Prologue - The Letter**********
C R Y S T A L
"Layas!" Sigaw ni Tita Lian. Ang naging asawa ni Papa matapos mamatay ni Mama. Pinapalayas niya ako sa sarili kong bahay dahil ang anak niyang si Lianna ay kinuha ang 10,000 pesos na pera at nasaktuhan niya akong nagbibilang ng pera para sa mga gastusin ko sa pag-aaral. Wala na akong problema sa tuition fee dahil scholar naman ako, ang problema ko lang ay ang mga gastusin ko sa mga project kaya kumuha ako ng part-time job dahil hindi naman ako binibigyan ng pera ni Tita Lian. Pero kahit ganun siya may respeto parin ako sa kanya kahit nakaka-inis na minsan.
Alas-diyes na ng gabi hindi ko alam kong saan ako pupunta dahil wala naman akong kilalang pamilya sila Mama at Papa. Plano kong mang-upa lang muna sa mura dahil 5,000 Php ang dala kong pera dahil kinuha ni Tita Lian ang pera na sana sa mga gastusin ko sa pag-aaral ko.
Scholar lang ako sa pinag-aaralan kong eskwelahan na pinag-aaralan din ni Lianna. Lagi akong nabubully ni Lianna kasama ang mga kaibigan niya na si Ammie at Glyn. Lagi akong pinagtatawanan dun kapag nabatuhan na nila ako ng harina mga itlog na hindi pa luto at katapos nun pagtatawan ako ng lahat ng estudyanteng nakakakita saakin.
Habang naglalakad ako may napansin akong papalapit na ibon sa akin. Ang kulay ng ulo, pakpak at ang buntot nito ay kulay bughaw, ang tiyan nito ay kulay puti at ang tuka nito at paa'y kulay dilaw. May naka scroll na papel nadala ang ibon na papalit na saakin.
Tumigil siya sa unahan. Nagtataka ang tingin ko sa ibon na kulay bughaw at puti ang balahibo. Binigay niya saakin ang naka scroll na papel na hawak nito at binuksan iyon.
"Dear Crystal Zora Silva,
Sorry kung ngayon ko lang naibigay ang sulat na ito dahil diyan sa magaling na Lian at ang kanyang demonyong anak ay di ko maibigay ang sulat na ito.
Magpapakilala nalang ako ng maayos once na nagkita na tayo personal. Makakapagkatiwalaan
mo naman ako dahil best friend ako ni France."Mama ko yun ah.
"Ako nga pala si Tita Sapphire mo pero pwede mo din akong tawaging Tita Saph. Susunduin kita at aalagaan gaya ng pangako ko kay France. Hindi pa kita masusundo ngayon dahil busy pa kami ng Tito Jerick mo ngayong buong buwan dahil council kami ng pinapasukang eskwelahan ng anak namin ni Jerick na si Sky.
So nag plano kami ni Jerick na ipasundo ka kay Sky. Yun nga lang may ginagawa pa siyang importante. Pwede bang maghintay ka muna ng isang linggo bago ka niya sunduin? May na reserve na akong room para sayo sa isang hotel. Sundin mo na lang ang ibon at ituturo niya ang daan papunta ng hotel.
Wag kang mag-alala dahil kami ng bahala sa gastusin na yun ng panasamantala. I already have a reservation. Just say, 'Reservation for Crystal Silva.' We're going to transfer you in another school so enjoy your stay there.
You have one week to enjoy yoir time, so better enjoy it well. And pagkatapos ng one week susunduin kana ni Sky.
~~Your Tita Sapphire ~~"
Yun ang nakasulat sa naka scroll na papel.
Tiningnan ko ang ibon na bughaw at puti ang balahibo, only to find out na lumipad na iyon palayo, kaya sinundan ko ito.
***************
Nakarating na ako sa tapat ng isang mamahaling Hotel, salamat sa ibon. Grabe ang laki nito. Hindi naman sa hindi pa ako nakakapasok sa mahal na hotel pero nakakapanibago lang dahil matagal na panahon na ako hindi nakakapasok sa mga mamahaling hotel pati narin sa mga resto at mga condo, tapos nasanay ako narin ako na lahat ng damit ay galing sa ukay-ukay lamang tapos ang mga gamit ko ay hindi binili sa mall kundi sa Divisoria.
Maganda naman ang disenyo ng hotel na ito mahahalata mo agad na mga mayayaman lang ang tao na makaka-stay dito sa hotel.
Pumasok na ako ng hotel na ito ng hotel na ito. Pagkapasok ko halos ang suot ng mga nakakasalubong ko ay mga business man at mga models. Ang mga suot nila ay halatang ang mamahal, nakakahiya naman sa suot kung sa divisorya ko lang binili. Pumunta na ako sa reception area "Miss, excuse me po." Tawag pansin ko sa receptionist na busy sa pag tingin sa isang computer.
"What can I do for you, miss?" Tanong ng receptionist.
Maganda naman ang lobby nila, sobrang lawak actually tapos ang design niya ay mga shell at flowers.
"Reservation for Crystal Silva"
"Kindly follow the bell boy and he will take you to your room. And here's the key to your room."
Pagkatapos ibigay ng Receptionist sa akin ang susi ng magiging room ko ay pumunta na kami sa room ko.
Binuksan ko na ang pintuan gamit ang cardkey pagkatapos sabihin ng bell boy na ito ang magiging room ko. Ang room number ko ay 308.
"Kindly inform us if ever you need anything. There is a canteen and a resto at the lobby, you can eat there anytime you want. I'll be going then." anang bell boy. Lumabas na ang bell boy.
Malawak ang buong silid, sobrang lawak na pwede ng tumira ang isang buong pamilya dito. Ang design ng pader ay kulay blue at gold na may linings na kulay silver at red. May isang mahabang sofa at dalawang single sofa at may carpet rin, may lamesa din na medyo malaki sa ibabaw ng
carpet na napapalibutan ng tatlong sofa.Dumeritso ako ng kusina. May cabinet sa ilalim ng lababo, may pan saing din. May lamesa dinna glass ang ibabaw tapos may anim na upuan ang lamesa. May isang malakong ref din.
Pumunta naman ako sa isang pintuan. Dalawa ang pintuan ng room na ito at binuksan ko ang na ang isa sa iyon. Bumingad sa akin ang isang malawak na bedroom. May isang king-sized bed at medyo malaki na study table. May isang bintana sa tapat ng higaan.
Pumunta ako sa isang pintuan dito sa bedroom. Isa iyon' bathroom. May isang malaking bathtub, shower, inidoro tapos may malaking salamin din.
Binuksan ko naman ang isa pang pintuan na katabi ng CR. Isa iyong walk-in closet na walang laman.
Inilagay ko ang mga gamit na dala ko sa gilid ng kama. Kumuha ako bg damit sa maleta at dumeritso ng CR.
************
Nakahiga na ako sa higaan at nag-iisip lang kung sino nga ba si Tita Sapphire sa buhay ko dahil ang laki na ng natulong niya sa akin. Hindi ko alam kong paano ko siya susuklian dahil 5,000 lang ang pera na mayroon' ako. Habang nag-iisip ako kung paano mababayaran si Tita Sapphire ay hindi ko malayan na nakatulog na pala ako.
***********
√ END OF PROLOGUE √
Prologue
***********