Buhay ko ay puno ng pangungulila
Pagkatao ko ay nababalot ng dalita
Pagkat Kay hirap mag-isa
Ngunit bang ikay making makilala
Pinunan mo ng pagmamahal and aking pagkataoMga ngiti at muling sumilay
Pagkat binigyan mo ng pag-asa ang aking buhay
Matatamis mong salita ang aking pundasyon
Sumpaan nating panghabambuhay kong panghahawakanSa bawat bigkas mo ng 'mahal kita'
Katumbas ay labis na kasiyahang nadarama
Sa bawat kantal ng iyong halik
Naghuhumiyaw ang puso sa galakSubalit sa bawat kasiyahang ating natatamasa
Pasakit naman ang aking nadudulot sa iba
Sapagkat alam isang kahibangan lamang ang ating ginagawa
Dahil ako ay umibig sa tulad mong pag-aari na ng ibaHindi ko ninais makasakit
Hindi ko nais magdulot ng pait
Marahil isang salot ang turing niyo sa akin
Pagkat ako'y piste sa isang relasyonAko sana ay patawarin niyo
Pagkat hinayaan Kong matalo ako ng tukso
Hangal man ang pag-iibigang ito
Ngunit dito ko naramdaman kung paano mahalin ng totoo.
BINABASA MO ANG
Thoughts in Me
RandomA compilation of my thoughts and poems. Hope you like though it's my first time and I'm still amateur on this field. #JustLOVEnoHATE