Simula

7 2 0
                                    

Sexy-ing iginiling ang bewang ni Centia na nagsasayaw sa dance floor. Ang mata niyang parang nag-se-seduce sa kalalakihan at ang mukha at katawan na gumiling na kinaiinggitan ng mga halos ng kababaehan.

Pinagpala yata siya ng lahat kaya hindi yata siya matatawag na maganda lang. Super duper gorgeous can define her.

Halos lahat ng mata ng mga kalalakihan ay nasa kanya nakatutok. Siya yata ang center of attraction nor attention ngayong gabi pero pinagsabawala niya lamang ito.

Ilang lalaki na rin ang nag-try na ayain siya pero umayaw siya na dahilan upang bagsak-balikat ang mga ito pabalik sa upuan.

She must enjoy this. Ga-graduate na siya bilang high school kaya hello na sa college life.

At about sa kung paano siya nakapasok kahit sa murang edad niya? Connections. Connections lang naman. She is the daughter or should I say unica ija of Mrs. Bianca Centia Miranda and Mr. Ashel Miranda. Ang nangunguna sa pinakamayaman sa Pilipinas. Kaya nakukuha niya ang lahat ng gusto pati luho. Its either good or bad basta gusto niyang makuha. Game!

Naramdaman niyang may humawak sa bewang niya dahilan upang mas ginalingan niya pa ang paggiling.

"Can you be my girlfriend?" Tanong ng lalaki sa kanya.

Binaklas niya ang paghawak ng kamay nito sa bewang niya.

"Back off."

Mahirap talaga kapag super super gorgeous ka. Maraming talagang naghahabol dahil sa aking kagan-

HABOL HININGA naman na bumangon ako sa higaan. Nakita ko ang nanay kong nasa gilid ng kama na may hawak na itim na maliit na labador.

"Nay, naman eh!" Pagmamaktol ko. Kinamot ko pa ang mala masukal na gubat na buhok ko.

Nameywang si nanay atsaka ako piningot sa tenga. Napapikit naman ako sa sakit.

"Ginising lang kita dahil baka na naginip ka naman ng kung ano-ano na ang hirap paniwalaan." Anito atsaka binitawan ang tenga na pinapasalamat ko.

"Nay! Huwag ganon. Walang basagan ng trip." Sabi ko at hinihimas ang tenga kong mapula sa kakapingot ng nanay ko.

"May nalalaman ka pang walang basagin ng trip. Ang mukha mo para ng basag. Hala! Mag-ayos ka na diyan para sa bago mong klase. 'Kay aga-aga pinapainit mo ang ulo ko!"

Kulang na lang mag-transforn into dragon ang nanay niya na handa ng bumuga ng apoy kahit anong oras.

"Maybe because of the heat of the sun?" Nakangiti kong sabi na kita pa ang keke kong pinag-hirapan ng isang buwan.

Feeling ko na parang nagtransform ang nanay niya into a wish? Mali mali which 'yon. Mali mali. Leche! bruhang panget na nga lang.

Bago pa man ma complete ang transformation ng nanay ko ay tumakbo na ako papuntang C.R. Parang pokemon kung maka-evolve, e. Sinirado ko ito para siguradong hindi makapasok ang bruha kong iba.

Napatingin ako sa salamin ng C. R. para makita ang mukha. Magulo na buhok. Mahigit isang buwan niya kasi itong hindi sinusuklay. Makapal na kilay na parang bruha. Mag-ina nga kami ni nanay pero di naman kami magkatulad ng mukha. Ang nanay ko, malinis habang alo ay parang nabulok na basura.

"NAY, una na po ako." Pagpaalam ko kay nanay.

"Pag may nanglait sayo doon huwag mo nang patulan." Habilin sa aking ng ina.

Todo ngiti naman ako ngayon dahil sa wakas naka-tootbrush na rin siya.

"Hindi ko naman talaga sila papatulan, Nay." Paninigurado ko.

Ayaw ko yatang maalis ang scholarship ko. Atsaka, salamat sa diyos dahil sa sikat pa na school pa ako natanggap.

"Dahil alam mo nang tama sila."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng aking ina.

"Grabe ka, Nay. Support mo naman daughter mo."

At inungusan lamang ako ni mother. Nagbelat muna ako saka lumabas na sa bahay namin.

"Arff arff!"

Ano ba 'yan pati aso kinakamusta ako. Mahirap talaga kapag maganda. At dahil di ako pinanganak ng snobber sumagot ako.

"Arff arfff!!" Tahol ko pabalik.

Oh diba! Nagkakaintindihan kami. Ganun talaga ang mga dyosa.

Binuksan ko na ang gate atsaka lumabas. Nakatayo ako ngayon upang pumara ng jeep. Pero ang mga leche! Dinadaanan lang ako. They missed the gorgeous girl in their life.

"Para!!!!!"

Buti naman at tumigil rin ang isang 'to. Aba! Dyosa ang sasakay.

"Miss, wala ng space kaya kumabit ka na lang." Sabi ng driver.

Napanganga talaga ako buti na lang nag-tootbrush ako. Wala na din akong choice kundi ang sumakay dahil male-late na ako kaya wala akong nagawa kundi ang kumabit. Naka-palda pa naman ang dyosa kaya inipit ko na lang sa hita para hindi liparin.

"Anak, ikaw na lang ang umupo dito. Nakapalda ka pa naman. Maraming babastos sayo niyan." Sabi ng matandang ale.

"Ahh... Di na po. Atsaka mas kinakailangan niyo po 'yon. Maraming salamat po pero okay na po ako ngayon." Aniko.

Kahit yata ang kabaitang asal ay pinamana sa kanya ng panginoon. Kagandahan lang ang hindi. Pero alam niyang pretty siya sa mata ng diyos. Hindi man ng iba nakikita dahil nabulag sa iba pero ang Diyos mulat na mulat sa lahat ng bagay.

"Mahirap makahanap ng gentleman sa panahon ngayon, anak." Ani ng matanda.

Ngiti na lamang ang sagot ko dahil alam ko rin na totoo naman talaga ang sinabi ng matanda. Kaya kung mahahanap na ako ang true love niya hinding-hindi na ko ito papakawalan.

'Yong tipong tanggap ako sa kung sino at ano pa ako.

Ang sarap kantahin ng this is me ng the greatest showman. Parang ginawa talaga sa akin. Tagos na tagos eh.

"Velonza University!!"

"Para po!!--este bababa po ako!!"

Tumigil ang jeep kaya binuksan ko ang wallet na may design na sunflower at kumuha ng bayad.
Bumaba ako atsaka tumingin sa bukas na gate.

Velonza University

"GAGa ka talaga! Kanina pa kita hinahanap." Parang frustrated ang mukha ni Princess.

"Hindi ka naman nagsabi kung saan tayo magkikita."

Kasalukuyan nagbabayangan kami habang naglalakad sa hallway. Ang iba ay tinitignan kami na parang alien kami pero di namin pinagtuonan ng pansin.
Napatigil na lamang kami ng may humarang saamin na tatlong babae.

"Oh another bitch?" Sabi ng nasa gitna.

"Bitch? Kami?" Tanong ni Princess.

Tumawa naman ang babae sa gitna. Bakit may nakakatawa ba sa sinabi ni Princess?

"Yeah. Kayo. Another bitch!! Pakalat-kalat na lang sa campus."

" Eh ano ngayon kung pakalat-kalat lami. Alangan naman na hindi kami gumalaw. Another slut!"

Ano tingin nila saakin? Di marunong lumaban? Kahit sinabihan pa ako ni Nanay kanina di ko makakapayag na sabihan ng bitch.

Napanganga naman ang mga three frogs. Pati ang mga nakarinig ay napa-ohhh.

"Para kayong palaka na putak na putak tuwing uulan." Sabi ko.

"Eh kayo ano? Taong gubat? Pati buhok mo nakikibagay sa tema ng kagubatan. Atsaka hindi ka kagandahan para sabihin mo 'yan!" Aniya.

Aba! Lumalaban. Ini-imagine ko tuloy ang palaka na ready para sa boxing.

"So anong pinupunto mo na maganda ka? Tandaan mo. Hindi lahat ng magaganda.. PRETTY. Kapag i-level kita hindi mo pa ako maabot. Excuse me, you're blocking our way." Atsaka nilampasan silang nganga.

Hindi lahat ng Magaganda... PRETTY Where stories live. Discover now