Day 1

5 0 0
                                    

Macy POV



Maaga akong nagising dahil kailangan ko pang mag-ayos. Akala ko nga panaginip ko lang yung kagabi pero ng makita ko ang mga maleta ko nalaman kong hindi yun panaginip. Bumangon na ako at nag-ayos ng sarili ko. Pagkatapos lang namin breakfast ay aalis na din ako. Nang matapos magbihis lumabas na ako sa kwarto ko. Napatingin pa ako sa pinto ng kwarto nila mom. Gusto ko ulit silang kausapin at magmakaawang wag na lang ako pumunta sa probinsya. Pero gaya ng sabi nila final decision na nila yun hindi na pwedeng bawiin pa.

Lalagpasan ko na sana ang kwarto nila ng marinig ko ang pangalan ko. Medyo nakabukas yung pinto kaya naririnig ko ang pinag-uusapan nila. Lumapit ako para mas lalong marinig ang pinag-uusapan nila. Hindi ako chismosa curious lang ako. Magkaiba yun.

"Tama ba yung desisyon natin na iwan si Macy kay mama? Mel, nag-aalala ako para sa anak natin baka pagpunta nya dun maalala ny----"

"Matagal ng nangyari yun kaya kalimutan na natin, okay? Mas mabuti ng nandun sya kay mama kaysa naman dito na nag-iisa lang sya."

"Si mama ayos na ba sya? Baka gawin nya nanaman ulit yung ginagawa nya sa anak natin noon."

"Clarisse, don't be paranoid. Okay na si mama ngayon masisiguro kong hindi nya na ulit gagawin yun. Halika na sa baba baka nandun na si Macy."

Naramdaman kong papalapit sila sa pinto kaya dali-dali na akong bumaba at nagpunta ng dining. Hinintay ko lang sila hanggang sa makita kong papunta na rin sila dito.

"Goodmorning sweetie." Bati saakin ni mom.

"Goodmorning mom, dad." Lumapit ako sakanila at hinalikan sa pisngi.

"Let's eat." Saad ni mom. Tumango lang ako at nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain napapatingin ako kay mom and dad. Gusto ko silang tanungin.

Bakit natatakot sila mom na may maalala ako? At ano naman yun? Yung tungkol kay lola. May ginagawa bang di maganda si lola saakin noon? Wala naman akong naalala na mayrong ginagawa saakin si lola na di maganda. Kung nag-aalala sila sa pagpunta ko dun bakit pa nila tinuloy?

Gusto ko sila tanungin tungkol sa pinag-usapan nila kanina pero pinigilan ko na lang sarili ko baka malaman nilang nakikinig ako sa pinag-uusapan nila.

"Sweetie? Di mo ba gusto yung pagkain?" Nabalik lang ako sa ulirat ng maramdaman kong hinawakan ni mom yung kamay.

"Huh? Gustong gusto ko po. Bakit nyo naman po natanong?" Pagkasabi ko nun sunod-sunod akong sumubo. Bakas naman sa mukha ni mom ang pag-aalala.

"Anak, kanina ka pa nakatingin dyan sa pagkain mo. Nilalaro mo na lang. Wala ka bang ganang kumain? May sakit ka ba?" Napatingin ako kay dad na nababakas din ang pag-aalala. Ngumiti lang ako at umiling.

"Okay lang po ako wag po kayong mag-alala." Nakangiti lang ako at pinapagpatuloy ko na ulit kumain ganun din naman sila mom.

Nang matapos kumain umakyat ako sa kwarto ko para kunin ang mga gamit na dadalhin ko. Hindi naman ako nahirapan kasi tinulungan ako ni mom and dad.

"Anak sigurado ka bang ito ang mga dadalhin mo?" Tanong saakin ni dad nang mailagay nya ang huling maleta sa compartment ng kotse.

"Of course dad, sure na ako na yan na yung mga dadalhin ko. Actually binawasan ko pa yan kasi nabigatan ako."

"Anak, isang linggo ka lang dun pero yang mga dala mo pang isang buwan na yan eh. Halos lahat ata ng gamit mo sa kwarto mo dala mo." Napatawa naman ako sa sinabi ni mom.

"Hindi naman po lahat. Yung mga importante lang yung mga dinala ko."

"O sige na sumakay ka na ng makaalis na kayo. Mahaba haba pa naman ang byahe." Hindi ko napigilang hindi mapasimangot dahil sa sinabi ni dad.

One Week VacationWhere stories live. Discover now