"What?! Ano nga ulit yun dad? Pakiulit nga po yung sinabi nyo." Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil sa pagkagulat.
"Anak, pwede ba huminahon ka." Saad ni mom na inaalo ang balikat ko. Napabuntong hining na lang ako at bumalik sa pagkakaupo.
"Again. Doon ka muna sa lola buong semestrial break. Aalis kami ng mommy mo. Isang linggo din kami mawawala. Wala kang makakasama dito sa bahay kaya naisip namin ng mommy mo na sa lola mo ka na lang muna tumira."
"Dad kaya ko naman pong mag-isa dito eh. Wala po ba kayong tiwala saakin?"
"May tiwala kami sayo anak. Pero sa mga masasamang tao wala. Baka kapag nalaman nilang mag-isa ka lang dito may gawin silang hindi maganda sayo." Malalim akong napabuntong hininga.
"Ano pa nga ba ang magagawa ko? Kailan po ba ang alis ko?" Kahit labag sa loob ko pumayag na rin ako. Kahit ano namang sabihin ko sila pa rin ang masusunod.
"Bukas ng umaga kaya simulan mo ng mag-ayos ng mga gamit na dadalhin mo."
"What?! Bukas na agad!" Napatayo ulit ako sa pagkakaupo. Bakit bukas na agad? Hindi ako makakapagpaalam sa mg friends ko.
"Macy wag mo nga sinisigawan ang daddy mo."
"Sorry mom, dad. Pero pwede po bang sa susunod na araw na lang ako umalis?"
"Its our final decision, Macy. Sige na ayusin mo na yung mga gamit na dadalhin mo." Nanlulumo akong naglakad papuntang kwarto. Tch! Bakit kasi biglaan? Bukas agad? Nakakainis naman eh.
Pumasok na ako sa kwarto at nagtungo agad sa kama. Nagdive ako sa kama at pinikit ang aking mga mata. Wala pa nga ako dun naiisip ko na agad ang mararanasan ko dun. Pagkabagot. Sobrang pagkabagot. Kahit gustuhin ko mang gumala noon di ako pinapayagan ni lola dahil gusto nya nasa bahay lang ako. Napabuntong hininga ako kasabay nun ang pag-ikot ko paharap sa kisame. Nakatingin lang ako dun ng magpagdesisyunan ko bumangon at ayusing ang mga gamit.
One week?! God! Feeling ko mababaliw ako dun. OA na kung OA ganito lang talaga ako. Atsaka ewan ko ba ng malaman kong kay lola Imelda ako magbabakasyon ng sembreak bigla akong nakaramdam ng kaba. Kaya parang ayaw kong pumunta dun. Hays. Kinakabahan lang siguro dahil magiging boring ang sembreak ko.
Nang matapos akong mag-ayos ng gamit na dadalhin ko tinignan ko pa ulit ang mga 'yon baka kasi may nakalimutan ako.
"Hmm? Okay na siguro 'tong mga 'to."
Ng masiguro kong kompleto at maayos na ang lahat nagtungo na ako sa cr para magshower. Nang matapos sa pag-aayos sa sarili ko nahiga na ako sa kama. Ilang minuto akong nakatingin sa kisame at iniisip nanaman ang pagpunta ko sa bahay ni lola Imelda. Naeexcite pa naman ako kasi sembreak na may mga nabuo pa naman akong mga plano na gagawin ko sa sembreak. Pero lahat ng yun nasira. Ngayon lang ako nagrereklamo na may sembreak pa. Hays. Bahala na kung anong mangyari saakin sa sembreak ko. Unti-unti ng pumipikit ang mga mata ko at namalayan ko na lang na nakatulog na ako.
Ngunit sa pagmulat ng aking mga mata may mga alaala na nagbalik. Mga alaala ng nakaraan na matagal ko ng kinalimutan.
End of Prologue
Hi guys! So yun, first story ko lang po ito kaya humihingi na agad ako ng pasensya dahil sa short update. Inaasahan ko po ang inyong suporta. Sana magustuhan nyo pero okay lang din kung ayaw nyo. Thanks in advance sa lahat ng susuporta! Lovelots~
YOU ARE READING
One Week Vacation
Short StoryIsang linggo. Isang linggo lang naman magbabakasyon si Macy sa lola nya sa probinsya. At sa isang linngo'ng iyon marami syang nalaman at nakilala isa na don si Edison. Ang lalaking nagpatibok ng puso ni Macy sa maikling panahon na nakilala nya ito.