Chapter 1

71 0 0
                                    

Chapter 1

"RISE AND SHINE!"

Bumangon ka na,tanghali na. Malay mo magkaroon ka na ng chance kay lovey doves.

Anong klaseng alarm 'to? Bongga, masyadong paasa!

Ilang taon na... ilang taon na akong paulit-ulit na bumabangon, nagigising pero sa bawat araw na yun... wala pa rin.

Wala pa rin akong pag-asa kay lovey-doves. Sa dinami-rami ba naman kasi ng tao sa mundo, ako pa talaga. Ako pa talaga ang kailangan mainlove sa bestfriend ko.

Ang napakapogi, napakabait, napaka... hay ewan! kong bestfriend. Malas nga lang dahil may jowabels na ang loko. Di bale sana kung ako yun eh kaya lang malabong mangyari yun. Head over heels siya sa girlalu na yun parang ako sa kanya.

Kahit na ganoon,umaasa pa rin ako na sana... matutunan niya akong mahalin kaya lang hanggang panaginip na lang yun eh. For 7 years na pagmamahal ko sa kanya, alam ko na sa sarili ko na hindi yun magiging worth it. Pero di ko magawang huminto, di ko pa kayang maglet-go... siguro dahil hindi ko pa rin magawang umamin,dahil hanggang ngayon wala pa rin akong lakas ng loob. Di katulad ng girlfriend niya.

Ano ba naman kasing laban ko sa maganda, mabait, caring and lovable niyang girlfriend? Syempre wala. Kumpara sa kanya, basahan lang ako.

"Ms.Maria Georgina Elizabeth Dela Nueva, kelan mo balak mag-ayos para sa klase mo? Nakakailang five minutes snooze na ako wala pa rin. Aba!Kung wala kang balak pumasok, iturn off alarm mo na ako, nakakapagod kaya."

Muntik kong maibato ang iphone ko ng marinig ang alarm ko. Ireremind ko nga ang sarili ko na palitan 'to, ang creepy eh. Sa susunod nga 'di ko na hahayaan na ang mga lokaret kong kaibigan na galawin ang alarm ko.

Bago pa magreklamo ulit ang cellphone ko, tumayo na ako at pinatay ang alarm. Sana ganun na lang din kadali patayin ang feelings.

Ginawa ko lahat ng dapat kong gawin bago bumaba para sa breakfast. Lahat naman na ginawa ko ah?Bakit wala pa rin? Well,bukod sa pag-amin.

"Nak,kumain ka na baka malate ka niyan.. first day mo pa naman"

Ngumiti na lang ako at sinimulan ang pagkain. Pagkatapos ng mahaba-habang kainan napagpasyahan ko ng tumayo at syempre,nagtoothbrush.

After everything, I'm set and ready to go. Darating din ang araw na masasabi ko yan sa sarili ko, na handa na akong maglet-go sa bwisit na feelings na 'to.

"My!Alis na ako,"isinigaw ko na lang yun dahil nasa kusina naman si mommy.

"Ingat!"

•~•

Thank all the Angels dahil hindi ako nalate! Badshot naman kasi kung malelate ako, first day na first day.

Pagdating ko sa assigned room, wala pa ang teacher pero marami-rami na ang studyante. Dumiretso na ako sa sahig. Ganito na talaga kahirap ang edukasyon sa bansa natin, kasinghirap ng pagmamahal. Kulang ang upuan, kulang ang classroom kaya hinahati na lang. Kulang na nga, hinati pa... samantalang ako buong-buo kong binibigay lahat.

Public school, maaaring libre nga pero kulang pa rin sa materyales. Hindi pa rin sapat, maganda nga ang pagtuturo pero hindi naman makaconcentrate ang mga mag-aaral. Kapag malakas ang ulan,bumabaha sa ibang classrooms. Tuwing summer napakainit dahil hindi sapat ang bentilasyon. Yan!Yan ang lagay ng ibang public schools at lahat ng iyan, kailangan ng aksyunan ng gobyerno.

Maya-maya pa'y dumating na ang adviser namin. Pero di naman yan mamamalagi dito sa classroom di tulad ng elementary. Dahil nga karamihan ng nasa sahig ay babae, pinagpalit niya ang babae at lalaki. Kung ganun lang kadaling ipagpalit siya eh. Sandali lang naman daw kasi magtitiis dahil parating na yung mga extra chairs. Buti pa sila sandali lang,eh ako?7 years na.

Nagpakilala si Ma'am and then it's our turn. Introduce yourself pa more! Magkakakilala naman na kami, for formality lang daw. Isa-isa na silang nagpakilala hanggang sa maging turn ko na...

"You know my name already, pati ugali ko alam nio na pero andito pa rin ako sa harapan nio para magpakilala. Eto ako, umaasa pa rin sa wala pero promise!I'll do my best to fall out of love, to move on and to have another, that's all. Thank you."

After my emotional intro, hinayaan na niya kaming gawin ang gusto namin. Nilapitan agad ako ng mga kaibigan ko at pinaulanan ng tanong.

"Musta na?"

"Nakamove on ka na ba?"

"Ano break na ba sila nung gf niya?"

"Nagpapakatanga ka pa rin ba?"

My friends make it easy for me to conquer everything. Kulang na nga lang ay sila na ang umamin para sa akin but they didn't. They still respect my decision. Luckily.

Ilang mura ang natanggap ko sa kanila dahil sa pagiging duwag ko, ilang beses na rin nilang i-try na umamin para sa akin but I always object. Ayokong makasira ng relasyon...relasyon nila at friendship namin.

"Uy ano? Wala ka pa rin balak mag-move on?"

That caught me off guard. Lagi kong binabalak, pero sa tuwing paahon na ako...lagi na lang may humihila sa akin para malunod ulit. Kahit gaano kaliit na pag-asa pa yan, panghahawakan ko.


Kaya lang mahirap... Mahirap makita na nasasaktan siya at nalulungkot sa tuwing nag-aaway sila ng jowabels niya. Sa tuwing, lalapit siya sakin di ko mapigilan na "sana ako na lang, kung ako yan...hinding-hindi ka iiyak". Pero hindi pwede, mahal nila isa't - isa...saling pusa lang ako.

Mas malala isa lang akong epal sa lovestory nila. Kumbaga, extra lang ako sa pelikulang sila na mismo ang gumawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hear Me OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon