Chapter 3

37 3 1
                                    

"YANAAAA~!" Sigaw ni Xian

Nagtatakbo naman agad ang mommy ni Xian papunta sa kwarto niya at agad inalog ang anak.

"Hey Xian baby!!" Sabi ng mommy niya habang inaalog siya. "Wake up!" Paggising nito.

"Ah~!" Sigaw muli niya at napaupo na siya mula sa pagkakahiga niya. Naghahabol din siya ng hininga at pawisang pawisan.

"Anak, nananaginip ka nanaman ng genyan. Okay ka lang ba?" Tanong nito sa anak at umiling naman si Xian. "Anak, kalimutan mo na si Yana at ipagdasal natin na sana nasa paraiso at tahimik na siya," payo nito sa anak.

"Pero mom, alam niyo naman na mahal na mahal ko si Yana. Gagawin ko ang lahat para makamutbko ang hustisya," matigas na sabi ni Xian.

"XIAN! Aksidente ang nangyari. Walang may gusto ng nangyari. Atsaka hindi pa ba hustisya yung matanggal sa serbisyo ang nakabaril kay Yana?" Paliwanag nito kay Xian at iling lang ng iling si Xian.

"Anak, isipin mo nalang, mataas na ang posisyon ng pulis ng aksidenteng nakabaril kay Yana tapos natanggal siya. Paano nalang yung pamilya niya? Siguro'y tama na iyon,"

"HINDI MOM! Hindi yun sapat! Dapat sa kanya ay makulong at mahatulan ng kamatayan!" Naglalagablab ang mga mata ni Xian sa galit.

"XIAN! Are you insane? Ano bang pinagiisip mo?!" Napatayo na ang kanyang ina sa galit.

Huminga ng malalim si Xian. "Sorry mom. Sige po, papasok na po ako," tumayo na din si Xian. Humalik sa pisngi ng kanyang ina at dumeretso na sa kanyang banyo.

➖➖

"Mga anak may trabaho na ako!" Masayang anunsyo ng ama ni Kim na si Jerome Chiu na kakapasok lang sa bahay nila.

"Salamat sa Diyos!" Mangiyak ngiyak na pasasalamat ng ina ni Kim.

Nagtatakbo naman si Kim papunta sa ama at iniwan ang ginagawa. "Talaga tay?" Tanong nito at tumango naman ang kanyang ama.

"Construction worker ang nakuha ko. Medyo malaki ang sweldo dahil mabilisan at kailangan na agad matapos yung proyekto," masayang kwento ng kanyang ama.

Tumalon si Kim at niyapos ng mahigpit ang ama. "Magpasalamat tayo sa Diyos at hindi niya tayo pinababayaan," bulong ni Jerome kay Kim.

"O siya, kumain na tayo at magpasalamat," aniya naman ng kanyang ina.

Habang nakain sila ng hapunan ay napansin ni Jerome ang kanyang anak na si JP na tahimik at mistulang walang ganang kumain.

"Oh bakit malungkot ang aking bunso? Hindi ka ba masaya na may trabaho na ako?" Puna nito sa kanyang anak.

"Eh tay masayang masaya nga ako dahil may trabaho ka na," sabi ni JP at ngumiti ito. "Pero may problema lang talaga ako," mabilis napawi ang ngiti sa mata ni JP.

"Ha? Ano kayang problema ng bunso ko?" Malambing na sabi ni Jerome. Nilapitan niya ito at inakbayan. "Halika dito. Usap tayo," hinila niya ito patayo at naglakad sila palabas ng bahay.

"Anong problema? Pag-ibig ba ito?" Pangasar na ngiti ang ibinigay ni Jerome sa anak.

➖➖

"Laine~!" Sigaw ni Jp habang hinahabol si Laine.

Napatigil at napalingon si Laine kaya naabutan siya ni Jp.

"Good morning! Tulungan na kita sa mga dala mo," sabi nito at agad kinuha nag mga dalang libro ni Laine.

"Good morning din. Ay salamat!" Binigyan ni Laine ng ngiti si Jp.

"Ah, Laine, napansin ko lang. Bakit Business Administration ang kinuha mo gayong magaling ka namang magsulat, halos Literature ang dala mong libro at mas nageenjoy ka?" Puna ni Jp habang naglalakad sila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's Not Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon