According sa nabasa ko kelangan para perfect genes dapat isang maganda o gwapo at isang panget para masaya. Nakakasuklam kaya kung pareho kayong maganda at gwapo. Nakakasawa na.
So para maiba dapat ako na panget at siya na gwapo ang bagay. Hindi naman ako panget e slight lang. hihi medyo mataas din ilong ko , maraming nagsasabing maitim daw ako e sa totoo talaga ay morena ako!!
Sabog na buhok , May bakal sa ngipin o tinatawag nilang 'braces' ay! isama nyo na yung tigyawat na wala ng space sa dami nito. kakabanas.
Alam nyo yung crush mo lang sya pero parang kasing sakit ng nakadapang tigyawat ko kapag nakikita ko syang may kasama na ibang babae. huhu pag-ibig na kaya?
Babaeng mala'porselana ang balat , matangkad at maputi isama mo na yung ganda.
Jusko lord , bakit naiiba ako sa kanilaaa?
Sabi nila si crush daw malayo palang kitang-kita mo na , totoo yun mga day! kahit hibla pa lang ng buhok niya o kahit na kulangoy idikit nya sa dingding ay kilala ko. Crush ko e .
Wala kang magagawa.