Oo, hindi ito kwento. Ito ang mga walang ka-kwenta kwentang bagay na gusto kong sabihin at wala akong paki kung hindi mo man mabasa ito. Pero kung sakali man na maagaw nito ang pansin mo, salamat. Pwede kang sumagot kung gusto mo.
Ni hindi ko alam kung bakit ko sinusulat ito. Siguro ay nagpabuyo lang ako sa isa kong katrabaho na sinabihan ako na magkaka- Alzheimer’s ako pagtanda ko. Hindi kasi ako expressive na tao kaya emotionally unstable daw ako. Ayon sa walking encyclopaedia kong katrabaho, scientifically proven na ang emotionally unstable na tao ay mas prone sa Alzheimer’s. Hindi ko na ni-research kung totoo man iyon o hindi. Ang alam ko lang, oo, hindi nga ako expressive. Kaya heto ako, magta-try mag-express. Kung hindi ka busy, kailangan ko lang ng kausap. Naubos ko na kasi yung pisong pambili ko. (Joke yun!)
Kunwari lang, open forum tayo. Pwede tayong mag-usap ng tungkol sa kung anu-ano: crushes, love, family, kahit deepest darkest secret pa yan. Di naman tayo magkakilala diba? Pero kung kilala mo ako, please lang, kunwari na lang hindi. Aantayin ko ang sagot mo. Pindutin mo lang yung comment sa baba.
BINABASA MO ANG
To Whom It May Concern: Hindi Ito Isang Kwento
RandomOo, hindi ito kwento. Ito ang mga walang ka-kwenta kwentang bagay na gusto kong sabihin at wala akong paki kung hindi mo man mabasa ito. Pero kung sakali man na maagaw nito ang pansin mo, salamat. Pwede kang sumagot kung gusto mo.