My Ghost

3 2 0
                                    

Flashback
Papunta ako ngayon sa bahay ng taong mahal ko para ihatid siya sa trabaho niya,unang araw niya kasi ngayon sa pagtratrabaho kaya kailangan ko siyang ihatid baka kasi magtampo yun kapag Di ko siya sinamahan.

My name is Gio Mendez at ang tinutukoy kong babaeng mahal ko ay si Reign Joy Santos nakilala ko siya noong college kami at hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin siya...sobra.

So ayun na nga nandito na ko ngayon sa tapat ng bahay nila,hinihintay ko na lang siyang lumabas para makaalis na kami,nang lumabas na siya ay nginitian ko siya at niyakap.

"Good morning reign"sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanya at ng humiwalay na ako,nagulat ako bigla na lang niya ako hinalikan sa pisngi at nagsalita"good morning".

"Tara na"sabi ko at pinagbuksan ko siya nang pintuan ng kotse,oo nga pala nakalimutan kong sabihin sa inyo na maykaya kami ang pamilya ko,hindi kami mayaman maykaya lang😅

Habang nasa biyahe kami tahimik lang siya hindi tuloy ako sanay kasi madaldal tong mahal ko eh,isa yan sa mga bagay na nagustuhan ko sa kanya pero ngayon sobrang tahimik niya,i bet kinakabahan siya kaya ganyan siya katahimik.

Hindi ko na naman na nakayanan ang sobrang katahimikan kaya nagsalita na ako,"kinakabahan ka ba?"tanong ko sa kanya kahit obvious naman wala lang trip ko lang itanong kasi gusto kong marinig Mismo sa kanya.

"Oo sobra para ngang matatae na ako sa sobrang nerbyos ehh"natawa naman ako sa sinabi niyang yun.

"Wag ka ng kabahan baka mamaya dahil diyan sa kaba mong yan pumalpak ka pa sa unang araw mo at pagalitan ka ng manager niyo,wag ka na lang kabahan everything is gonna be fine"sabi ko sakanya habang nakatingin pa rin ako sa daan.

"Thank you kahit papaano eh nawala ang kaba ko dahil sa mga sinabi mo,i love you gio"sabi niya sa akin at kahit hindi ako nakatingin sa kanya ramdam ko na nakangiti siya at nakatingin sa akin.

"Your welcome and i love you too"tumingin ako saglit sa kanya at ngumiti binaling ko naman agad ang paningin ko sa daan.

Pagkarating namin sa lugar kung saan siya nagtratrabaho ay bumaba na siya at sumunod ako bago siya pumasok sa loob sinabihan ko naman siya na magiingat siya at wag magpapagutom sinagot naman niya ako ng katulad sa sinabi ko sa kanya tsk tsk tsk gaya-gaya talaga.

Pagkapasok niya sa loob ay tinignan ko muna siya bago ako umalis para pumasok na rin sa trabaho ko isa akong manager sa isang kilalang kompanya kaya medyo malaki laki ang sahod ko,kailangan ko kasi magipon para sa bahay namin ni reign gusto niya kasi na magkasama na lang kami sa iisang bahay kaya napagpasiyahaan namin na magipon ng pera para sa panggawa ng bahay namin isa din yan sa mga dahilan kung bakit gusto magtrabaho ni reign para daw makatulong siya sa akin sa pagiipon.

Habang tumatagal naging mabuti naman ang pagtratrabaho ni reign,ako naman ay pinagiigihan ko pa sa pagtratrabaho ko para magtagal pa ako sa kompanyang pinagtratrabahuan ko.

Nagtxt naman si reign sa akin sabi niya na hindi daw siya magpapahatid bukas kasi maaga siya aalis magpahinga na lang daw muna ako kasi alam niya na  pagod din ako sa trabaho.

Kahit di ako sang-ayon sa sinabi niya pumayag na lang din ako para medyo mahaba mahaba din yung tulog ko at pagkatapos ko siyang replayan natulog na rin ako.

"I love you"

Nagising ako kasi may narinig akong boses ng babae at parang boses ni...reign? yun pala panaginip ko lang tumingin ako sa side table ko kung ano oras na 6:43 am na pala kailangan ko na rin maghanda para magtrabaho 8 kasi ang pasok ko.

Alas syete pa lang at biglang may tumawag sa akin tinignan ko naman kung sino yung tumatawag nakita ko ang pangalan ni Tita tess ang nanay ni reign,agad ko na mangsinagot Ito.

"Hello po Tita,bat po kayo na patawag?"sabi ko sa kanya

Sinagot naman niya ako ng pagiyak niya

"Tita bakit po kayo umiiyak may nangyari po ba?"nagaalala kong tanong kay tita kasi hindi pa rin siya tumitigil pagiyak

"Si reign"hirap sa pagsasalita si tita dahil sa kakaiyak pero di ko na pinansin yun dahil bigla akong kinabahan sa sinabi niya."tita ano pong nangyari kay reign?"kinakabahang tanong ko kay tita.

"Patay na siya"






Kasalukuyan(isang taon nakalipas)

Kahit isang taon na ang nakalipas hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari sa babaeng pinakamamahal ko,hanggang ngayon di ko pa rin tanggap na iniwan na niya ako di ko tuloy maiwasang magtanong,bakit mo ko iniwan?andaya mo hindi mo man lang ako hinintay,paano na yung mga pangarap na binuo natin?,paano na yung bahay na gusto nating ipatayo?

Mas lalo ako nasaktan nun dahil nalaman ko na hindi lang ang babaeng mahal ko ang nawala sa akin pati na rin....ang anak ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko nung mga araw na yun, dun ko lang nalaman na buntis siya,sobrang sakit sobra para akong sinaksak ng maraming kutsilyo,dinaganan ng mabigat na bagay para na rin akong pinatay...sana nga pinatay na lang din ako kasi pakiramdam ko wala na akong silbi sa mundong ito dahil wala na ang dalawang taong mahal ko.

Alam ko nagtatanong kayo kung paano namatay si reign.

Ganito kasi yan nung nalaman kong patay na si reign tinanong ko si tita kung paanong nangyari yun sabi daw ng mga pulis binangga daw ng isang truck ang taxi na sinasakyan ni reign at ang driver daw ng truck ay lasing at sabi din ng mga pulis na nakulong na nila ang driver ng truck.

Yung driver naman ng taxi na sinasakyan ni reign ay namatay din,naawa nga ako sa anak nung driver kasi iyak siya ng iyak 7 years old pa lang yung bata nawalan kaagad siya ng ama.

Pero mas masakit yung nangyari sa akin,ni hindi ko nga alam na may anak na pala kami ni reign tapos nung nalaman ko naman huli na ang lahat dahil wala na sila pareho.

Napatawa naman ako ng mapakla dahil sa sinabi ko ang tanga ko kasi masyado akong busy sa pagtratrabaho kaya di ko na checheck si reign kung ano na ang kondisyon niya kasalanan ko to kung hindi sana ako pumayag na hindi siya magpahatid edi sana kasama ko pa rin sila ngayon.

Sa sobrang kakaisip ko nakatulog ako hindi ko namalayang napanaginipan ko nanaman ulit siya.

"Wag mong sisihin ang sarili mo gio dahil wala kang kasalanan,aksidente lang ang lahat ng nangyari kaya wala ka dapat sisihin dahil sa pagkamatay namin ng anak mo,walang may gustong mangyari to',at palagi mo tong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng anak mo."

Ayan lang sinabi niya sa akin at nagising na ako at hindi ko namalayan na umiiyak nanaman ako,simula nung mamatay siya palagi ko na siyang napapanaginipan "she is the Ghost in my dream"







My GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon