Tanggap nila na ako?

21 20 3
                                    

Welcome to my 2k words pataas na update.

Next Wednesday pa ang update ko, kaya sana madaanan niyo si BladeFrost, at ang story niya.

Sorry in advance sa mga mali.

______________
Bryan's POV

Ang dami talagang tao. Tulad nung last year's get to know week. Pero parang mas malala ngayon. Kahit saang derecsyon ako tumingin, maraming tao parin akong natatanaw dito sa roof top ng building namin. Kahit sa kabilang building maraming tao akong nakikita sa may bintana.

Ang saya saya talaga nila tignan. Parang hanggang dito naririnig ko ang mga tawanan nila, baliw na ata ako kung naririnig ko yung tawa nila.

Kung pwede lang lumiban sa lingong ito ginawa ko na. Ang nakaka inis talaga ay mandatory ang pag sali sa anumang magic activities sa araw na ito. Kahit ano naman ang salihan ko mabubugbog parin ako, tulag nalang ng magic soccer game, ako ang ginagawa nilang target, gamit ang energy boosted ball.

'Makipag palit ka na lang, sa akin, at tuturuan natin sila ng lection'

Si Van, siya yung isang ako. Mas madaling sabihin na siya ang vampire side ko.

'Napapahamak lang ako pag nakikipag palit ka sa akin' ako

Pag nakikipag palit kasi siya, di ko maalala ang mga ginawa niya, kabaligtaran ito sa akin, dahil alam niya lahat ng ginagawa ko. Pero, hindi yun dahil sa mahina ako, nagagamit ko lang kasi ang halos lahat ng enerhiya ko, para manatili akong ako sa buong araw.

'Alam mo ba, may magandang nangyari kahapon'

Di ko alam kung ano yung ginawa niya, nagkamalay na lang ako, na umiiyak si Gl Mae sa harapan ko, tapos sinapal niya ako. Napapahawak parin ako hanggang ngayon sa pisngi ko. Nasipa na ako sa tiyan, sinuntok, at kung ano ano pa. Pero hanggan ngayon parang narito parin yung sakit ng sampal niya. Baka hindi yung sakit ang naalala ko. Kundi yung emotion na dala nung sampal.

Umiiyak siya na para bang nasasaktan, yung galit sa mata niya, na namumula ng konti at namamaga sa kakaiyak. Tapos ang sinabi niya sa akin pagkatapos niya ako sinampal "salamat at nagpasampal ka."

'Hoy Van, sabihin mo nga sa akin kung bakit siya nag pasa lamat sa akin.'

'Ayaw'

'Galit na ako'

'Anong gagawin mo, susuntukin ako. Wala akong pake kahit magwala ka diyan'

💢💢💢

Lumalabas na yata yung ugat ko sa ulo. Napapaisip ako. Bakit niya ako sasampalin tapos mag papasalamat.

Hayaan ko na lang nga muna, tarating din yung panahon na malalaman ko ng kusa.

'Tatanungin ko na lang siya mamaya'

'Nag papatawa ka ba, ikaw kakausapin mo ang ibang tao, good luck'

Nanahimik na lang ako, dahil tama siya, nung nagkita kami dati, alam ko hapon na, pag katapos akong bugbugin, nakita ako ni Logan at sumunod si Gl Mae. Ebes na mag pasalamat ako, o sabihing ok lang ako, ang sinabi ko, wag nila akong pakialaman.

'Natahimik ka, hangang ngayon duwag ka parin. Tulad ng dati, walang kwenta kang kwentang kausap usap sayo.'

Tama siya wala akong kwenta. Kahit ngayon ang iniisip ko ay bakit naman mag papasalamat ang isang magandang babae na tulad niya.

Maka punta na nga sa baba at mag hahanap ng laro, na masasaktan lang ako ng konti. Mas mabuti pa yata na sasali ako sa writing contest, tulad ng essay writing, slogan, bahala na basta kung ano ang bakante.

My Experimental BoyfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon