Nakalimutan

55 0 0
                                    

Nakalimutan

By J. Cruz


Kabisado ko naman,

Pero ang nakakainis lang

Ay yung alam mo naman,

Pero di mo matandaan.

Naghanda ako kagabi

"Okay na 'ko" aking sabi.

Nagaral... Nagpuyat... Malapit na ngang magbigti.

Laging naiisip, kahit nga sa panaginip.

Exam day na.

Sa wakas.

Pero pag tingin sa papel;

"Ano to bes?"

Paki tingnan sa talampakan,

baka doon napunta iyong pinagpuyatan.

Kawawa ka naman,

Bagsak ka nanaman.

Pangalan ko lang yata ang nasulat kong tama,

Pati petsa ay di pa mawari kung yun nga.

Tumingin ka sa kaliwa;

Baka s'ya alam n'ya.

"Alam mo yan, alam mo yan." Aking pinagpilitan.

Pigang piga na, pero wala talaga.

Tumingin ka ulit sa kaliwa, baka may makita.

Wala! tinakpan n'ya na papel nya!

Umuwing banas, sa Facebook naglabas.

Hayaan mo na bes, ginawa mo naman lahat.

Next time nalang, prelims pa lang.

Matalino ka naman, nakalimutan mo lang.

.

.

.

.

.

.

.

#Pharmagulong

Kaya nyo yan, kayo naman.

Wag lang kalimutan ang Syang may lalang.

Siya'y di nagdadamot ng karunungan.

Humingi lamang, at magreview din naman.

:)

Parmasyutikong PilipinoWhere stories live. Discover now