“Close to my heart” sabi niya bago niya binitawan kamay ko tapos lumabas siya ng sasakyan. Naramdaman ko na namumuo na ang luha sa mga mata ko. Hinabol ko siya at biglang hinigit ang braso niya. Tinitigan ko siya sa mga mata niya, at unti unting pumatak ang mga luha niya.
Im sorry. Pero hindi ako papayag na ganito. Hindi ko kayang mawala ka sakin.
“ano ba?! Puta naman kassey eh!” umiiyak na ako pero wala akong pakealam. Hindi siya nagsalita, patuloy lang sa pagpatak ang mga luha niya. Alam ko nahihirapan siya, pero hindi ako papaya na ganito na lang ang mangyayari. Mahal ko siya. Mahal na mahal. Nagpatuloy ako sa pagsasalita.
“bakit babalik kana naman sa kanya? Ano? Paulit ulit kana lang bang magtitiis sa kanya? Andito ako oh!” hinawakan ko ang dalawang braso niya, hindi pa rin siya nagsasalia at umiiyak lang. “alam ko naman na ginamit mo lang ako eh, ginamit mo ako para makalimutan siya. Rebound lang ako diba? Tangina! Alam na alam ko yun kas. Pero okay lang sakin na gawin mo akong rebound para unti unti mo siyang makalimutan. At alam mo rin na may nararamdaman ako sa’yo kaya game, wala akong pakealam kung masaktan man ako kasi mas okay yun kesa ikaw nasasaktan. Akala ko okay na eh, akala ko worth it ang pagiging rebound ko kasi sa wakas nakikita na kitang naka ngiti at alam ko ako ang dahilan nun, Pero ano to ha? Isang text lang galing sa kanya na im sorry I want you back babalik ka na ulit sa kan—“
hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi sinampal niya ko at nagsalita siya.
“fuck. Shut up cassey! Sorry ha?! Sorry kung tanga ako at babalik ako sa kanya.” Pinunasan niya ang luha niya bago magsalita ulit. “alam ko, mali na babalik ako sa kanya pero cas, mahal ko siya. im sorry kung ginamit kita, akala ko mawawala. Akala ko makakalimutan ko siya. puta kung natuturuan lang ang puso..” tumalikod siya.
Huminga ako nang malalim at pinunasan ang luha ko tapos nagsalita
“natutunan mo rin ba akong mahalin kas?”
“I tried” tapos hinawakan niya kamay ko.
Unti unting pumatak ang mga luha ko, ang sakit ng dalawang salitang binitawan niya. Dahan dahan kong binitawan ang kamay niya. Umatras ako nang dalawang hakbang.
“yes you tried, but you never gave me the chance”
Pumunta ako sa sasakyan ko at umalis. Sabay nang pagtalikod ko sa kanya ay ang pagkalimot ko sa kung anumang nararamdaman ko sa kanya.
YOU ARE READING
hardest part
Romancewhat would be the hardest part in the world of love? kaya mo bang iwan ang mahal mo para lang sa taong nagmamahal sa'yo nang lubusan?