ICE POV
"So may transferee pala? Balita ko galing siya sa mortal world.Sino naman kayang nagpadala sa kanya?"sabi ni Agua.Isa sa mga Royals.Well,papaliwanag ko sa inyo ang pagkakasunod sunod dito sa school.
First,ang pinakamababa dito sa Gerstein Academy ay ang Luna.Sila yung mga taong pasaway at walang pake sa magic na meron sila.
Second,Vienna... Sila yung medyo may alam sa magic pero hindi nila alam kung paano gamitin ang kapangyarihan nila.
Third, Average... Sila yung saktong may alam.. Obvious naman na sa nakalagay.
Fourth, The princesses and princes.Sila yung mga susunod na magiging tagapagmana ng kahit ano sa ranggo..
And last,Fifth....us, ROYALS....dito lahat ng pinakamakapangyarihan na mga imortal.Sikat sa buong academy dahil sa pagiging malakas,lahat ng nakakapasok dito ay may sinasabi rin ang pamilya.Lahat ng prinsipe at prinsesa ay nandito.Hindi kami mapupunta sa princesses and princes dahil sonrang makapangyarihan kami para mapunta lang dun.
"Bakit kaya sila nagkakagulo dun?"sabi ni Grey.Ang kapangyarihan niya ay Hangin.
"I think, nandyan na ang transferee!!"Lisa said.She's a Lie detector.
"So? Ganun ba siya kaganda para pagkaguluhan ng lahat?"si Eco.His power is Earth.He is Earth Bender.
"I think kausap niya ang reyna"si Harry.He is a wizard.Obviously? Siya ang pinakamatalino sa aming anim.
Pinadaan kami ng mga nanditong tumitingin sa transferee.Nakita agad namin ang isang babae na kulay pula ang buhok.Kulay pula din yung suot niya na uniform.Wait.....
Pula???
Nakaharap siya sa reyna.Dito,nakatalikod siya.Ang nakikita namin ay ang reyna.
"Apoy siguro kapangyarihan niya"sabi ni Lisa.
"Obvious naman diba?"si Agua.
Pero ang mas nakakagulat ay mismo ang reyna ang nagbow sa transferee.Pero....anong meron at ang reyna ang nagbow?
"Diba dapat yung transferee yung magbow?"si Harry.
Sumakay na sa karwahe ang reyna.Hinawakan naman na nung babae yung maleta na dala niya.Biglang nag-iba ang kulay ng buhok nung babae.Biglang...naging pink??
Pagharap niya ay dun na namin nakita ang mukha niya.Kulay pink din ang mata niya.Biglang nag-iba tuloy ang atmosphere.
Diretso lang ang lakad niya at.....walang lingunang dinaanan kami.
Hangin na ba kami ngayon?
"Infairness ah ang ganda niya"sabi ni Lisa.
Bigla siyang tumigil.Kinuha niya ang phone niya at nagdial.
"H.O?"yun lang sinabi niya tapos binalik ang phone niya sa bag.Dire-diretso lang siyang maglakad at masasabi kong mabilis siyang maglakad.
"Ice,ano sa tingin mo ang power niya?"si Agua.Parehas kami ni Agua ng kapangyarihan pero mas malakas nga lang ako.
"Fire"sabi ko gamit ang cold and serious voice.
Biglang nagring ang phone ni Grey.Parang may nagtext sa kanya.
"Pinapatawag tayo ng headmaster"sabi niya at dali-daling naglakad.Sumakay na kami sa elevator para mabilis.Binuksan agad namin ang pinto at tumambad ang isang babae.Yung kausap ng reyna sa baba.
Umupo na kami.Sobrang lamig ng atmosphere at masasabi kong...baka siya ang may gawa non pero...Fire ang kapangyarihan niya diba?
"Siya si Liah Reige.Mapupunta siya sa royals"pagkasabi palang non ay napatingin na ang mga kasama ko sa kanya maliban sa akin.
YOU ARE READING
Unconditional Love
FantasyPaano nga ba magkakasundo ang tubig at apoy? Paano mo mamahalin ang taong nakatakdang patayin mo? Paano mo pa mapapatay ang taong...naging laman na ng puso mo?