PRELUDE
Nimrod of Souls
inked by : liquorithe
. . .Malamig na simoy ng hangin ang humahampas sa mukha ko, napadpad na lamang ako sa rooftop kung saan palagi naman akong nagpapalipas ng oras bago magsimula ang klase. Pinaghahandaan ko kung anong pwedeng gawin pagkauwi sa haponー dahil bukod sa Friday ngayon, wala naman na akong gagawin pa maliban sa maglinis ng tinitirhan kong apartment.
"Bulaga!"
Nagpanggap na lang ako na nagulat, seriously? Paano niya ba nalaman na nandito ako? Wala pa akong nakikita na umaakyat dito maliban sa akin, dahil bukod sa natatakot sila sa kung ano man na bagay, pwes ako hindi.
"Hm?" Tanging tugon ko lang. Tumawa siya ng malakas at saka ako hinampas.
"Lonely mo naman diyan, tabihan nga kita." Hindi ko alam kung nangi-insulto ba siya o ano, pero pinabayaan ko nalang din, dahil bukod sa wala akong panahon makipagharutan sa kaniya, iniistorbo niya lang ang oras ko.
Pero walang nagsasalita sa amin, tanging malakas at malamig na hangin ang naririnig.
"Ikaw si . . . Triptych!" Pagbasag niya sa katahimikan, at hinampas ulit ako.
"Aray- oo ako nga." Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya ng isang nakakaloko sabay tayo mula sa kinauupuan.
"Tara na, magsisimula na yung klase." Agad naman akong sumunod pero nakakapagtaka, kailan pa ako kinausap nito?
YOU ARE READING
hunter.
Fantasyfar-fetched dream? no, it was realityー a peculiar one that arose from a precipitous jewerly on an exhausting day of hers. triptych, a young independent maiden whose world turned into an extramundane yet ravaging to herself; to live as a hunter of n...