Chapter 3

8 0 0
                                    

*After 1 month*

Antoni's POV

Oh sh*t! Back to school nanaman ako. Bakit kasi ang tagal pa bago ako magtapos?

Yeah, 3rd year college pa lang ako. At lumipat nanaman ako ng school! -_-++

Ah, GreyHill University.. Ayos naman ang school na to. May kaibigan din naman ako dito.

Cold person ako, pero di ko sinabing wala akong kaibigan! Well, Iba't-iba ang ugali namin pero kami ang magkakasama.

Lima kami sa barkada. Si Luke, cassanova yan! Akala mo babae, ginagawang accessories ang chix! Sabay-sabay!

Si Stephen, habulin din ng babae, pero loyal yan sa Girlfriend nya. Ewan ko ba kung ano nakita niya kay Naomi na nerd.

Si Vince, kambal ni Rence, tipong cool lang. Mabait at Gentleman kaya habulin din. Parating linya nyan ay "Still searching for Her." Di namin alam ang pangalan ng hinahanap nya pero still kami din umaasa na makita nya ang mahal nya.

Si Rence naman, bunso ng barkada pero babaero din! Siya ang parati naming binu-bully kasi masunurin sya at madali ding mainis.

Nandito na ako ngayon sa parking lot ng school, hinihintay ko ang mga loko. Isa-isa ng dumating mga sasakyan nila.

"Bro!" sabi ni Rence.

"Long time no see pare" sabi ni Luke.

"Nagsama nanaman tayo sa isang school. Ano na? Tayo nanaman ba parating nasa office? Haha" si vince.

"Pare," Stephen, nag fist bump kami "Hatid ko na muna si Naomi, late na kasi." sabay akbay kay Naomi.

"Wag kang ganyan bro, iiwan mo kami para kay Naomi?" Vince, na parang babae pananalita.

"Gag*, tara na nga sa room. Hintayin ka nalang namin sa loob" sabi ko at sabay na lumakad paalis.

Pagkaalis namin sa parking lot, biglang nagdatingan ang mga babae sa paligid namin. Tss. I miss her. I wish she's here with me.

Dahil naalala ko nanaman sya, nag iba nanaman ang aura ko. Bigla na lang din nag init ang ulo ko kaya naman..

"Alis! Or else I'll let you see hell." malakas at madiin na sabi ko. Nagsialis naman sila sa daan, kaya't umalis na kami.

Nakarating din kami ng room, biglang nagtilian ang mga babae sa loob, nanahimik din sila ng makita ang aura ko.

Naupo kami sa likod, time to ask.. Tutal maraming kilalang babae mga to, siguro naman kilala nila hinahanap ko.

"May kilala ba kayong Chienna San Jose?" straight face na tanong ko.

"I think I heared that name. Wait, diba Vince sya ung *hmmmm*" Luke na biglang tinakpan ni Vince ang bibig.

"Ibang section un, bakit?" tanong ni Vince sa akin.

"Makikipag kaibigan ako sa kanya. Sabi ni Mama, special daw sya." sabi ko sa kanila.

"Hahaha. Hirap ng alam mo dude. She hates boys, at tanging si Vince pa lang ang nakausap na lalaki non!" Luke.

"Ah. Pero kelangan kong makipag kaibigan sa kanya. Gusto ni mama."

"Tang*a! Bakit ganyan itsura mo Vince? Para kang naagawan ng candy!" Rence na turo ang mukha ni Vince.

"Liligawan ko bro, tapos eeksena ka. Nakakasakit ka na ha." Vince na mukhang tuta.

"Hi Chins!" sabi ng babae sa harap. Binati nya ang babae sa may pinto.

"Hello!" sabi ng babae.

"Gag* pre wag kang ngumanga!" sabi ni Luke kay Vince na nakatingin sa babae. Pinagpapalo na ni Luke si Vince ng libro pero di to natitinag.

Biglang tumingin ang babae sa side namin at.. "Hi Vince! SC later ha!" nakangiti nitong sabi.

"Sino sya?" bulong ko kay Stephen na busy sa paglalaro sa cellphone nya. Sumulyap siya saglit at binalik din sa phone ang tingin.

"Siya ba? Crush yan ni Vince. Si Chienna. SC president." sabi ni stephen na nakatingin lang sa cellphone nya.

"Anong full name nya? Ano status nya dito sa campus?"

"Princess of GreyHill University. President sya ng SC club. Walang lumalaban jan, dahil fan boys nya mismo bahala sayo. Famous sya dito sa campus. Girls lang kausap nyan, si Vince pa lang ang lalaking nakausap nya ng matagal. Marami ng achievements yan dito. May part nga sa buletin na sya lang ang laman. Tignan mo kaya, Chienna San Jose." mahabang sabi nya ng di tumingin sakin.

So sya ang babae na hanap ko,  interesting. This will be a long school year..

The Gangster's SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon