sa pag lipas ng maraming taon
pagmamahal sayo'y pilit binabaon.
puso koy nag susumamo
dahil ikaw pa rin ang tibok ng puso.mahal, nasan ka na?
nasan na ang dating tayo?
nasan na ang mga pangako, na ikaw at ako'y
di matitinag ng bagyo.ako ba ang nag kulang? oh ikaw ang di lumaban?
minahal mo ba talaga? oh pinaglaruan lang ako't pinaasa.
mga tanong saking isipan ay pilit kong pinipigilan
pinipigilang itanong sapagkat natatakot ang puso
sa maari mong isagot.nakita kita, nakita kitang masaya sa piling niya
sa piling ng kaibigan kong diko namalayang nagustuhan mo.
nakita ko kayo masaya't tumatawa habang ako pinagmamasdan
ang mga ngiti mo habang inaalala ang mga panahong tayo ay magkasama.tumulo ang luha ko't pinipilit ang mga binti na umalis na,
umalis na sa kinatatayuan sapagkat puso ko'y nasasaktan.
pero bigla mo kong tinawag na parang wala lang,
ako'y napatigil at ika'y nilingon. bumitaw ng ngiti,
ngiti na puno ng sakit at pighati.
tumalikod ng dali-dali, lumakad papalayo na wasak ang puso.sa sandaling iyon pinangako sa sarili ko na kakalimutan ka na.
sambit ko ang huling salita para sayo,
mahal, ako'y magpapa-alam na, sapagkat alam ko na,
alam ko na, na sa piling niya lang ika'y sasaya.
ako'y magpaparaya na.hangang dito na lang.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
Poetryhanap mo bay mga sagot sa bakit? hanap mo bay lambing ng matamis na mga salita? o hanap mo ang mga salitang magpapamulat sa iyong katangahan dulot ng ika'y mag mahal? Eto na... sasaktan kita gamit ang aking mga salita.. salita na inaakala mong tata...