Chapter3
ExpelYoona's Pov
Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking yun? May sa misteryo eh. Si Harvey minsan nakakatulong, minsan mabait, minsan naman hay ewan di ko masabi.
"Bessy!" Nagulat ako sa tawag ni Ella. Kaya sinamaan ko siya ng tingin pero nag peace sign lang siya.
"Bakit?!" inis kong tanong sakanya.
"Sabay kana sa akin!" Sabi niya kaya nakisabay nalang ako sakanya. Tinamad na din ako maglakad eh. Sumakay na ako sa kotse niyang sobrang bango, halatang babae talaga ang may-ari eh, ang cute nga ng kotse niya eh. "San ka pumunta kanina?" Tanong niya
"Sa rooftop nagpahangin lang ako doon."
"Okay! May nagmessage kasi sa gc natin na expel na daw yung dalawa. Nabasa mo na ba?"
"Not yet! Mabuti naman kung ganun." Nakangiti kong sabi.
"You still love him, right?" She asked. "Don't lie because I know you still love that guy!" dagdag pa niya kaya ano pa nga ba magagawa ko?.
Nakarating na din kami sa bahay at di na siya pumasok dahil may family dinner pa daw sila.
Childhood bestfriend ko yang si Ella. Magkakampi kami niyan sa lahat ng bagay, minsan nagkakatampuhan pero nagkakabati din naman.
"Sino yung naghatid sayo?" Halos magulat ako sa nagsalita sa likod ko. Si kuya! My god! Kahit kailan!
"Kuya naman! Kailan ka ba hindi manggugulat? Aatakihin ako sa puso niyan eh." Inis kong sabi. "Si Ella, hinatid niya ako. Bakit?" I asked. Isa din 'tong si kuya eh, mukhang type yung bessy ko, minsan nagover night si Ella dito sa bahay, grabe makatingin ang magaling kong kuya. Type nga niya tapos maraming tanong about kay Ella. Hay nako kuya!
"Wala!" Hala! Sumigaw! "May bisita ka!" Dagdag pa niya. Eh sino naman yung bisita ko? Wala naman akong manliligaw siguro diba? Wala si mommy dito sa bahay kaya hindi magpapapasok si kuya sa bahay kasi alam nyo naman ang magaling kong kuya, over protective sa bunsong kapatid.
"Huh? Sino?"
"Pumasok ka ng malaman mo!" Sigaw niya at pumasok sa loob kaya sumunod ako sakanya.
"Yoona!" Tawag sa akin ni Den at niyakap ako. Grabe talaga yung pinsan ko!
"Kuya di ka ba masaya na andito si Den?" Tanong ko kay kuya pero nagheadset lang siya. Alam ko na, kaya nagkakaganyan si kuya kasi dumating si Den yung karibal niya kay Ella. Nako kuya! Bahala ka, baka mag-away kayong magpinsan dahil sa bessy ko wag naman ganun!
"Si Ella ba yung naghatid sayo?" Tanong ni Den at tumango ako pasimple akong tumingin kay kuya at nakatingin siya ng masama kay Den. Akala ko ba wala siyang naririnig dahil naka earphone siya, narinig lang si Ella nakinig na. Omy god kuya! "Eh bakit di siya pumunta dito?"
"Kasi family dinner nila, kilala mo naman yun, mabait na anak." Sabi ko.
"Miss ko yung babaeng yun, nako parang kapatid ko na yun." Omy! Kapatid lang? Di ko nilalaglag ang bessy ko pero type ni bessy si Den kaso di naman yun makita ni Den. Magpinsan nagkagusto sa isang babae at sa bestfriend ko pa. Oh diba!
----
Maaga akong nagising dahil gusto kong makita sila Melody at Liam na aalis na ng campus. Gusto ko silang makitang umalis.
Nagring ang phone ko at unknowm number. Sino nanaman 'to? Di naman pwede yung kambal dahil naka phonebook na yung number nila saakin. Kaya sinagot ko para malaman ko kung sino.
"Hello?"
"It's me Yoona. I'm really really sorry. Please don't expel me."
So it's Liam? What the hell! Bakit ka pa tumawag sa akin? "I'm sorry, I think you've dial the wrong number." Sabi ko, ayoko nang marinig oa ang boses niya either yung name niya kasi nagagalit lang ako.
YOU ARE READING
Don't Break My Heart
Teen FictionHer heart broke twice because of the guy, she hates the promise, she hates the pain, she hates crying but it is hard to avoid it. She only want a person who will be stay by her side, a person that wil never leave her, a person that will never break...