"Misteryo sa Suba!"

7 1 0
                                        

Chapter 3
Ang kaharian ng Moniyan ay isang kaharian na hindi ganuong kalakihan kung ikukumpara sa bayan ng moonton kaya naman nagplano silakung paano nila masasakop o mapag iisa ang kanilang bayan at bayan ng moonton. Ang dating hari ng kaharian ng Moniyan ay nabigo sa mga pag sakop ng iba pang bayan sa kanilang bansa kaya napalitan siya ng ama ni haring Kimmy kaya bilang anak naasalin kay haring kimmy ang truno bilang isang hari ng bayan ng Moniyan. Sinasabing kaya hindi nag tatagumpay ang pagsakop ng mga taga moniyan ay maaaring ito daw ay isinumpa nuong unang panahon dahil nga sa lahat ng namumuno dito ay puro yabang at angas lang at dahas ang pina iiral hindi nila pinahahalagahan ang bawat isa kaya naman hindi na umunlad ang bayan ng moniyan at patuloy lang silang nananakop ng ibang bayan pero bigo parin sila. Nang malaman ng Hari ng Moonton ang naging historya ng bayan ng maaaring maging kasintahan ng kaniyang anak ay agad na ito'y nangamba sa magiging maging epekto nito sa kanilang bayan kaya naman minabuti niyang ilayo ang kanyang anak na kahit na gustong madaliin ng Haring kimmy ang pag papakasal o pag iisang dib dib nila dahil nga sa baka malaman kung ano ang kaniyang nakaraan. Agad na nag tungo ang ama ni Reyna Scarlet sa bayan ng Moniyan upang imungkahi na hindi na siya pumapayag sa gusto mangyare ng haring Kimmy kaya't kahit na masama pa ang pakiramdam ng hari ng moontoon ay agad na siyang sumakay sa kabayo kasama ang ilang kawal ng moonton. "Tok tok tok ! Huni ng pinto s harap ng kaharian ng Moniyan! Agad na inabisa ng mga kawal ng moniyan na anduon ang hari sa palasyo at gusto raw maka usap si Haring Kimmy napa isip ang haring Kimmy kung ano ang maaaring ipinunta ng hari ng Moonton . Maaari naba kaming pumasok ? Tanong ng hari ng moonton at agad na pinapasok ang ng mga kawal ng Moniyan ang hari ng sinabi ng Haring kimmy na papasukin ang hari.
Magandang Hapon mahal na Hari tugon ni Haring Kimmy sa Hari ng Moonton anong atin Haring Valir napadpad kayo dito sa aming bayan ? Anong ipaglilingkod ko sa inyo.
Ayon sa aking nabalitaan isa kang anak ng dating gustong manakop sa aming bayan at kaya mo lang gusto makipag pakasal o isang bidbid sa aking anak ay gusto mo lamang na masakop ang aming bayan!! Pagalit na sabi ng hari.
Ano pong sinasabi niyo haring Valir? Hindi ko po kayo maintindihan .
Hindi muna ako malilinlang Haring Kimmy alam kuna ang lahat lahat ng kwento tungkol sayo!.
Kung ganun ay tinawag ng Haring kimmy ang mga kawal at ipinadakip ang Hari ng moonton, dinala ito sa isang abandunadong silid upang duon ay pahirapan siya. Pinag hahampas ng latigo at pinag sasabuyan ng mainit na tubig ang Hari wala na itong nagawa dahil nga sa naka tali siya at hindi maka piglas sa ginagawang karumal dumal na pagpapahirap sa kanya.
Nag iisip ang haring kimmy kung paano ang gagawin niya kung sakaling lusubin at malaman ng Mga mamamayan sa Moonton kung ano ang tunay na nangyare sa Mahal na Haring Valir . Paano ang gagawin natin ? Wika ni haring Kimmy sa kaniyang kanang kamay, siguro po mahal na hari kailangan din po nating pag handaan ang magiging pwedeng mangyare sa atin upang kung ano mang mangyare ay handa tayo. Magaling yang naisip mo! Kapulungin mo ang lahat ng mga kawal natin at maghanda sila s kung anong maaaring mangyare kung sa kaling lusubin tayo, hayaan nating sila ang lumusob sa atin maghanda nalang tayo sa mga mangyayare.
Iligpit muna ang haring Valir, wika ng Haring kimmy sa kanyang kanang kamay, Sige po mahal na Hari masusunod po ang inyong inuutos.
Nag tungo ang Kawal sa silid at duon ay natagpuan niya ang wala ng malay na Hari kinalad kad niya ito at sabay itinapon sa ilog ng Lunox na kung saan ay ito ang mga tapunan ng mga napapaslang na mga tao at mamamayan ito rin ang nag hahati sa bayan ng Moniyan at Bayan ng Dark abyss isang misteryong bayan na kung saan kapag pumunta ka dito ay maaaring hindi kana maka labas pang o maka balik pang muli kaya walang nagtatangka o mangahas na mag tungo dito sa abandunadong bayan na ito! Kaya tinawag nila Itong DARK ABYSS!! Di umano dito raw napupunta ang mga kaluluwang itinapon sa ilog ng Lunox kaya naman isa paring misteryo ang bayan na ito!
Agad na bumalik ang kanang kamay ng haring Kimmy upang ibalita na nagawa na niyang iligpit ang Haring Valir itinapon niya ang labi nito sa Ilog ng Lunox. Magaling Magaling! Wika ng haring Kimmy sa kanyang kanang kamay . Ano pa po ang maaari kung gawin mahal Na Hari Kimmy? Hmmmp siguro ayusin muna ang mga kalat na naiwan sa silid upang maging malinis duon at walang bahid ng dungis.

"Hangtud sa katapusan"Stories to obsess over. Discover now