RJ'S POV
Knock! Knock! Knock!
Ugh sino ba yon aga aga ang ingay bwisit. Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin si Tito Teddy at Tita Mary Ann kasama si Dei. Ano bang meron bat sila nandito at bakit si Dei may dalang maleta dito ba siya titira....o shoot oo nga pala dito na siya titira
"Oh hi tito, tita and Dei good morning po" bati ko
"Hi iho mukhang bagong gising ka pa lang ah" sabi ni tita
"Ah opo sorry po"
"Anyway, nandito kami para ihatid si Dei at hindi na kami magtatagal dahil may aasikasuhin pa kami sa office alagaan mong mabuti si Dei ha"
"Opo naman"
...... and they left at pinapasok ko na si Nerd
"Nerd, magluto ka ng pagkain ha sarapan mo. Gisingin mo nalang ako pag tapos ka nang mag luto"
"ahmm s-sige"
After a few minutes
"RJ, RJ gising na tapos na ako magluto"
Yun ang aking narinig at nagising na rin ako. Inayos ko na ang sarili ko.
"Ayusin mo yung hinigaan ko ha tapos maglinis ka na rin dito sa bahay"
------------------
MAINE'S POV
Ano daw?!!!! maglinis daw ako ng bahay?!!!!! pano na yan may pasok pa diba?!!
"Ah kasi RJ may pasok pa tayo mamaya diba, pwede ba pagkatapos nalang natin magklase"
"Sige" walang gana niyang sagot
"Tsaka saan ko pwedeng ilagay ang mga gamit ko"
Kasi iisa lang talaga ang kwarto dito sa condo niya
"Sa kwarto nalang..... tsaka mamaya pagpasok natin sa school dapat walang makaalam na magasawa na tayo ha"
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya
"Hey! naiintindihan mo ba?! "
"A-Ah o-oo naiintindihan ko"
"Sige maligo kana mayamaya at mauna kana sa school, para hindi rin sila makahalata sa atin"
Tumango lang ako sa kaniya. Ganun pala yun kahirap no. Pero wala akong magagawa nerd ang turing nila sa akin eh. Tatanggapin ko nalang...
*Lunchbreak at school*
Magkaklase kami ni RJ at may babaeng tumabi sa kanya kanina Tricia ata ang pangalan. Girlfriend niya na ata yun eh. Hindi manlang niya naisip na may fiance na siya at ikakasal na siya sabagay sino ngabang magkakagusto sa isang nerd. Hayy
Habang naglalakad at hawak ko ang tray ko may nabunggo akong babae
"ANO BA?!! ANLAKI LAKI NA NYANG SALAMIN MO NAKAKABUNGGO KA PA RIN!! BWISIT. TIGNAN MO GINAWA MO SA DAMIT KO DINUMIHAN MO. ALAM MO BA NA MAS MAHAL PA YAN SA BUHAY MO"
Lahat ng tao ay pinagtitinginan na kami at nahihiya na rin ako
Magsasalita na sana akong biglng dumating si RJ
"Hey! Anong nangyayari dito" tanon niya kay Tricia
"Siya kasi babe eh tignan mo ginawa niya sa akin nadumihan ang damit ko"
"Hey! you pwede ba huwag kang tatanga tanga sa daanan!!" sigaw sa akin ni RJ
"s-sorry po talaga"
Hindi ko maiwasang maiyak tuloy tuloy bumagsak ang mga luha ko. Aaminin ko umasa akong ako ang ipagtatanggol niya. Pumunta ako sa garden ng university ito lang siguro ang pinakapeaceful na lugar dito.
Tumambay lang ako doon dahil hindi ko alam ang gagawin ko patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha ko pahiyang pahiya ako kanina.
Biglang may lumapit sa akin at inabot niya ang isang panyo sa akin. Bigla naman akong tumingala lalaki siya at mukhang anghel ang itsura at mukha rin siyang mabait
"s-salamat" at kinuha ko ang panyo
"Pwede bang tumabi sayo"
Tumango lang ako
"Nakita ko yung nangyari sa canteen kanina" sabi niya sa akin pero nanatili parin akong tahimik
"Bakit hindi ka manlang lumaban sa kanila?"
"Wala naman akong laban eh baka lalo lang nila akong paginitan"
"Pwede ba akong makipagkaibigan sayo?"
"Nahihibang ka ba ikaw makikipagkaibigan sa akin. Sa panget na Itsura kong to"
"Alam mo kanina pa kita pinagmamasdan at hindi ka naman pangit eh magayos ka lang siguro imbes na malaking salamin ang gamit mo mag contact lens ka nalang girl"
"GIRL?!!!" taka kong tanong
" Ah oo eh bakla kasi talaga ako"
"Ay sayang naman gwapo ka pa naman"
"Anyway, ako nga pala si Paolo alam mo ikaw palang ang unang kong nasabihan dito kahit sa mga close friends ko hindi ko manlang sila sinabihan ng sekreto ko"
"Bakit? I mean bakit sa akin diba ngayon lang tayo nagkakilala?"
"Sa tingin ko kasi mabait ka, at mapagkakatiwalaan ka"
"Salamat buti ka pa hindi ka sa panlabas na anyo tumutingin"
"Ano ka ba! Di ba sabi ko naman sayo may tinatago kang ganda promise maganda ka talaga. Magayos ka lang ng konti tsaka ipakikilala kita sa mga kaibigan ko mababait sila huwag kang magalala"
"Sige salamat sa tiwala mo sa akin at sa pagpahiram ng panyo mo huwag ka mag alala kasi bukas ibibigay ko rin sayo ito bukas"
"Naku ok lang yan sayo na yan pero teka sinabi ko na sikreto ko pero hindi ko parin alam ang pangalan mo"
"Ay sorry, I'm Dei"
"Dei... nice name"
"Sige paolo sa susunod nalang ha"
pagpapaalam ko sa kanya"Sige" at kumaway rin siya sa akin
Masarap pala sa feeling na may kaibigan ka at pinagkakatiwalaan at tanggap ka.
.
.
.
.
.A/N:
Hope you like it guys!!! Sorry slow update talaga ko eh hehehe.
YOU ARE READING
I'm Married To The Campus Hearttrob
Fanfiction" si Dei, si Dei nalang ang paraan para maisalba natin ang ating kompanya" "what?!!!! hell no!!! " An arrange marriage story