CHAPTER 15

39 6 0
                                    


Chapter 15

FOR HER HEART

MIA

"Tama na ang kadramahan gusto ko ng palabas." sa sinabi niya ay nakaramdam kami ng takot para sa mga sarili namin sa kung ano ang maaari niyang gawin.

"Kent." pagtawag niya kay Kent at hinarap ito. "Magbigay ka ng pangalan ng isa mga kaklase mong nandito." bagot na bagot na sabi nito.

"Bakit?" seryosong tanong ni Kent na pinanlisikan ng tingin ang lalaki.

Kumuha ng barya ang lalaki sa kanyang bulsa. "Ihahagis ko ang baryang ito at kapag heads ang lumabas papalayain ko ang taong babanggitin mo. Ngunit sa oras na tails ang lumabas papatayin ang taong ito." natigilan kami sa sinabi niya dahil sa isang barya nakasalalay ang mga buhay namin. At kung mamatay man dahil tails ang lumabas, bilang president ng klase namin at magsasabi ng pangalang ito siguradong sisisihin ni Kent ang sarili niya.

Balisang isa-isa kaming tinitignan ni Kent. Naagaw ang atensyon namin nang magising si sir Matthew at sigawan si Kent. "Kent 'wag kang magsasabi ng pangalan hindi tayo nakasisiguro kung talagang palalayain niya. At kung tails ang lumabas paniguradong gusto niya lang sisihin mo ang sarili mo kapag namatay ang kaklase mo dahil sa pagpili mo sa pangalan niya."

"Tumahimik ka." seryosong sabi ng lalaki kay sir at agad na may lalaking lumapit kay sir Matthew, hindi man lang ito nag-alinlangang gilitan si Sir Matthew sa leeg dahilan upang magsigawan kami.

"Kent tumatakbo ang oras. Magsasabi ka ng pangalan o uutusan ko ang mga tauhan ko na nasa labas ng bahay niyo na patayin ang pamilya mong mahimbing na natutulog sa mga oras na ito?" naiinip at halatang nauubusang pasensyang tanong ng lalaki kay Kent na mas naguluhan dahil pati ang pamilya niya ay damay na.

"Si Nikko! Nauubusan na siya ng dugo kailangan na niyang madala sa hospital!" umiiyak na sigaw ni Xainna habang walang tigil sa pagtingin sa kalunos-lunos na kalagayan ni Nikko na katabi niya. Lupaypay ang katawan niya at nahihirapan nang igalaw ang katawan sa dami ng dugong nawala sa kanya.

"Hindi! Paano kung tails ang lumabas? Mamamatay si Nikko hindi pwede." naiiyak na saad ni Chase na tinatanaw ang kalagayan ng kaibigan.

"K-Kent ako na. Kung tails ang lumabas ayos lang mamamatay din naman ako sa kakulangan ng dugo. Kung heads mabuti." nakangiting sabi nito kay Kent. Natulala si Kent na nagsisimula nang maiyak sa nangyayari. "P-Pero--" pinutol ni Nikko ang sasabihin ni Kent at nakangiting nagsalita kahit sobra nang nahihirapan.

"Kung ano mang kalabasan hindi mo dapat sisihin ang sarili mo dahil hindi mo kasalanan. Ginusto ko ito hindi ikaw."

Nahihirapan man ngunit pilit na tumango si Kent at pikit matang binanggit ang pangalan ni Nikko. "N-Nikko."

Nakangiting hinagis ng lalaki ang barya at sinalo ito. Walang emosyon siya nang tignan ang barya at tawagin si Zin na kasama sila Red na walang emosyong pinapanood ang paghihirap namin. May binulong siya dito bago lumapit si Zin kay Nikko.

Sigawan at iyakan ang namutawi sa buong silid nang humugot si Zin ng kutsilyo sa kanyang bulsa at walang awang sinaksak si Nikko sa sikmura ng ilang beses hanggang sa tuluyan na itong hindi gumagalaw. Dumadaloy ang dugo sa sahig mula sa duguang si Nikko na mas nagpagimbal sa amin.

"Hayop ka Zin! Putangina mo! Demonyo ka!" nagngingitngit sa galit na sigaw ni Chase at pilit na tinatanggal ang pagkakagapos sa kadena dahil sa pighating dulot ng pagkawala ng kanyang kaibigan.

Mas tumitindi ang pananakit ng dibdib ko dahil may namatay na naman. Namatay si Nikko, silang lahat dahil sa akin. Ako lang naman talaga ang habol ng lalaking ito ngunit nadamay sila. At ang masakit pa, habang sinasaksak ni Zin si Nikko at tinignan niya ako, sa kabila ng sakit na nararamdaman ay pinilit niyang ngumiti na para bang sinasabing magiging ayos ang lahat at hindi ko kasalanan. Na huwag kong sisisihin ang sarili ko pero paano? Paano?!

Her Heart Where stories live. Discover now