Tanggol Wika

470 2 1
                                    

Tula Para sa Wika 

Tanggol Wika

Ni Bernadette Badon

Pilipinas,aking lupang sinilangan

Bansang puno ng yaman sa kalikasan

Ngunit ’ bakit ngayon ay nababawasan

Angking kinang nito’y di na masilayan

Tulad nalang ng ating sariling wika

Bakit papalitan ng wikang banyaga

Hindi ba’t Pilipinas ang ating bansa ?

Bansang maituturing, Malansang isda

Ang wika natin ay dapat Pagyamanin

Mga salita ay dapat Payabungin

Wika’y ipagmalaki at tangkilikin,

At Pahalagahan ang sariling atin

Bakit wika ay nawalan na ng saysay

Sa mga wikang Ingles ay humahanga

Wikang banyaga mas binigyang halaga

Sa mga banyaga’y nagbibigay pugay

Kailan nga ba wika ay kikilalanin?

Kailan nga ba natin ‘to titingalain

Bakit ba ganito an gating naisin ?  

Kung hindi kikilos walang mararating

Bakit Filipino’y gan’to ang sinapit?

Wikang Filipino ay nagging Mapait

Tanong sa ating Gobyerno ay Bakit?

Diba wika nati’y mas nakahihigit ?

Sadyang kahanga-hanga ating Gobyerno

Napakagaling ng mga nasa pwesto

Sa dinami-rami bakit Filipino ?

Ang kailangang tanggalin sa kolehiyo

May masabi lang na may nagawang batas

Sa Kabataan daw ay magiging lunas

Lunas kalian ma’y hindi mababakas

Sapagkat Gobyerno’y sadyang matatalas

Ang Tanggol wika ay aming sinisigaw

Damdamin niyo’y nais naming mapukaw

Wika nati’y unti-unting nalulusaw

Pagkakakilanlan ng Bansa’y natutunaw

Aking munting tinig sana’y ‘yong marinig

Mga nakikinig puso niyo’y maantig

Sa hangaring tama kayo ay pumanig

Wika ay ipaglaban, mag kapit-bisig

Tanggol WikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon