na napahinto ang aking mga paa at muling tinignan ang bintana nila na umaasang may lalaking nandoon at masayang ngumungiti saakin.

Tatlong taon na ang lumipas simula nun, hanggang ngayon umaasa pa rin ako! Umaasa pa rin ako na maririnig kong muli ang boses ng lalaking minamahal ko, yung mata niyang kulay brown, yung mga pilik mata niyang mahahaba, yung ilong niyang maliit na matangos, yung pisngi niyang malobo at yung ngiti niyang nagpapangiti rin saakin gustong-gusto kong makita ulit yon.

Napangiti ako ng malungkot sa mga alaalang iyon at umupo sa gilid ng malaking puno kung saan kami unang nagkakilala ng lalaking iyon.


Naaalala ko pa nung una kaming nagkita dito sa Bayan ng Diwata nung mga panahong iyon, kamamatay lang ng daddy ko at sobrang nagipit kami ng mommy ko kaya napilitan kaming lumipat dito sa Bayan ng Diwata kung saan andito ang tita ko.

Nung unang linggo ng lipat namin dito ng mommy ko, inaamin ko na nagagalit talaga ako niyon dahil sa Manila nakalibing si daddy at marami din akong naiwan na mga kaibigan duon kaya para malibang ko yung sarili ko madalas akong tumambay malapit sa School na kung saan ay pagkababa ko ng jeep ay tatlong kanto na lang ang lalakarin ko papunta sa tambayan ko.


Maaga akong pumasok nun dahil may groupings kuno daw kami ng mga kaklase ko at dahil masyado ata akong napaaga ng dating kaya naisipan ko munang tumambay sa tambayan ko.

Sa tambayan ko na kung saan may nakalagay na malaking letra na "LOT FOR SALE" at sa gilid nito ay may malaking bahay na napaka-tahimik lamang.


Gustong-gusto ko talaga ang tumambay dito dahil nakakarelax ang simoy ng hangin at tahimik lamang dito! Sumandal ako sa puno at tumingin sa langit at bumagsak na muli ang mga luha ko. Ito kasing tinatambayan ko ngayon, Madalas akong umiyak dito.


"Miss na miss na po kita... Daddy!" sabi ko na sa tono ng pananalita ko mahahalata mo na maiiyak na ako.

Nagulat ako ng biglang may nalaglag sa puno ng sinasandalan kong ito, Napanganga ako sa nakita ko at ngumiti ito saakin sabay binigyan ako ng panyo na kulay puti.

"Nagulat ba kita? Sorry ah! Hindi ko kasi alam na kapag nagulat ka ay maiiyak ka, Kinuha ko kasi itong kawawang pusa na umiiyak sa itaas ng puno!" sabi nito na kumakamot sa batok nito at muling ngumiti.

Rain At Sunshine (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon