Third Person's Point of ViewNagmamadaling naglakad si Sandy, tagaktak na ang pawis nito. Hindi na alintana ang mga buhok na tumatabon sa mukha niya dahil sa labis na pagmamadali.
Late na kasi ito sa first subject niya dahil tanghali na siya nagising dahil sa ginawang project niya, halos maga-ala una na siyang nakatulog kagabi.
"Shit" usal nito ng maabutang nakasara na ang pinto ng kanilang classroom. Palatandaang nagsisimula na nga ang kanilang klase. Ang mas masaklap pa terror ang kanyang teacher ngayon.
Nagdadalawang isip pa siya kung papasok ba siya o mag cucutting class nalang.
"Bahala na nga lang"
Dahan dahan siyang pumunta sa nakapinid na pinto. Buong ingat niya itong binuksan, sumilip siya sa maliit na siwang na kanyang nagawa.
Nakita niyang nag didiscuss na ang kanyang teacher, madilim ang classroom dahil nakapatay ang ilaw ng sa gayon makita ang nakasulat sa projector.
Nabuo ang diterminasyon ni Sandy na makapasok.
"Mukha namang walang makakapansin kung papasok ako" - usal nito sa sarili.
Ingat na ingat niyang binuksan ang pinto, natatakot siyang makagawa ng kahit na anong ingay.
Gumapang siya paloob at isinara ulit ang pinto, wala paring nakakapansin sakanya dahil nakatuon ang atensyon ng mga kaklase niya sa harap.
Paggapang siya nag tungo sa upuan niya, dahil sa bitbit niyang project medyo nahihirapan siyang gumapang isama mo pa ang buhok na tumatabon sa mukha niya.
Sumasakit na rin ang tuhod Niya kakagapang.
Malapit na siya sa upuan niya ng bigla nalang sumigaw ang isa sa mga kaklase niya.
"WAAHHHHHHHH SI SADAKO , SI SA-SADAKO!!!!!"
Agad nag pulasan ang mga kaklase niya, natigil din sa pag didiscuss ang kanyang guro.
"oh shit, lagot na talaga ako" - nasabi nalang ni Sandy.
"WAHHH MULTO, MAY MULTO!!"
"PAPATAYIN NYA TAYO!!!"
"SI THE RING HUHUHU KUKUNIN NIYA TAYO, IPAPASOK NYA TAYO SA BALON!!!"
Patuloy paring nagsisigawan ang mga kaklase niya, meron pa ngang nahimatay.
Napako pa rin sa kanyang kinasasadlakan si Sandy.
IM DOOMED! Lupa kainin mo na ako.
Yan ang nagsusumigaw sa utak niya.Dahil nga nagkakagulo na ang mga kaklase niya. Agad na nagtungo ang guro nila sa may ding ding kung saan nakalagay ang switch ng ilaw.
Nang mapindot na ng kanilang guro ang switch ng ilaw agad na kumalat ang liwanag. Lahat pinipigilan ang hininga.
At bigla nalang umalingawngaw ang boses ng taong kinatatakutan niya--- ang kanyang terror teacher.
"MISS CASSANDRA NICOLE FORTALEZA, SA PRINCIPAL'S OFFICE NGAYON NA!!" - nang gagalaiti nitong sabi , halos lumabas na ang mga litid nito sa leeg dahil sa gigil. Nang makitang si Sandy pala ang dahilan ng pag gulo ng klase nya.
*******
Taimtim na nagdarasal si Sandy habang nakaupo sa mahabang sofa. Kasalukuyan siyang nasa Principal's office. Habang sa harap nya ay ang kanyang terror teacher na masama parin ang tingin sa kanya.
"Of all people Ms. Fortaleza, bakit ikaw pa ang nag bibigay sakit ng ulo sakin. Naturingan ka pa namang honor student pero ikaw rin itong taga simula ng gulo. Kahapon nabasag mo yung salamin ng bintana dahil sa pag bato mo ng bola"