CHAPTER 1 [BANKRUPT]

6 1 1
                                    

" Hon bakit ngayon pa !?" Nagising ako nung marinig ko yung sigaw ni Mama kaya bumaba na ako "Bakit ngayon ka pa na tanggal sa trabaho? Baon na tayo sa utang dahil sa hindi kayo binabayaran ng companya na yan tapos bigla kayong tatanggalin ?!" Sigaw ni mama habang na iyak... pero ano wala ng trabaho si papa, baon kami sa utang .... MAHIRAP NA KAMI? sa sobrang pagka gulat ko tumakbo nalang ako pabalik sa kwarto ko at napiyak.

Sa sobrang kaiiyak hindi ko namalayan nakatulog na pala ako nagising nalang ako sa katok ni Austin kapatid ko siya ,actually magkasing edad kami.Pano nangyari un? Ganito yan pinanganak ako ng January while si Austin pinaganak ng November. Pero kahit na ganun di niya ako tinatawag na ate kasi daw same age lang kami hayy...

"Ashley gumising ka na !!!"sabi ni Austin "Inaantok pa ako!" ang ingay naman nito ni Austin kainis ah natututulog yung tao eh " ASHLEY GUMISING KA NA MAY PASOK PA TAYO!!!!!" " Ang kulit sabing natutulog pa yung-" na padilat ako bigla sa sinabi Austin. Oo nga pala may pasok pa kami ngayon.

Tumakbo ako agad papunta sa Cr dala ang uniform ko( 5 min-ligo, 3min- bihis, 2 min- ayos ) " Ano matagal ka pa ba?" sabi ni Austin " Eto na lalabas na!" sagot ko naman sa kanya, Sabay dampot ng Bag "Halika na!" pagbukas ko ng pinto nakita ko siya nakabihis na at halata sa kanya na nag mamadali na "Ang tagal mo kasi eh " sabi niya sabay takbo pababa. Sa sobrang pagmamadali namin hindi na kami kumain.

Nag commute nalang kami kasi wala yung Driver namin eh sabi nila mama Nag bakasyon daw muna "Buti nalang nakakita kami ng Taxi paglabas namin. Buti nalang Graduation Practice lang namin ngayon So hindi ko kailangan maghabol sa oras masyado. Pagkadating namin ni Austin sa school Nag sta-start na yung flag ceremony, agadnamanmm kami pumila.

Pag- akyat namin pa punta sa room namin agad kami nag start mag practice

After 2 hours

Katabi ko ngayon si Austin,sinasabi na yung mga kasama sa Honors... Guess what Valedictorian ako . YES!! Hahaha second place lang si Austin pero ilang points lang yung lamang ko sa kanya ako kasi 94.63 siya 94.60 hahaha. Halata sa mukha niya ang asar lalo na nung tinawanan ko siya hahaha

Pagkatapos ng practice namin napagdesisyunan namin ni Austin na umuwi na nung makarating kami sa bahay nag madali ako pumasok ng gate pero hindi pa ako nakaktapak sa mismong pintuan namin rinig ko na yung sigawan nila Papa At mama.

"Pano na yung mga anak natin ha? Wala na tayong pera para sa pag aaral nila sa susunod na pasukan. Tinanggal ko na yung mga katulong natin pati na yung Driver nila Austin at Ashley tapos ngayon baka maputulan pa tayo ng kuryente!" Sigaw ni mama eto naman si Papa inum lang inum ng alak.

Naramdaman ko na yung paglapit ni Austin tatawagin pa sana ako ni Austin pero hinila ko siya agad. "Doon na tayo dumaan sa likod" Bulong ko sa kanya. Tumango nalang siya. Hindi nila nalaman na duamting na kami dumiretso kami sa kwarto ni Austin.

" Bakit mo ba ako hinila ?"tanong niya habang nagpapalit ng damit . hindi na kami conscious sa katawan niya kahit nandito ako sa harapan niya okay lang sa kanya na doon na siya magbihis..siguro na rin sa sobra namin close .

" Kasi may sasabihin ako sayo... Wag kang magugulat ha. Kasi ano eh.. " bigla naman lungkot yung mukha niya "Kung tungkol to kela Mama at Papa alam ko na yun at ayoko ko ng pag-usapan" Alam niya na? "Alam mo na? Since when ? bakit di mo sinabi sakin ?" ganun pa din yung mukha niya " Katulad ng sinabi ko ayoko ng pagusapan."

Ng makabihis na siya inaya na niya ako bumaba para kumain "Mamaya na baka kasi nag-aaway pa sila eh" sabi ko kay Austin " Hindi na yun wala ka ng naririnig na sigaw diba?" kahit anong sabihin niya hindi ko siya hinayaan na bumaba. "Bakit ba ayaw mo pa bumababa?" tanong niya sakin " KAsi nainom pa si Papa,ayoko naman na makita mo pa yun."

kahit na anong sabihin niya mas matanda pa din ako sakaniya kaya ako ang masusunod bilang ate ayokong makakita siya ng ganun. Kaya nag antay kami ng mga 1 hour bago kami bumaba sumilip muna si Austin bago siya bumaba at tama ang hinala ko maayos na sa baba pati daw si papa bagong ligo pa para siguro hindi siya mangamoy alak si Mama naman sa pintuan inaantay siguro kami.

Nag decide na kami na bumaba "Oh Austin, Ashley nandito na pala kayo halika kain na tayo." sabi ni mama na pilit itinatago yung nararamdaman niya nagawa naman niya yun pero halata pa din na umiyak siya dahil na mumugto yung mata niya .

Pag dating namin sa lamesa sinabi na namin yung tungkol sa honor student kami "Ma,Pa Valedictorian ako" nakangiti kong sabi" Nauna na ako sa pagsabi sumunod naman si Austin" Ako naman ang Salutatorian, onti ngalang yung laman niya sakin eh points lang." Tumawa naman si Papa " Ang galing talaga ng mga anak ko manang mana sakin." Agan naman sumegunda si Mama " Sakin kaya!" Napuno ng tawanan yung kainan. Sana lagi nalang ganito walang problema puro nalang saya...

Pagkatapos namin kumain naglinis nalang kami ng katawan at agad ng natulog sa sobra ng pagod nakatulog agad kami. Maaga ako nagising kasi susunduin ako ng bestfriend ko madalas sumabay na din si Austin para libre pamasahe kase wala na kaming driver pati yung kotse namin binenta na nila. Pero ang sabi ni Mama hiniram daw nang pinsan namin yung kotse, pero nakita namin ni Austin yung mga papeles nung kotse para itinda.

Ngayon yung last day ng practice namin para sa Graduation excited na kami ni Austin. Pagkatapos nung practice namin umuwi na kami para makapag pahinga maaga pa kasi kami bukas eh, hinanda ko na din yung mga gamit ko para bukas magpapamake pa din kasi ako bukas eh.

PentagonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon