R2

58 3 2
                                    

"GOODMORNINGGGGGG SUNSHINEEEEEE" sigaw ko matapos buksan ang bintana. So what's time is it? Itsssss 6:30 in the morning! Hehehee maaga paaaa 8:30 pa naman pasok namin ni kuya eh.

Ano nga ba ginagawa ko pagkagising? *Parang nag bavlog lang eh noh* unaaa pag mulat ng aking mata ay nagpapasalamat ako sa diyos dahil binigyan nya uli ako ng panibagong araw! Hehe thanks uli lord i love you! Pangalawaaa? Punta sa banyooo hilamosss tas toothbrushhh. Pangatlooo? Baba tapos mag ggreet kay mommy and kuya ng GOODMORNINGGGGGGG HEHEHEEEE. Baba muna kooo para kumain ha?

"Bunso ang aga mo naman ata? Usually, 7:30 ka gumising ah? Hahaha" salubong sakin ni kuya rrx pag baba ko ng hagdan.

"Kuya ano ka ba? Para maiba naman noh!" Sagot ko.

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako, tinignan ko ang oras at 7:30 palang naman.

"Kuya, mauna na ko ah? Dadaan ako dun sa may ilog na madadaanan papuntang crastle high okii? Bye kuyaaa bye mama!!!!" Paalam ko.

Habang nagba bike papuntang ilog ng puso't luha ni arisyha eh kukwentuhan ko muna kayo. Alam nyo ba kung bat ganyan yung pangalan ng ilog? Kinuwento sakin yun ni lola bago sya pumuntang langit eh. Siguro mga 8yrs old ako nun, ang tagal na pala.

                   FLASHBACK

"Tara rry apo ko, pumunta tayo sa ilog ng luha't puso ni Arisyha." Sabi ni lola sa akin.

"Huh? Lola san yon? Kakalipat lang natin ng bahay la ah? ang gala mo talaga lolaaa" pambibiro ko kay lola.

"Dyan lang sa may tulay yun apo, nakita ko yun nang araw na lumipat tayo dito. At kanina naman habang bumibili ako ng pandesal sa bayan, tinanong ko sa tindera kung ano ang pangalan ng ilog na iyon dahil ako ay manghang mangha sa sobrang linis nito at sobrang mahangin dito." Pagpapaliwanag ni lola.

"Sige lola punta tayo!! Pero la? Kita po ba dyan ang paglitaw at paglubog ng haring araw?" Tanong ko kay lola.

"Oo apo, tara na at ng masilayan natin ang paglubog ng araw." Sagot ni lola.

Naglakad lang kami ni lola papuntang ilog, at nung nakarating na kami ay manghang mangha ako sa aking nakita.

"Lola! Napakaganda rito, sobrang linis ng tubig at kay daming puno't bulaklak sa paligid." Pangmamangha ko.

"Apo eto pa ang kwento sakin kanina ng tindera. Kaya daw ito tinawag na ilog ng puso't luha ni arisyha dahil noong unang panahon may nagmamahalang, Arisyha at Surivan. Si Surivan ay isang anak ng isa sa mga mayayamang tagapamahala ng kanilang bayan noon. At si Arisyha naman ay ang anak ng mag asawang magsasaka sa bukid ng magayona. Sya rin ay isang mabait mapagmahal at masunuring anak Isang araw, napagpasyahan ni ginoong Surivan na libutin ang bayan ng Heresha na may napakagandang ilog. Habang si ginoong surivan ay naglalakad nakita nya ang isang babaeng nakatayo sa may tulay sa tapat ng ilog at sya ay nagtataka kung bakit ito nakapikit. Lumapit sya rito at sinabing

"bakit nakasara ang yong magagandang mata binibini?" Pag uumpisa ni ginoong Surivan.

Biglang dilat ng binibining nag ngangalang Arisyha

"Naku! Pasensya na ginoong surivan! Kayo po pala yan"

"Kilala mo ako binibini?" Pagtatanong ng ginoo.

"Sinong hindi makakakilala sayo ginoo?" Sagot ng binibini.

"Kung gayon ikaw, ano ang iyong pangalan binibini?" Ginoong surivan.

"Ako ho si Arisyha ginoong surivan."

"Nagagalak akong makilaka ka magandang binibining Arisyha" pangbobola ng ginoo.

The RealizationWhere stories live. Discover now