Hey Mr. Dylan Patrick GOMBURZA-Lagua a.k.a Mr. Martyr ng “Three words, eight letters, if I say it, will I be yours?” MAHAL KITA SOBRA! Agad-agad na to. Sorry kung masyadong mabilis pero natamaan talaga ako sayo. Sana naman akin ka nalang. Promise, hindi kita sasaktan, iiwan, paaasahin at gagag*hin.
Kahit hindi mo ako pansinin at tabihan mo lang ako ay ayos na. Mas cute ka naman kapag galit at irritable ka. Pagpasok mo palang sa buhay ni Courtney, gusto na talaga kitang nakawin at itago sa kanya. Pero kinalaunan, nakikinita ko na may ibang pakiramdam ka na kay Courtney.
Naalala mo pa ba ang yung una mong pick up line. Habang basa-basa ko yon, muntik ko nang maihulog ang laptop ko dahil sa kilig at kakatawa. It goes like this (as far as my memory is concerned): Courtney, Martes ka ba? Kasi Lunes ako at ikaw ang kinabukasan ko. Sobrang nagload yun sa utak ko at bigla akong napatawa ng sobra. Parang first time kong narinig ang pick up line nay an mula sa isang gwapong super cute na nilalang.
In your own ways, ang angas at astig mo, dahil na rin siguro na you resemble the traits of Kean that time. Nung mga panahon na sobrang down at iiyak iyak ako kada update dahil alam kong hindi na maibabalik pa si Kean, gaya ni Courtney, ikaw ang nagsilbing pag asa sa akin. Na kahit papaano may Dylan na magpapatawa sa akin dahil sa pagka super arrogante, arte at SNOB mo.
Honestly, I was really in love with you because of the thought that you were KEAN that time. But as time progress, mas nakilala kita ng sobra at mas naging open minded ako sa posibilidad na wala na talaga si KEAN. In real life naman talaga, if namatayan ka KUNO ng isang minamahal ay dapat mag move on ka na. Hindi ibig sabihin nun na hindi mo na siya mahal pero ibig sabihin na you have also your life to live. Buhay ka pa and you have to live it well and be happy. You cheered me up but at the same time made me cry everytime na maiisip ko muli si Kean. Nakakaiyak masyado ang action mo at ang mga pananalita mo.
Dylan, Dylan naman eh, why did you let me fall for you? Naiisip ko tuloy na nasisiraan na ako because I am falling for this fictional character that was given life through words and actions. Sira ulo na kung sira ulo pero sobra ka, napapaiyak na nga ako. Naiwan ka na sa probinsya at lahat pero ikaw parin ang hinahanap ko. Di ka bida noh! HINDI! Pero sa puso ko, ikaw na talaga. XD YON!
Makasalanan na talaga ako, akala ko kasi ikaw na talaga ang pumalit kay KEAN hanggang sa nagkahiwalay kayo ng landas ni Courtney pero nagkita rin naman. Sobrang tuwa ko nung nagbalik ka. Gwapong waiter ah! Sobrang swerte nga naman ng mga customers mo at nagisnan (the term! haha) pa nila ang maamo at maarte mong mukha. Tuwing magsasmile ka, solve na ako dahil minsan lang din nangyayari yun.
Sa mga panahon na magkasama kayo ni Courtney sumasaya ako. Awayan, selosan, name it all natutuwa ako ng sobra. The way you want to make her happy and protected ang talagang nakatouch sa akin. DYLAN!
Biglang pasok naman ang isang Yohann sa picture. Alam mo ba na sobrang iritang irita ako sa kanya, na sobrang epal kasi. That time I thought na if hindi siya si KEAN no need for him to show up. Para ano pa? Para ipamukha na si KEAN lang talaga ang para kay Courtney? Na kahit he is already dead, eh siya parin dapat? Hanep din naman ng tadhana. Kung wala na talaga diba, sana pinalaya nalang talaga si Courtney. Ako naman talaga ay ayaw ko pang bitiwan si KEAN. KEAN is only for Courtney and vice versa.
Pero nga nafeel ko rin that time na parang si KEAN talaga siya, kaso nga yung attitude eh hinding hindi talaga siya. Ayoko sa attitude niya. Hahaha. Sorry Yohann. And the rooftop versus gym o garden ba yun na scene ay biglang dumating. There I realized I was bad with KEAN kasi hinayaan ko nang pumasok sa buhay ni Courtney si Dylan. Simply because, Dylan made her happy. He made her realize that there is more to life. That there is more to sufferings and pains, that there is someone willing to pick her up everytime she falls.
I was extra happy when Courtney chose Dylan that time and then it struck me. Why did Dylan do that? Bakit ang tanga tanga mo para bitiwan si Courtney. Kahit ano pa ang nangyari, kahit masakit, dapat pinaglaban mo siya. Alam ko masakit mareject, sobra dahil alam ko yun. Pero mas masakit if hindi mo pinaglaban. Napakasakit ng mga what ifs in life. Nasayang ang panahon, nasayang ang pagmamahal mo sa kanya.
I was extra happy when Courtney chose Dylan that time ( back sa rooftop scene) and then it struck me. Why did Dylan do that? Bakit ang tanga tanga mo para bitiwan si Courtney. Kahit ano pa ang nangyari, kahit masakit, dapat pinaglaban mo siya. Alam ko masakit mareject, sobra dahil alam ko yun. Pero mas masakit if hindi mo pinaglaban. Napakasakit ng mga what ifs in life. Nasayang ang panahon, nasayang ang pagmamahal mo sa kanya. Ano naman ngayon kung masasaktan ka, kahit 1% lang ang chance mo mas mabuting maipakita mo yun.
Alam ko ang feeling DYLAN, sobrang sakit diba pero mas masakit at mas magagalit ka sa sarili mo dahil alam mong pwede pa sana but you gave up and chose to refrain yourself from getting hurt. Mahal mo diba? So dapat wala kang kinakatakutan. Dapat wala kahit sino pa man yan.
OO, ako ang engot. Mahirap nga ang kalaban diba? Si KEAN yun! KEAN PARTRICK TOLENTINO PADUA. So that ends it all. Pero kahit na sobrang mahal na mahal na mahal na mahal na super mahal na grabe ka mahal na walang iba akong mahal kundi si KEAN, I FEEL YOU and I love you too. Kahit mahal kita para talaga sila sa isat isa eh. Sayang lang that you wasted your chance of winning the jackpot round na isan g CHANEL COURTNEY CLEMENTE CHUA ang prize.
Reading your POV was the worst day of my life. Nagalit kasi ako masyado sayo nung una kasi nga selfish ka, napaka selfish mo, YUN ANG AKALA KO. Kaso nga, nalaman ko lahat ng nangyari sobrang napakasakit. Para ngang ayoko nang basahin pa. Hindi lang ako bastang umiiyak, humikbi ako at kung may mas pasosobra paman dun, yun ang nangyari sa akin. Hindi ko maimagin an nasasaktan ka ng sobra, hindi ko talga kaya. Pinagpaglaban pa nga kita sa iba, sa mga taong nagbabasa rin nito specifically sa mga kakilala ko na dapat eh appreciate ka naman nila dahil hindi isang malaking biro ang pinagdaanan mo.
Masayang masaya ako sa takbo ng story pero sa part mo labis akong nasasaktan. Sa confrontation niyo ni Courtney, wasak ang puso ko nun. Sana pala talaga pinaglaban mo. Tama ako, dapat pinaglaban mo siya. Ikaw sana yung pinipili niya talaga. After that tinulungan mo pa si KEAN para magising sa kalokohan niya. Sobra martyr ka nga talaga, kahit hirap ka na ginawa mo parin kung ano ang makakabuti sa storya ng dalawa. AHHH! Ayoko ng umiyak habang sulat sulat ko. TAMA na lahat ng naiyak ko. Langya ka talaga, pasalamat ka mahal na mahal kita.
And sa church scene, umepal ka pa talaga, para ano? Para masaktan na naman as usual at para makatulong sa love story. Kaya hindi ka lang talaga isang martyr. Isa kang hero sa buhay ni Courtney at Kean at nagiisang superhero sa puso ko. <3
Sinulat ko to ng medyo matagal tagal na. 2 weeks siguro bago ang last chapter. Pero sa last chapter, naging kayo na pala ni Denise pero pero pero dapat akin ka di ba? Joke ulit. Mahabang panahon rin kasi ang nawala at ang last chapter is parang forwarded ng sobra at hindi nag dwell sa story mo dahil hindi nga ikaw ang bida, remember?
Pero salamat kay Girlinlove na sa pagsara ng librong ito at ng chapter ng buhay mo ay may nagmamahal sayo at sana nga ay totoong mahal mo siya, na sana rin ay mas sobra pa sa pagmamahal mo kay Courtney.
Sa pagtatapos ng storyang ito, sana manatili ka sa puso at isipan ko. You are one of the most adored fictional character na sobrang nakaapekto sa buhay ko. I hope I can find my own Dylan at sana kapag nakita ko na siya ay mas stronger at mas ipaglalaban ako para mapatuyang mahal mo talaga ako.
Hanggang sa muli DYLAN! I super love you snoberong martyr. :*