Sabi nila, ang 'syota' raw, means 'short time'.
Bakit?
Kasi hindi naman daw nagtatagal... or kahit pa maging taon pa ang relasyon nyo, maghihiwalay din kayo. Kahit mapunta pa kayo sa kasalan... kungdi kayo maghihiwalay dahil sa may nangaliwa or may malaking problema, ay andyan pa rin naman ang kamatayan na dumarating sa mga panahong hindi natin inaasahan.
Ika nga nila 'Nothing's permanent in this world.' at naniniwala ako dun. Darating at darating din ang panahon/araw na lahat mawawala.
Anyway, saan nga ba naka-connect ang mga pinagsasabi ko?
Ganito kasi yun...
Have you ever been in a relationship? Gaano katagal?
Kasi ako, oo at ang relasyon namin ay nagtagal lamang ng... sampung oras...
***
Hi sa inyong lahat! Ako nga pala si Pearl Reyes, 15 years old, nag-aaral sa ***academy at eto pa, kaklase ko lang naman ang crush kong si--
"Hi, Pearl." Bati nya nang mapadaan, then diretso sa seat niya.
"Ayyiiieeee... Kilig!"
"Wow, gumaganun na si Rain! whoohoo!"
Yes, siya yun. Siya si Rain at. . . Kinikilig akoooo!
"Hoy Pearl, umayos ka nga, para kang timang." Asar naman 'tong si Mia! Ang galing manggulo!
"Eh sa kinikilig kaya akooo! Ssh ka lang ah!" Sabi ko sa kaibigan kong kj.
"Duh! Nag-hi lang sayo, kinilig ka na! Paano na lang kapag nanligaw na sayo?" N-nanligaw? Pa-paano nga kaya-
"Anyway, tumigil ka na lang dyan. Para ka lang baliw eh!"
"KJ!"
"Ewan sayo!" Bayaan nyo na lang yang kj na yan!
Nilingon ko naman ang crush ko... then... then OMG! Nginitian nya ako! Shocks! Ang gwapo niya talaga!
***
Nasa bahay nga pala ako ngayon. Guess what? Nagfe-facebook ako! And. . . guess what ulit? Chi-nat ako ng crush ko! At oo, si Rain nga!
RainMarquez
Hi.:)
AkoSiPearl
Hi din.
OMG! Alam kong ang babaw pero shocks! Kinikilig na ako!
RainMarquez
Umm... musta?
AkoSiPearl
Haha. Ikw ah knina lng tau ngkita eh.. Anw, eto humihinga pa rn. bkit nga pla?
RainMarquez
Nmiss lng kta.
Say WHAT??! OMG! Kilig alert.! Kilig alert! Namiss nya daw ako! T-teka! What to reply??!
Magta-type na sana ako ng irereply nang...
RainMarquez
I have something to tell you.
AkoSiPearl
Ano yun?
RainMarquez
Wag k sana mgalit..
AkoSiPearl
Sbihin mo na. Hndi nman aq mgagalit.
Seriously, pinapakaba ako nang lalaking 'to!
