Kabanata 1

891 10 1
                                    

Third Person's POV

"Hah.hah.hah"

halos mawalan na hininga at tumatagaktak pa ang pawis ng isang batang madungis habang hawak-hawak ang isang ginto at misteryosong susi na ninakaw niya mula sa mga bandidong naghahabol sa kaniya.

Pumasok siya sa isang masikip na eskenita at doon nagpahinga pansamantala. Habang siya'y namalagi doon ay bigla siyang napaisip at nagtaka kung bakit pa siya hinahabol ng mga bandido na isang maliit na susi lang naman ang hawak niya.

Tiningnan niya ang hinahawakan niyang susi at sinuri ito.

Ang gintong susing hawak niya ay parang korona ng hari ang ulo at katamtaman lang ang bigat nito at tinantya 'rin niya na isang dangkal lamang niya ang haba nito.

'Ano bang nasayo?' nasa isip ng bata.

kaya ang ginawa nalang niya ay sinilid ito sa bulsa kanyang lumang pantalon na ilang buwan na niyang sinusuot.
---
Cassandra's POV

"Ahh...Cass it's your first day of school, not a trip to the moon" tila nagugulumihan na sabi ni Dad habang tinitignan ako na linalagay ang sandamakmak na gamit sa school bag ko.

"Well, gusto ko lang na maging prepared dad parang hindi ka naman nasanay saakin" sabi ko.

"I know. I know. Pencils,pen and paper are normal but a Baseball bat?Riding Crop? that's not normal"

"What's wrong with a Riding crop? pano nalang kung merong horseback riding doon? edi ready naagad ako diba?" sinabi ko 'yon habang sinusuot kunwari ang isang maskara na isisilid ko rin mamaya sa bag ko.

"Maskara?"

"Private school yun diba? paano kung may pakulo sila sa first day of school nila tulad ng masquerade ball?"

"Okay naiintindihan ko so pa-- is that a hammer?"

"Anong ham-- Ahhh! bakit may martilyo dito!? Dad? ikaw ang naglagay nito dito noh?" tanong ko sa kaniya.

"Hahaha! Maybe, incase if there are Prince Charmings there, ikaw na nagsabi diba kailangan prepared"

" Darling ang skwelahan niya ay hindi fairytale, kaya walang Prince Charming doon" sabi ni Mommy habang nagluluto ng breakfast namin.

"How can you be so sure? what if kung meron?"

"Fairytale's doesn't exist darling"

mukhang mag-aaway na yata sila kaya sumingit na ako.

"ohhkay so before pato humantong sa away ay aalis na ako"

"Hindi kaba sasama saamin sa breakfast?" nag-aalalang tanong sakin ni mommy.

"Mukhang ganoon nanga mom 6:30 na baka malate pa ako " sabi ko.

"Sige baunin mo nalang to oh! siguraduhin mong kakainin mo ito mamaya ha? hindi puwedeng walang laman ang tiyan mo, baka magkasakit ka pa baby girl kapa naman namin."

"Mom!Im not a baby anymore, anyways babush aalis naako"sabi ko habang kinukuha ang baon ko.

"Bye mom, Bye Dad" sabi ko habang kiss sa kanilang cheeks

"Bye sweetheart" sabay na sabi nila.

lalakarin ko nalang ang daan patungong school ko kasi duh! hindi naman kami mayaman para maysariling kotse kami noh.

"Hoooh! long journey to!" sabi ko nang magsimula na akong maglakad.

kaya para hindi ako mabagot naisipan kong kumanta

"I like your eyes. You look away

when you pretend not to care

I like the dimples on the corners

REVEAL: Unfolding SecretsWhere stories live. Discover now