Love moves in mysterious ways (one shot)

118 6 3
                                    

para to sa mga lalaking nag mamahal ng totoo ngunit hindi masabi ang kanilang nararamdaman dahil natatakot sila sa magiging resulta....hope you will enjoy the story

kriiiing!kriiiing!kriiing! tumunog na nga ang aking alarm clock at akoy nagising na mg maaga. Ako nga pala si Sean Tobias. Ako ay 3rd year high school na at ngaun nga pala ang defense sa aming thesis. Gising na nmn ako ng 4:30 am para maglinis ng aso at ng bahay bago ako pumasok sa eskwelahan.

Natapos na ako ng paglilinis,nakaligo,nakakain at nakapagbihis na ako. Paalis na ako ng bahay ko at dumating na nga ang aking service na tricycle "Sean ako na magbubuhat ng bag mo para mailagay sa tricycle" sabi ni kuya pogs ang service ko mabait tlga sia skn noon pa. Habang ako ay papunta ng aking eskwelahan parang hindi ako mapakali dahil makikita ko na naman ang babaeng mahal ko ngunit hindi nia alam siya si "Natasha Divera". Nakarating na nga ako ng eskwelahan ko at dali dali akong pumunta sa room ko at pagpasok ko nakita ko na naman ang muka ng aking mahal na nagpapatibok ng aking puso ng sobrang bilis at sa tuwing nakikita ko ang kanyang mga mata parang hindi ako makahinga. Habang nakatingin ako sakanya biglang narinig ko na sumisigaw na naman ang mga siraulo ay este ang mga tropa ko sakin ano kaya nanaman ang mga trip netong mga to kaaga aga e. "Andyan na si Pogi!"...."Andyan na ang aso ay este si Sean" sabi ng mga tropa ko at pumunta ako sa aking upuan sa likuran kung asan ang mga tropa ko "Patay kayo saking mga itlog kayo ang aga aga ha" sabi ko sakanila "Biro lang naman pre. Uy ikaw ha nahuli kita na nakatingin ka kay -" hindi ko na pinatapos mag salita si Joseph ang bespren ko at sabi ko "Siraulo ka talaga itahimik mo yang bibig mo ang lakas lakas pag narinig nia yun Joseph pangako babalatan kita ng buhay" at nagsorry naman ang aking ugok na bespren hehe. Nagsimula na ang klase wala nmn lang ginawa puro discussion lang at binigyan lang kami ng tips ng mga guro namin para sa thesis namin. Natapos na nga ang klase at kami ng mga kagrupo ko ay nagbihis na para sa defense namin at pagkatapos ko magbihis umakyat na ako sa room kung san kami mag uusap usap nang mga kagrupo ko. Nandito na ako sa room at nakita ko ang mga kagrupo ko na kinakabahan. "Pano na yan pag di tayo nakasagot at nabara tayo ng mga magtatanong" sabi ni Francis "wag kang mag alala kaya natin yan" sabi ni Phillip at tinap nia sa balikat si Francis. Nakita ko naman si Natasha sa isang sulok grabe tlga pag nakikita ko sia parang hindi ako makahinga at ang bilis ng tibok ng puso ko tawag na kayo ng ambulansya baka atakihin ako sa puso nito e haha oo ang korni ko ma inlove e bakit ba pakelam nio? haha. Inhale exhale inhale exhale ok na to lalapit na ako sakanya "Hi" sabi ko "Hi din Sean" sabi nia. "Kinakabahan ka ba Natasha?" sabi ko "Medyo lang ikaw Sean" at sabi ko " Oo Na-tasha aaa---eee ka- ka si hindi a-ako maka-sa-sagot sa tanong mamaya" Damn nauutal ako kinakabahan ako na ewan ang bilis ng tibok ng puso ko parang kumakarera sa mga kabayo. " Ok ka lang ba Sean?...alam mo ok lang yan kayang kaya mo yan" grabe yung boses niya para talagang anghel parang hindi tuloy ako makahinga sa kinauupuan ko at napakabait niya talaga at supportive pa! oha maganda na nga,mabait pa at matalino pa san ka pa? hahahha "Salamat Natasha ha" sabi ko " Walang anuman Sean basta think positive lang" grabe ung ngiti nia tlga at ung mata niyang kumikinang na nakatingin din sa mga mata ko. Nagsimula na ang defense namin ayoko ng idetalye pa pero nasagot ko naman lahat ang questions at siyempre nasagot din ng mga kagrupo ko yung mga tanong hindi ko nga alam ang nakain ko e kasi dere deretso ang english ko pagkatapos ng defense parang mag nonosebleed ata ako at parang sumasakit ang ulo ko haha....nag celebrate ang buong grupo kumain kami sa bayan kasi may jolibee dun. "Sabi ko sayo kaya mo e" sabi ni Natasha "Oo nga e mukang natsambahan ko ang pag eenglish ko kanina di ko nga alam kung ano nakain ko e" at tumawa naman siya ang ganda niya talaga at masaya ako dahil napangiti ko at napatawa ko siya "Ikaw talaga Sean matalino ka naman talaga e" sabi ni Natasha grabe ang bait niya talaga at anytime pede akong himatayin ngaun "maraming salamat Natasha dahil naapreciate mo ang mga talents ko o kakayanan ko" sabi ko "Sean lagi kang magtiwala sa sarili mo matalino ka tandaan mo" ngumiti lang ako sakanya "Natasha" sabi ko "hmmm Sean bakit?" sabi niya "Ililipat na ata ako ng parents ko next school year e dahil kulang na si papa sa pag papaaral sakin sa pribadong paaralan" sabi ko at nakita naman ni Natasha ang lungkot sa muka ko "Ok lang yan Sean basta mag aral ka nalang ng mabuti kahit san ka mapuntang paaralan ako nga din e ibabalik ako ng parents ko sa dati kong school" sabi ni Natasha at tinap niya ako sa balikat. Natapos na kami kumain at umuwi na.

Months,days na ang nakakalipas

Nandito nga pala ako sa skul at dahil last day na ngaun wala ganong ginagawa. Nag farewell party na at nag bigay bigay na kmi ng message at nung turn ko na sabi ng mga tropa ko sabay sabay na kami nagsalita na ako at sabi ko na mamimiss ko ang skul namin dahil matagal na ako dito,nandito na ang mga tropa ko at nandito na din lahat ng mga kalokohan ko at tumawa ang aking mga kaklase....at turn naman ng mga katropa ko at aba sabay sabay pa sila nagbasa parang sabayang pagbasa lang ang pagbibigay nila ng mensahe at nung bandang huli sabi nila"Siyempre di namin makakalimutan ang bad boy,matalino,chickboy at pinaka gwapo saming magkakaibigan pero siyempre joke lang un haha na si Sean wag mo kakalimutan pre kokotongan ka namin at isa pa alam mo naman ang mga bahay namin e gala ka naman e kaya bisi bisita ka din pag may time at basketball din tayo minsan ha at sana wag ka nang maniniko pag naglalaro tayo hahaha biro lang" at nag group hug kami grabe maiiyak na ako namumuo na ang luha ko sa mata pero pinigilan ko baka isipin ng mga tao bading ako pag umiyak ako. Nag uwian na kaming lahat at tapos na ang farewell party at nakita ko ang pinakamamahal kong babae na nasa isang sulok "Natasha" sabi ko " Oh Sean bakit?"sabi nya " Mamimiss kita ha" sabi ko and she smiled at me " ako din Sean" sabi nya" at nangiti naman ako sa sinabi niya at parang gusto ko na sabihin sa kanya ang mga nararamdaman ko pero parang ndi ako preparado pa "Uhmmm Natasha?" sabi ko "Oh ano un Sean?" sabi niya Damn ano ba kasi pumasok sa isip ko uuwi na dapat ako e parang may sariling utak tong dila ko e "uhmmm wala naman" at nakita ko siyang nangiti " sus crush mo o mahal mo ako no?" pagbibiro niyang sabi grabe nagulat ako sa sinabi niya hindi agad ako nakapagsalita " Oy hindi ah gusto ko lang naman sabihin na aalis na ako at mamimiss ko kayong lahat" at nangiti parin siya "joke lang Sean serious face ka agad diyan haha sige mag iingat ka at mamimiss ka din naming lahat at mamimiss ko din lahat ng klasmeyts ko kasi lilipat na din ako" at ngumiti nalang ako sakanya at nag bye bye na ako sakanya.

Years ,Months and days pass by

Eto na ako gumraduate na ako ng high school at gumraduate na ako sa Philippine National Police Academy. Kaka graduate ko lang edi Police inspector agad ako dahil galing ako ng academy at dahil kaka graduate ko lang nag bonding kami ng mga parents ko at mga kapatid ko. On the other day yung mga katropa ko naman nung highschool edi ayan na naman sila ang gugulo nila parang wala silang pinag bago "Ok para sa bagong pulis! anak ng teteng ang tikas na ng pare natin baka barilin tayo niyan mamaya" at natawa naman ako at yun nga nga tumagay kami ng konti at biglang pumasok sa isip ko si Natasha na matagal ko ng di nakikita o nakakausap man lang kahit sa text o sa chat at napatahimik ako bigla at naramdaman ko na naman ang bilis ng tibok ng puso ko all those years that pass ngaun ko lang uli naramdaman to at narealize ko na mahal ko pa din si Natasha. "Huy ano iniisip mo dyan tol?" sabi ni Joseph nahuli niya akong tumahimik kc agad e " Wala naman" sabi ko " Baka si Natasha yan pre ha dont tell me haha" sabi nya ang galing talaga nitong mokong na to at medyo may amats ma din ako kaya di na ako nakapagsinungaling " Oo pre e i think i still love her padin"  sabi ko "Pre ang tindi mo nung highschool pa yun marami namang chikababes dyan sa paligid" sabi niya at binatukan ko siya " e siraulo ka pala e alam mo naman na mahal ko yung babae e". Natapos na nga ang inuman namin at umuwi na kami ng masaya. After nung pag bobonding ko sa family ko at sa mga friends ko naisip ko muna pumasyal ng magisa at pumunta ng mall. Nung nakapunta ako ng mall nakita kong may discount sa jordan kaya bumili ako ng isang pares ng sapatos na "son of mars" ung kulay light blue ang ganda tas isang cap na may jordan logo at tshirt na may jordan na tatak sa harapan at may #23 sa likod kaya ang saya ko pag labas kamusta naman pera ko ayun paubos na haha at kumain na nga ako sa may mcdonalds. Natapos na ako kumain at pauwi sana na ako at papunta sa may FX ng biglang may naramdaman akong bumangga sakin *TUGSH* di ko agad nakita yung muka ng babae kasi nakatakip yung buhok niya sa muka at tinulungan ko siyang pulutin ang mga gamit niya at pag tayo at pag harap niya sakin *tugtugtugtug* pamilyar ang muka niya at yung muka at mata na iyon nag patibok ng aking puso at di halos nagpahinga sakin at si Natasha ata siya ah kaya tinanong ko yung babae " Natasha ikaw ba yan?" sabi ko at sabi niya " Yes I am natasha and wait lang familiar muka mo wait let me think uhmmm.....Sean ikaw ba yan?"sabi ni Natasha "Oo ako to Natasha si Sean to how are you nga pala ang tagal kitang hindi nakita at nakausap" And she just smiled at me.

THE END

A/N

ang weird talaga ng pag ibig no?...it is so very magical hehe btw first story ko to im 14 yrs old hehe sorry kung medyo pangit ang story. Binase ko to sa naeexperience ko ngaun nakakatorpe talaga no pag nainlove ka ako din naman hanggang ngaun di ko parn nasasabi sa taong mahal ko ang nararamdaman ko sakanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love moves in mysterious ways (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon