My Incubus [ONE SHOT]

3.5K 77 27
                                    

I tried to scream pero kapag binubuka ko ang bibig ko ay walang tunog na lumalabas... anong nangyayari? Bakit andaming... patay?

"Prinsesa ko... wag ka mag-alala... pro-protektahan kita..."

Cold sweat covered my whole body as I sat up. Lightning striked followed by a loud thunder. Mukhang uulan. Sana naman po ay wag, may field demo kami ngayon.

Kahit gising na ako ay naririnig ko pa rin ang mapanuyo niyang pagtawag sa akin. Tinatawag ako pabalik sa masasayang panaginip.

"Catherine.. prinsesa ko..."

Sa tuwina na lang ay mapapanaginipan ko siya pero hanggang ngayon ay di ko maalala ang mukha niya kapag magigising ako. Naalimpungatan ako ng ako'y katukin ni ate para bumangon na. Inayos ko ang higaan ko, naligo, nag-uniporme, at bumaba na sa kusina pa mag-almusal. Hindi pa rin namin naalis ang mga dekorasyon noong Pasko kahit magpe-Pebrero na. Para pa ring Pasko, nakakatuwa. Pagkatapos kong kumain ay nilagay ko sa dishwasher ang pinagkainan at nagsipilyo.

"Ang aga mo atang pumasok ngayon?" Sabi ni kuya na hindi pa tapos. Oo nga, wala pala siyang pasok kapag Lunes. Silang dalawa ni ate.  "Wag ka na rin kayang pumasok?"

"Bakit? Masama?" Binelatan ko siya. Kinuha ko yung bag ko at coat. "Sige bye." Late na naman. Yessss. Buti na lang at hindi umulan.

Ako si Catherine Honor (silent H), junior sa Montessori School of St. Genevieve, bunso sa tatlong magkakapatid. 

Sa eskwelahan, maraming estudyante ang nagkukumpulan sa harap ng classroom ng section ko. Lumapit sa akin ang best friend kong si Jasmine na taga-ibang section.

"Catherine... Huhuhuhuhu!!! Narinig mo na ba ang balita?! M-may zombie virus daw na dala ang mga isda!"

Ah, yung TV ang pinagkakaguluhan nila. Sa kasawiang palad, sa klase na lang namin ang may gumaganang TV set dahil pinagsisira na ng mga thugs na walang magawa. Pero di yun ang concern namin ngayon! "Zombie?! Virus?! Isda?! Anong sinasabi mo?!"

"Catherin, paano na tayo? Ano nang mangyayari sa atin..?"

"Jasmine, maghunos dili ka! Pumunta muna tayong washrrom, naa-ano na kasi ako eh. Doon mo na ikwento sa akin."

"O-okay, sige." Hinila ko ang kamay niya ng mahigpit papunta sa washroom para hindi ko mabitawan ang kamay niya sa dami ng nagkakagulong estudyante sa hallway.

Nang makapasok kami sa washroom ay nakakabingin katahimikan ang sumalubong sa amin. Pumasok ako sa pinakadulong cubicle at pinakwento siya.

"Kanina, pagpasok ko, pinapunta ako nung kaklase mo, si... Nina. Pinapunta niya ako sa room niyo. Sabi niya, nakakatakot daw kasi yung newsfeed sa TV lalo na't paulit-ulit. After naming panuorin yun ng tatlong beses, napansin namin na puro estudyante pa lang ang aming nakikita. Walang janitor, guard, o teacher na umaaligid. Napansin ko nga rin yun nung pumasok ako kanina, wala si Manong Ed sa guard house."

My Incubus [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon