Senior High na ako at wala nang mapiling school sila daddy na pwede kong lipatan na matino . Kaya ang napili nalang nilang school ay Campus Royalty. Maganda naman daw ang school na iyon at disiplinado lahat ng tao. Malaki ang school namin kaya Pre-school to High-school mayroon doon. Kakaiba noh? Ang kaso malayo iyon sa bahay namin. Kaya mapipilitan akong mag stay sa school at mag dorm nalang. Ang sabi ni daddy na Monday to Thursday daw ang pasok namin at ang Friday to Sunday is Weekend na agad. Napag desisiyonan ko na tuwing sabado uuwi ako sa bahay. Mga ilang oras lang naman byahe eh. Btw ako lang mag isa ang anak nila at walang kapatid. Varsity(baseball) rin ako last year sa school namin.Last week nakapag enroll na ako sa school at sinabi nung nag enroll sa akin na pumunta ako sa Principal's office sa 1st day of class.
Habang hinahatid ako ni Mang (driver namin) nakita ko ang school na may sobrang laking gate.
"Mang, diyan po ba ang school ko?" sabay turo sa school na may malaking gate.
"Aba oo, ang ganda nga eh." sagot ni mang.
Pagkababa ko sa tapat ng gate binuksan agad nito ng guard. 6:03am na. Agad akong pumunta sa Principal's office dahil sabi sa akin nung nag enroll ako last week.
"Good morning sir. Hinihintay napo kayo ni Mr Principal sa table nya" bati nung nakangiting nagbukas ng pinto sa principal's office.
"Is that you? Mr Ken M. Ramirez?" tanong ng principal.
(Ako si Ken M. Ramirez, mahilig sa anime/otaku ako. I'm 17yrs old. Isa lang akong simpleng tao. Ace Player ako ng team dati at Pitcher, marami akong alam na breaking balls like slider and curve. Mahiyain at hindi masyadong nakikibonding sa ibang tao)
"Yes sir, pinapapunta po ako dito nung nag enroll ako last week" nagtataka rin ako kung bakit ako pinapunta dito."Sumunod ka sakin, ituturo ko ang room mo sa dorm" wika ng principal.
Lumabas kami ng principal's office at pumunta na sa dorm. Nung nakarating na kami sa room ko. Kumatok na agad si Principal at may nagbukas naman ng pinto.
"Oh, Good morning sir, sya na po ba ang bago naming room mate?" tanong nung nagbukas ng pinto.
"Ah oo, hnde ko pala nasasabi sayo MrKen. Na ikaw ay isang royalty dito sa campus dahil sa taas ng grades mo at dahil ikaw rin ay naging varsity ng school mo dati." sabi ng principal.
"Ahmmm, ano nga po pala ang Royalty??" tanong ko.Syempre hindi ko pa alam,sa school kasi namin dati wala namang royalty nayan.
"Ang royalty kase dito ay para bang mga VIP sa school na ito" wika ng principal.
Wow VIP? Ngayon lang ako naging para bang VIP. Feeling ko napaka sikat ko hahahha.
"Mr Ken, hnde ko na ito patatagalin pa, sila ang magiging room mates mo simula sa araw na ito at pwede ka ring magtanong sakanila pag may gusto kang malaman. Oh sya Ken mauna na ako ha ingat kayo jan" sabi ng principal.