Dear Yuuki,
Please don't pay attention on everything, umaasa ako.
Well, madalas tayong kumain nang magkasabay kaya natural lang na may mapansin ka sa pagkain ko pero kinikilig pa rin akong malaman na kahit paano me alam ka tungkol sakin.
Alam mong kaunti akong kumain ng kanin pero mahilig ako sa siomai at desert. At nung sabihin mo yun kanina, kinakausap ko si Roni pero napangiti ako hindi dahil sa pinag-uusapan namin kundi dahil sayo.
Kanina nung sabihin mo na gusto mong manood ng Rampant, gusto kong yayain kang matuod tayo. Marami tayong kasama kaya nahiya ako.
Pero ayos lang. Natutuwa talaga ako kay Roni kasi nabanggit niyang gutom siya. I grab the chance para sabihing kumain tayong tatlo. Sana lagi siyang gutom.
Masaya akong may malaman impormasyon tungkol sayo. Pareho nating ayaw ng tilapia. Ang weird man ng dahilan mo kung bakit ang mahalaga same tayo. Once ka pa lang din nakainom ng alak. Pareho tayo. Sana pareho tayong single. Hanggang ngayon di pa rin ako naniniwala na may girlfriend ka. Walang nababanggit ang mga kaibigan mo.
Ilang beses mo nang nabanggit na gusto mong pumuntang Boracay. Gusto ko ring pumunta dun kasama ka. Hahaha. Wishful thinking.
One day, uuwi ako sa amin. Isasama kita. Punta tayong Bora.
But is it a good thing or a bad thing na weird ako sa paningin mo? Sa tingin ko talaga tingin niya ang weird ko.
Paano ba naman lagi akong nasa SM pero hindi ko pa rin memorized ung location ng mga store at kainan sa araw-araw na paglilibot. I think you find it weird na para akong laging nawawala at makalimutin. Plus the fact that I watch anime more than anything. At yung kanina na nalaman mo na hindi ako marunong magtali ng sintas ng sapatos. It's complicated kasi. I don't want to spend my time on complicated things unless its about you or require akong gawin ang isang bagay.
In Frankie's where we ate today, we learned a lot about each other. I want to learn more about you.
BINABASA MO ANG
Letters for Yuuki: Unspoken Words
RandomGusto ko siya. May gusto siyang iba. I badly want to tell him what I feel pero hindi pwede. Unrequited love. Sanay na ako. But I want to express how I feel. So here are my letters for Yuuki. Letters he will never read. P.S. This is like a Love Let...