MEMORABLE

0 0 0
                                    


*beep*

From: babi
Nasan ka na? Papunta nako dun sa dating tambayan.

Napamulat ako ng bigla kong mabasa yung message niya.

Geez. 9am na pala. Napahaba pala tulog ko.

To: babi
Papunta na chill ka lang!

Nagmadali nakong maligo at mag ayos after 40 mins charaaaaan tapos na! Nag dress ako kasi eto na yung araw na memorable.

From: babi
Ang tagal mo naman eh.

Naku po buti nalang may huminto kagad na jeep. Sana naman mabilis tong jeep.

To: babi
Eto na oh malapit na.

Makalipas ang ilang minuto. Nakarating na din sa dating tambayan. This is it. Naglakad ako papasok sa isang hardin. Hardin na may punong puno ng masasayang alaala.

'hays eto na talaga yon'

Hanggang sa nakita ko siya. Isang lalaking naka pormal na may dalang bulaklak at chocolates. Napangiti siya ng makita ako at heart sign siya at ganun din ang ginawa ko sa kanya. Habang naglalakad ako patungo sa kanya, pinakiramdaman ko ang simoy ng hangin at bawat bulaklak na nakikita ko sa gilid. Bigla niya akong niyakap.

"buti dumating ka na" wika niya

"natakot ka ba na di ako dumating?" pang aasar ko at napayakap din ako sa kanya.

"sira ulo hahahaha. Salamat ha? Kung di dahil sayo hindi ako maglalakas loob ngayon sa kanya na sabihin na mahal ko siya salamat talaga the best ka talagang bestfriend!" wika niya

Bakas sa mukha niya ang saya. Saya na parang naka jackpot sa lotto. Gagawin ko lahat para sayo kahit bestfriend lang turing mo saken nathan. Nangilid ang luha ko habang nakayakap sa kanya. Sabay sabing,

"wala yun bes para sayo gagawin ko. Bestfriend kita eh".

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon