(Phone Text rings) .... "Ughhh .... Sino kaya toh ? Ah si Marry"
Text from Marry :
" John mag usap tayo mamaya may sasabihin akong mahalaga"
"Ano kaya yun ?!?" tanong ko sa sarili ko
Typing a reply :
"Ah sige Marry .... Dun ba ulit sa dati ??"
Text from Marry :
"Oo , mag kita tayo dun mamayang 1pm"
My reply :
"Ah sige sige"
Bakit kaya ? Ano kaya ang meron ? .... Hayaan mo na malalamam ko din naman eh , makapag almusal na nga
...
...
...
...
...
Nang mag kita kami ni Marry sa lugar kung saan kami pumupunta lagi.
"Ano yung sasabihin mo Marry ? May nangyari ba ?" tila kinakabahan ako ng sabihin ko iyon
"Uhmmm .... John break na tayo , tingin ko hindi tayo bagay" sabi ni Marry habang nakayuko
"Ha ?!? Bakit naman ? Di naman kita niloloko ah , di rin naman kita pinababayaan , at lalong di naman ako nag kulang ah" gulat na gulat ako at bumilis ang pag tibok ng puso ko ng pag kasabi ko ng mga salitang iyon
"Hindi saganon John. May iba kasi akong boyfriend , at ginawa lang kitang pang palipas oras" sagot ni Marry at nag umpisang umiiyak
"Ah ganun ba" sagot ko na parang nawawala na sa sarili
"Pero ba't di mo pa sinabi ng simula palang?" tanong ko sakanya na tila na naguguluhan ako
"Kasi ... Kasi ano" sagot ni Marry na di na makapag salita dahil sa pag iyak
"Ano ?!?" nainis ako ng tanungin ko sya
Napaiyak lalo si Marry ....
"Hayaan mo na nangyari na eh , ano ba magagawa ko .... " kahit na masakit dahil sa pangloloko nya sinabi ko sakanya "Tumahan ka na Marry , diba sabi ko sayo na ayaw kong makikita kang umiiyak ?" hinawakan ko ang kanyang pisngi para makita ko ang kanyang mukha
"Opo" sagot ni Marry habang nakatingin sakin at natigil na sa pag iyak
"Oh tumahan ka na" nakangiti akong sinabi sakanya ang mga salitang yan kahit na nasasaktan ako sa loob
"Oh ito gamitin mo muna" iniabot ko sakanya ang panyong dala ko
"John sorry talaga ah , sorry" sabi ni Marry na mag uumpisa nanaman umiyak
"Oh yan ka nanaman" sabi ko sakanya
Madaming tao ang nakakakita sakanya habang umiyak
"Tara" hinila ko sya at balak kong dalhin sya sa bahay
"San tayo pupunta ?" tanong ni Marry .
"Dun tayo sa bahay mag usap , ayokong may nakakakita sayo na umiiyak ka hindi sila nanonood ng teleserye" sagot ko sakanya
...
...
...
Nang makapunta na kami sa bahay
"Tumahan ka na Marry" sabi ko sakanya
"Mahirap po eh" sagot ni Marry habang nag patuloy sa pag iyak
Tumabi ako sakanya at niyakap sya ng mahigpit
"Oh tahan na" nakangiti kong sinabi sakanya
"Bakit mo ko niyayakap?" tanong ni Marry na tila naguguluhan
Niyakap ko si Marry
"Okay na , napatawad na kita ... Alam mong mahal kita , diba ? kaya ayos lang sakin kung iwan mo man ako . Basta ba makakasiguro akong magiging masaya ka dun sa lalakeng yun at hinding hindi ka nya paiiyakin , kung nalaman kong pinaiyak ka nya , mayayari sya sakin , okay ?" sagot ko sakanya habang mahigpit na nakayakap
Bumitan na ko mula sa pag kakayakap sakanya at lumipat sa ibang upuan
"John , bakit ang bait mo sakin?" tanong nya sakin
"Mahal kita Marry , kung gustuhin mo mang pakawalan kita , ayos lang dahil dun ka magiging masaya" sagot ko sakanya na nag pipigil para di lumuha
"Sana di ka mag bago John" sabi ni Marry na natigil na ang kanyang pag iyak
"Ewan ko Marry , lahat ng tao nag babago" sagot ko sakanya habang nakayuko
"Oo alam ko yun , pero sana wag mo nalang baguhin yan" nag aalalang sinabi nya sakin ang mga salita
"Oo ba" sagot ko sakanya habang nakangiti pero sa aking loob ay hindi ko masabi kung matutupad ko toh
Sorry Marry ewan ko kung di ako magbabago , pero alam ko mag babago ako
Nag katitigan kami ni Marry nang sabihin nya na
"John tara nga dito"
"Oh bakit?" tanong ko sakanya ng lumapit ako
Niyakap ako at hinalikan sa pisngi ni Marry at sinabing
"John , mahal din kita pero di ko kayang iwan ang boyfriend ko" nagulat ako nang sabihin nya sakin yun "Last na pag uusap na natin toh dahil aalis na ko at pupunta na kami sa bohol"sunod na sinabi nya
"Ah ganun ba" sagot ko sakanya
"Mag ingat ka dun ah" sabi ko sakanya habang hinigpitan ko pa ang pag kakayakap ko sakanya
Bumitaw sya sa pag kakayakap at sinabing
"Oo , mamaya na ang alis namin . Di ko na sinabi sayo para di ka na mag alala , pero ngayong alam mo na alam kong mag aalala ka sakin , kaya sana wag nalang dahil di na rin tayo mag kikita . Kung mag kita man tayo , sana maging mag kaybigan tayong dalawa" sagot at bilin ni Marry sakin
"Oo , magiging mag kaybigan tayo" sagot ko sakanya na tila nahihirapan akong sabihin sakanya itong mga salitang toh
"Oh sige na .... Uuwi na ko , mag hahanda pa ko" sabi sakin ni Marry
"Ah sige .... Ihatid na ba kita sainyo ?" tanong ko sakanya habang tumamlay ang buo kong katawan
"Wag na John , mag pahinga ka nalang jan ..... Oh sige alis na ko" sabi sakin ni Marry
"Ah sige , bye bye na" sabi ko sakanya ng nakangiti kahit nahihirapan na kong mag pigil ng luha at huminga
"Bye bye na rin John , sana mag kita ulit tayo" sagot sakin ni Marry
...
...
...
Nang maka alis na si Marry , nag madali akong pumunta sa loob ng bahay at dun na ibinuhos lahat ng luha ko .
Iyon na ang huli naming pag uusap ni Marry at hindi pa ulit kami nag kikita hanggang ngayon
At ng sumunod na araw , inumpisahan ko nang kalimuta si Marry o tinatawag nating Move on .
Oo alam ko na mahal ko sya pero kailangan ko talagang makalimot para na din sakin at sa mga taong nakapaligid sakin
-------------------
Every week po ako mag pupublish ng ibang chapter .... Chater 1 i hope you'll like this :)
BINABASA MO ANG
Play Boy meets a Simple Girl
عاطفيةStory po ito ng isang binatang babaero at mahilig pag laruan ang damdamin ng mga babae o pwede nating tawaging "Play Boy" until na meet nya ang isang babaeng di kagandahan pero napaka buting tao . Unang story ko pa lang po ito , please leave some c...