Prologue
December 9, 2030
"Do you take Josh, as your husband for sickness and in health, for better or for worse till death do you part?"
Finally, eto na yun after ng ilang taong paghihintay. Nasa dulo na kami ng aming walang hanggan, marami na kaming pagsubok na nilagpasan at alam kung marami pang darating. Alam kong malalagpasan namin lahat ng yun sa ngalan ng pag-ibig. Kahit anong pagsubok pa ang dumating hinding hindi ako bibitaw, dahil alam ko sa sarili ko na siya na nga, siya ang mahal ko, siya ang una at huli kong mamahalin wala ng iba pa.
"Yes, father."
Matapos ang araw na ito ako na si Mrs. Alcantara, at alam kong hindi ako nagkamali sa pagpili sa kanya.
"Elaine, I'll promise you. Ikaw lang ang mamahalin ko, simula pa lang nung nasa high school pa tayo hanggang sa ilang taon pa na magkasama tayo, pangako ko sayo ikaw lang at wala ng iba pa."
Hanggang sa huli tayong dalawa. Ikaw at ako nangangako sa harap ng tao sa mundo na mamahalin kita ngayon at magpakailanman.
"Uyy, tama na ang landian, mamaya niyo na ituloy yan, hahaha"
"Kaya nga josh, halika muna, iwan mo muna diyan si elaine, para makapagkwentuhan naman sila."
"Baka mambabae ka na naman. Janelle pagsabihan mo nga yan si Matthew, idadamay pa si Josh."
Grabe talaga tong si Antonette, palibhasa hanggang ngayon hindi pa rin siya inaayang magpakasal ni Yuri.
"Sige na, okay lang babe." sabi ko na lang kay Josh.
"Kailan ba kasi kayo magpapakasal ni Yuri, ha Antonette."
"Hay nako, ewan ko ba dun masyadong busy sa trabaho niya." sabi ni Antonette sabay irap kay kaye.
"Porket happily married ka na kaye, eh". Sabi ni Janelle kay kaye.
Last year ng magpakasal si kaye kay Jeffrey at si Matthew at Janelle naman kakakasal lang last February.
Nasaan na kaya si Christian, matagal na rin kaming di nagkita matapos ang break up namin. Barkada rin siya ni Josh at ang alam ko close pa rin sila kahit ganun ang nangyari.
"Elaine, alam mo na ba?. Kakabalik lang ni Christian dito galing states." Sabi ni Janelle.
"Ano ka ba naman Janelle, ngayon mo pa talaga sinabi yan." Pabulong na sabi ni Janelle, na actually narinig nman ng lahat.
So nakabalik na pala siya. Actually miss ko na rin siya. Kahit kasal na kami ni Josh, gusto ko pa ring nandito kahit as a friend, madami na rin ang napagsamahan namin before pa kami naghiwalay.
"Hey guys, pwede ko bang mahiram muna saglit si Elaine." sabi ng napakagwapo kong best friend, halos pagkaguluhan nga siya ng mga babae tuwing mag hahangout kami, pero sorry na lang sila kasi tinatagong kababalaghan tong si Ivan.
"Iwan ko muna kayo ahh." Sabi ko sa kanila habang hinila na ko ni Ivan palayo dun.
"I think ikakagulat mo kung sino ang nasa labas ngayon, kausap ng husband mo."
YOU ARE READING
Mending Hearts
Romance"Sana mapatawad mo pa ako." Patawad dahil hinayaan kitang tumakbo palayo, kung sana lang pinigilan kita, hindi sana mangyayari ito. Pero kailangan kong panindigan lahat ng mga desisyong ginawa ko. Hindi ko man alam kung lahat ng desisyon ko ay tama...