OH MY WEDDING!
B. Dhosme
She will do everything for her wedding and he will do everything to ruin it...
Bata pa lang si Leah ay pinapangarap niya ng mapang-asawa si Emerson. Kaya nang pinagkasunduan ng kanilang mga magulang ang isang arranged married sa kanilang dalawa ay sobrang nagalak nito. Inabangan niya at hinintay ang araw na bumalik si Emerson mula New York upang maipakasal na siya rito.
Ngunit sa pagbabalik ni Emerson ay may isang bagay siyang natuklasan tungkol sa lalaki...
At dahil sa natuklasan niyang iyon ay matutuloy pa ba kaya ang kasal?
PROLOGUE
"Leah, anak, I want you to meet Emerson." Abot tainga ang ngiti ng ten years old na si Leah nang ipakilala siya ng kanyang ina sa anak ng highschool bestfriend nito. Matagal niya ng nakikita sa kanilang school si Emerson, isa sa mga honor student ito sa batch nila at kinikikiligan ng mga girls sa school nila dahil sa likas na kacute-an nito.
"Emerson, she is Leah." Ang sabi naman ng ina ni Emerson sa kanyang anak, "Di ba she is pretty?"
Napakunot ng noo si Emerson nang makita ang batang babaeng iyon. Makapal ang eyeglasses ng batang babaeng iyon, makapal ang diretsong buhok at makapal ang kilay. Parang kaunti na lang ay magiging kamukha niya na si Betty La Fea.
Hinawakan ng kanyang ina ang kanyang magkabilang balikat, "Siya Emerson... siya ang mapapang-asawa."
Maslalong napakunot ng noo si Emerson nang marinig iyon sa kanyang ina. Parang gusto niyang masuka at parang gusto niyang madiri. Parang hindi niya matanggap sa kalooban niya na balang araw ay pakakasalan niyang ang batang babae na iyon.
1
Dahan-dahang nag-inat si Leah mula sa kanyang pagkakahiga sa kanyang kama at pagmulat ng kanyang mga mata ay napangiti siya, "Good Morning Philippines!" napatingin siya sa side table ng kanyang kama kung saan nakalagay doon ang isang picture ng guwapong lalaki. Kinuha niya ang picture nay un at hinalikan, "Good Morning Emerson ko! Uy siguro excited na excited ka ng makita ako noh kaya lagi kitang napapanaginipan."
Tinignan ni Leah ang kalendaryong nakasabit sa pader ng kuwarto niya, June 15... isang araw na lang ay babalik na ang the only one niya na si Emerson Tiu. Napatingin siya sa kisame habang nakahiga pa rin sa kanyang kama. Ang tagal din niyang hinintay ang araw na ito, ten years old pa lang siya, mula ng sinabi ng kanyang ina na si Emerson ang itinitakda nilang mapang-asawa niya ay nagsimula na siyang maghintay sa lalaki, hanggang sa pumunta ito ng New York upang don maghighschool ay inaabangan niya na ang pagbabalik nito sa Pinas. Binibilang niya na ang bawat taong nagdadaan, June 16, kapag twenty six years old na si Emerson ay magbabalik ito sa Pilipinas upang pakasalan siya.
Aaay! Nakakakilig naman! At nag-umpisa siyang magpagulong-gulong sa kanyang kama sa sobrang kakiligan hanggang sa mahulog na siya rito.
Napaupo si Leah habang hawak-hawak ang pwet niya na tinamaan sa pagkakabagsak niya sa kama, "Grabe ang sakit naman non."
BINABASA MO ANG
OH MY WEDDING!
RomanceShe will do everything for her wedding and he will do everything to ruin it… Bata pa lang si Leah ay pinapangarap niya ng mapang-asawa si Emerson. Kaya nang pinagkasunduan ng kanilang mga magulang ang isang arranged married sa kanilang dalawa ay so...