Simula nung nagpandemya, mas pinili ni Jane na kumuha ng sariling apartment para i- isolate ang kanyang sarili sa pamilya dahil isa siyang healthworker. Sa ospital nagtatrabaho si Jane bilang nurse. Hindi naging madali ang naging buhay ni Jane dahil simula ng nagkapandemya ay naramdaman niyang siya na lamang ang nag iisa sa mundo.
Umikot ang buhay niya sa trabaho at bahay dahil hindi siya makapag gala dahil na rin sa takot nito na magkaroon ng sakit. Nililibang na lang niya ang kanyang sarili sa panunuod ng youtube o kaya naman ang pakikinig ng musika. Nagsimula na rin siyang mag ehersisyo dahil kahit papaano eh nawawala ang kanyang pagiging overthinker niya.
Si Jane ay dumanas ng anxiety dahil sa siya ay malayo sa kanyang pamilya at hindi siya makauwi dahil na rin sa dulot ng pandemya. Hindi rin naging madali ang trabaho para sa kanya dahil na rin sa dami ng pasyenteng hinahawakan niya. Madalas pagod at nanghihina si Jane kapag uuwi ng bahay. Kapag naman nasa bahay na siya, agad niyang nilalabhan ang kanyang damit upang hindi matambak dahil wala pa siyang washing machine. Kapag tapos na siyang maglaba ay diretso pahinga na siya at nalilimutan niya ng kumain dahil agad siyang nakakatulog dahil na rin sa pagod.
YOU ARE READING
Pandemic Lovers
RomanceIto ay istorya ng dalawang magkasintahan na malaki ang agwat sa isa' isa ngunit mas piniling mahalin ang bawat isa kaysa intindihin ang sinasabi ng iba. Basahin ang magandang pag iibigan ni Jane at Aaron sa gitna ng pandemya. Tunghayan natin ang ist...