MIKAELA'S POV
Pagkatapos ng pagdalaw samin kahapon nina Tiyo Edgar at ni Javier, parang pakiramdam ko wala na sakin ang puso ko.Parang naibigay ko na yata kay Javier.
Parang sya ang isang lalaking hihilingin mong makasama habang buhay.
Bukod sa kanyang kakisigan ay napakagalang din nya at napakamaginoo. Hay. Ako na yata ang pinakamaswerteng babae kung magugustuhan niya ako.
*PAK*
"Aray, ate!" Binatukan kasi ako ni Ate Risa. Pinsan ko.
"E kasi kanina ka pa tulala dyan? Iniisip mo na naman ang Javier mo noh?"
Napangiti nalang ako at napayuko."Hay nako. Ang pinsan ko, umiibig na. Sa wakas. Akala ko tatanda ka nang dalaga e."
"Ate naman!"
"Pero alam mo, sa palagay ko, gusto ko rin ni Javier. Iba ang mga tingin nya sayo e."
"Talaga ate???" Sabi ko ng kinikilig.
"Alam mo... may kakilala akong manghuhula. Gusto mo pumunta tayo dun para magpahula? Tingnan natin kung si Javier ang lalakeng karapat dapat sayo!"
"Sige ate! Tara na!"
Dahil gusto kong malaman kung si Javier na nga ba ang nakatakda para sakin, sumama ako kay Ate kahit pa wala naman akong masyadong tiwala sa mga manghuhula. Wala namang mawawala sakin diba?Noong nakarating na kami sa bahay nung manghuhula, parang gusto ko na umuwi. Nakakatakot ang paligid. Kakaiba ang pakiramdam ko.
Pero ano pa ba ang magagawa ko, nandito na kami e.
"Sino yan?" Sabi nung aleng manghuhula.
"Magandang hapon po. Ako po si Risa at ito po si Mikaela. Magpapahula po sana kami."
Tiningnan nya kami. At sinasabi ko sa inyo. Ang mga tingin nya ay lubos na nakakakilabot."Maupo kayo."
Sinunod namin sya at umupo dun sa harap nya.
"Anong gusto nyong malaman."
"Ito po kasing pinsan ko. Gusto nyang malaman kung yung lalakeng gusto nya ngayon ang lalakeng makakatuluyan nya." Sabi ni ate.
"Nais mong malaman kung sino ang lalakeng nakalaan para sayo?"
Tanong nya sakin. Inulit lang nya sinabi ni ate e. -_____________-
"Opo sana. Makikita nyo po ba yun sa bolang kristal nyo?"
"Hahaha. Unang una, wala akong bolang kristal. Pangalawa, hindi ko yun makikita..."
"Ay. Ano ba yan. Naging manghuhula pa ho kayo e hindi nyo din pala kayang sagutin ang mga katanungan namin. Tara na nga ate. Lumisan na tayo dito."
Papaalis na sana ako, pero nagsalita ulit si aleng manghuhula."Hindi ko sya kayang makita dahil ikaw lang ang may kakayahan para magawa yun."
Napatingin naman ako kay ale."Bakit? May dugo po ba akong manghuhula. Nawawala nyo po ba akong anak?!" 1
*PAK*
"Pagpasensyahan nyo na po itong pinsan ko. Masyado lang pong nadala sa mga aklat na binabasa nya."
YOU ARE READING
Timeless Love
Historical FictionWhat is Love?2 Ang cliche na nyan diba? Parang paulit-ulit nalang na Love is ganto. Love is ganyan. Kaya ba talagang idefine ang salitang yun?