Dear Yuuki,Gusto kita.
I just realized it lately.
Kelan nga ba kita nagustuhan?I think nagsimula ang lahat nung team building.
Alam kong alam mong gwapo ka. Pero hindi ka mayabang. Ang sipag mo pa. Marunong ka magluto at maglinis. Hindi ka umiinom. Hindi ka naninigarilyo. Maayos kang kausap minsan pero madalas may pagkaabnormal ka rin.Marunong ka maggitara. Hindi pa kita nakitang tumugtog. Nag-aassume lang ako kasi ilang beses na kitang nakitang may dalang gitara.
Noong una, sinabi ko sa sarili ko na, ang tulad mo ang ideal guy ko. Ideal guy lang. Hindi ikaw mismo.
Pero lately, lagi kang tumatakbo sa isip ko. Araw-araw kitang naiisip. Lagi kitang napapansin. Lagi kang hinahanap ng mata ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa'yo.
Gusto kita. Pero may gusto ka nang iba. Ayos lang naman na gustuhin kita diba? Hindi ko naman hinihingi na magustuhan mo rin ako.
Ang mahalaga GUSTO kita.
BINABASA MO ANG
Letters for Yuuki: Unspoken Words
RandomGusto ko siya. May gusto siyang iba. I badly want to tell him what I feel pero hindi pwede. Unrequited love. Sanay na ako. But I want to express how I feel. So here are my letters for Yuuki. Letters he will never read. P.S. This is like a Love Let...